Posts

Showing posts from November, 2020

TINTA - Part 9

Image
Nakaupo na lang si JD sa likod ng sasakyan habang nasa harapan si Dustin. Binigyan niya ng isang bote ng mineral water galing sa kanyang bag at iniabot nito kay JD. Nakikipag usap si Uncle Nick sa mga taga NBI para imbestigahan kung paano nakuha sa simbahan ang bangkay nina Alex at Fr.Rico. Nakatingin na lang si JD sa bintana ng sasakyan. Pagod na pagod ang mukha at katawan. Hinawakan ni Dustin ang tuhod ni JD at hinihimas nito. "JD, pagkatapos ng mga taga NBI kay Uncle, uwi na tayo. Siguro naman bibigyan nila ang unibersidad ng mas mahigpit na pagbabantay. Baka may nakapasok ditong magnanakaw o masamang tao..." Sabi ni Dustin nang tumingin si JD sa mga mata nito. "Insan, unti unting namamatay ang mga kaklase natin. Wala naman akong ginawa sa kanila na masama di ba?!..." Tanong ni JD. Bumaba si Dustin at pumasok sa loob ng sasakyan upang tabihan ang pinsang naging puno't dulo ng lahat. "Eh wala ka namang kasalanan eh. Hindi ka naman nagpa tattoo sa Janus na

TINTA - Part 8

Image
November 25, 2019 Monday Habang naghihintay si JD sa professor para sa klaseng Analytics: Geometry ay naisipan niyang basahin ang kanilang lesson. Gusto niyang mag-focus sa lesson kaysa sa mga nangyayaring patayan sa OLGU habang ang iba'y nanonood ng balita sa kanilang mga cellphones nang marinig ang boses ng isang news anchor. "Magandang Umaga po. Natagpuang patay sa isang bakanteng gusali ang isa pang estudyante ng OLGU. Kinilala ng mga pulis na si Francis Karlsson, bente tres anyos at taga Cavite. Natagpuan ng mga pulis ang bangkay ni Karlsson na nakalagay sa isang malaking bloke ng yelo. Tadtad ito ng saksak sa katawan at may tattoo sa kanang hita. Siya ang pang-apat na estudyanteng pinatay na galing sa OLGU. Kabilang sa mga pinatay ay sina James Hoffmann, Joshua Enriquez at Gabriel Sanggalang. Humihingi ng hustisya ang nanay ni Karlsson..."  Balita ng news anchor. Puno ng pangamba ang mga estudyante dahil sa pagkawala ng Hexa Gang. Biglang nag-vibrate ang cellphone n