Posts

Showing posts from December, 2020

TINTA - Part 10 (Finale)

Image
  Hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa din ng mga pulis ang karumal-dumal na nangyari sa OLGU Main Building. Pero sa isang news report sa TV ay mako-consider na "case closed" na dahil namatay na si Nathan. Kinumpirma ito agad ng Pathologist na kulay itim na ang baga ni Nathan at ang kanyang puso ay kulay itim na din.  Pero palaisipan pa din ng ilang taga media kung bakit pinatay ni Nathan si Dr.Granados at kinain pa ang puso nito. December 13, 2019 Friday Habang naghihintay si Dustin na nagpapalit ng kanyang suot ay nakababad pa din ang mga binti at paa ni JD sa swimming pool. Nakatingin lang si JD sa kanyang nakikita. Pagod ang kanyang mukha at walang sigla nito. Tumulo ang mga luha ni JD mula sa kanyang mga mata.  Biglang sumulpot naman si Fr.Russell kaya umupo ito sa tabi ng binata. "Mr.Alfonso, is there a problem?” Tanong ni Fr.Russell. “Wala naman po. Napapagod lang ako sa mga nangyari. Sana po, wala nang sumunod na namatay. It's just frustrating." Sagot n