TINTA - Part 7
Nagsidatingan ang mga magulang ng dalawang estudyanteng nawawala. Mabilis silang naglakad papunta sa opisina ng University Director. Pagpasok nila sa loob ay sinabihan nila ang kanilang University Director na si Dr.Ernesto Granados, PhD.
"Misis, ginagawa po namin ang lahat para mahanap ang mga anak po ninyo. Ipinaalam po ba nito sa mga pulis?" Sabi ni Dr.Granados.
"Ni-report na namin yan sa mga pulis at mga taga NBI pero until this day, wala pa ding balita. Magsasalita kami sa media at idudulog namin yan sa CHED para ipasara ang school." Galit na sabi ni Alicia Perez, ina ni Francis pero pinakalma siya ni Joanne Obrea, ina ni Alex.
"I do apologize Sir. Kahit po ako magagalit. Dalawang linggo nang wala ang mga anak namin. Ang mga bangkay nina James, Joshua at Gabriel...ayun, nasa TV..." Hindi na mapigilan si Joanne at umiyak na lang kaya pinakalma ni Dr.Granados ang pagod na pagod na ina.
"Don't worry po Ma'am. Nakikipag tulungan na po kami sa mga pulis at sa NBI sa paghanap sa mga anak ninyo."
Isang babae ang pumunta sa security guard ng OLGU at iniabot sa kanya ang isang sobre, saka umalis ang babae. Nakalagay sa sobre na ito'y para sa Dean of Student Affairs. Ibinigay ng guard ang sobre sa isang janitor, na siyang ibinigay sa mismong tao - si Fr.Russell.
Binuksan ni Fr.Russell ang sobre. Laman nito'y isang sulat na ang mga letra'y hindi nya alam kung anong ibig sabihin at isang USB Flash Drive. Ipinasok niya ang flash drive sa USB port ng desktop computer. May isang video file na ang name ay "For Jacob" at isa ay may file name na "VERITAS" na ang ibig sabihin ay "truth".
Pinanood niya ang video tungkol sa babaeng nakikipagkita sa isang lalake sa parke. Hindi alam ni Fr.Russell kung sino ito. Sinubukan niyang i play ang Veritas video file. Habang pinapanood ang video ay tinawagan niya agad ang Dean of Architecture na si Dr.Arnaldo Montemar.
"Hello Dr.Montemar?! Si Fr.Russell po ito..." Sabi ni Fr.Russell sa kabilang linya.
"Oh yes Father. What can I do for you?"
"Meron po bang class ngayon si Mr.JD Alfonso?" Tanong ni Fr.Russell at sumagot naman si Dr.Montemar.
"Umm...yes Father. He has a major class until five in the afternoon. Bakit po ba?" Sagot si Dr.Montemar.
"I need his help..."
November 20, 2019
Wednesday
1:30 pm
Room 301
Architectural Visual Communications 3 (Studio)
Habang nasa klase sina JD at Winnie, usap-usapan ng mga estsudyante ang pagsugod ng mga magulang ng mga nawawalang estudyante. Tahimik lang si JD habang nakikinig lang si Winnie sa kwentuhan ng mga kaklase habang nakatulog na ang kanilang propesor na nakaupo sa isang plastic monoblock chair habang nakapatong ang mga paa nito sa wooden table.
"JD, sabi ng mga classmates natin ay sumugod sa school natin ang mga parents ng mga nawawalang students." Sabi ni Winnie at tawang-tawa naman si JD sa kwento ng kaklase nya.
"Kesa sa NBI sila magsumbong eh baka ma scandal ang university natin. Pagpipyestahan tayo ng media..." Naputol ang pagsasalita ni JD nang nahulog ang kanyang ballpen.
Sinubukan niyang kapait nito pero imbis na ballpen ang kanyang nahawakan ay kamay ng isang malamig na bangkay at hinila nito si JD. Humingi siya ng tulong kay Winnie pero humila ang katawan ni JD. Bumaba si JD para kunin ang kanyang ballpen nang nagpakita sa kanya si Francis - sunog ang kalahati ng kanyang mukha at lumuluha ng dugo. Natakot si JD kaya tumayo ito agad. Sinubukan ni JD na huwag sumigaw agad.
"What's the problem? Para kang nakakita ng multo..." Wika ni Winnie.
"W-W-Winnie...nakita ko si Francis...nagpakita sa'kin...he looks like someone did to him..." Sabi ni JD.
Alas singko ng hapon nang matapos ang kanilang klase pero sinabihan sila ng kanilang propesor na dapat silang pumunta sa opisina ni Fr.Russell.
"That's a good idea. Dapat sabihin mo din kay Father ang kababalaghang naranasan mo sa class natin. I think dapat ipa bless agad ni Father ang classroom natin or get a psychic para malaman kung anong gusto nila." Sabi ni Winnie habang naglalakad sila pababa ng hagdan.
"Eh wala naman kaming kilalang psychic or paranormal expert. Basta may humila ng katawan ko...nakita ko ang kaluluwa ni Francis...kailangang matigil ito. We can't live and study while experiencing paranormal stuff. Asan ba si Liz?" Sabi ni JD.
"Babalik na yun sa Friday. Hihingi pa daw ng medical certificate..." Sabi ni Winnie sabay tingin sa higanteng puno sa gitna ng main building, "...that tree,,.parang lumalaki ata...it looks like a tree from the Amazon rainforest...but it looks different"
5:30 pm
Office of the Student Affairs
Maaliwalas ang opisina ni Fr.Russell na nasa ground floor ng main building. May dalawang manmade statues ng Sacred Heart of Jesus at Immaculate Heart of Mary na nasa magkabilang corner ng opisina. May malaking office table at office chair na gawa sa kamagong.
Nasa kwarenta na si Fr.Russell pero magkahawig lang sila ni Uncle Nick. Sa tindig at porma ay hindi mo iisiping pari siya. Mahilig siya sa running, jogging at basketball kaya minsan ay suki siya sa gym. Friendly naman siya sa mga students at laging magdadasal kaysa kunin ang number niya para makipag date.
"Father, eh bakit nyo po kami pinapunta dito?" Tanong ni JD sa pari. Nandun din si Dustin dahil na inimbitahan ng pari.
"Mr.Alfonso...men, I need you to watch this video..." Sabi ni Fr.Russell kaya nagpunta sila sa monitor ng laptop ni Fr.Russell.
Teka, nakita ko yan dati.
Pinindot ni Fr.Russell ang play button. Nakikita sa video ang babaeng nakikipaglandian sa park kasama ang isang lalakeng mas matanda sa kanya.
"Now, this one..." Sabi ni Fr.Russell saka plinay ang pangalawang video.
Sa video, makikita ang isang babaeng may pasa sa mukha at nakaupo sa dining table. Takot na takot at parang may kinakausap. Nakasuot ito ng sira-sirang t-shirt. Wala itong bra kaya lawlaw ang kanyang dibdib. Sa kanyang boses ay mapapansin ang takot, kilabot at kaba.
"Ako po si Audrey. A-Audrey Santos. Boyfriend po ako ni Jacob Enriquez. Gusto ko lang pong i-kumpisal ang nangyari kay Jacob at Joshua. Nalaman ni Joshua na nagtatrabaho ako bilang escort. Nakita ko ang totoong nangyari na nagsiping ang magkapatid nang may bumulong sa'kin. Nakakatakot ang boses at parang galing sa kabilang buhay. Binulungan ako at inutusan akong patayin ang dalawa..."
Naputol ang video clip ng confessional nang nagpatay-sindi ang mga ilaw. Binunot agad ni Fr.Russell ang flash disk saka umihip ang malamig na hangin sa loob ng opisina - kahit nakasara ang mga bintana. Sinubukan nilang buksan ang pinto pero parang ayaw nilang palabasin ang mga tao sa opisina kaya angkukumpulan sila sa office table. Gumalaw ang mga kagamitan sa ere tulad ng mga libro't mga papel sa loob ng kwarto at sabay-sabay na nahulog. Nabasag din ang mga estatwa ng mga santo sa opisina.
"Huwag kayong mag-alala. Tutulungan tayo ng Diyos..." Sabi ni Fr.Russell habang kinukuha ni Dustin ang sulat.
"Father, kukunin ko po muna ang sulat para mabasa ninyo. Dapat muna tayong makaalis sa office..." Wika ni Dustin nang biglang sumigaw si Winnie nang makita niya ang isang misteryosong lalakeng nakatingin sa kanila. Nang makita ito ni JD ay mabilis niyang nakilala na si Janus ang nagpapakita kay Winnie.
Tinanong ni JD si Winnie.
"Demon...there's a demon coming...THERE'S A DEMON COMING..." Sigaw ni Winnie at mabilis na bumukas ang pinto. Napuno ng takot at kilabot nang nagpakita ang kaluluwa nina James, Joshua, Jacob, Edison, Gabriel at Audrey.
Nagsisigawan din ang mga estudyante't empleyado sa ibang mga opisina, canteen, at maging sa university library. Naglalabasan sila at nagtatakbuhan palabas ng main building. Takot na takot ang mga students sa mga kababalaghan. Ang ilan sa kanila'y umiiyak, naglalabasan ang kanilang mga smartphones at kinukuha nila ng videos ang reaction ng mga tao. Nang makalabas sina JD, Dustin, Winnie at Fr.Russell, tumakbo sila papunta sa carpark, kung saan nandun si Uncle Nick, kasama ang ilang professors at maintenance personnel.
Kinuwento ni JD kay Uncle Nick ang nangyari sa opisina ni Fr.Russell.
"This has to stop JD. Biruin mo, six ang members ng gang ni Nathan, three are dead, three are missing and this?" Sabi ni Uncle Nick saka lumingon kay Fr. Russell, "Father, pwede kayang kausapin natin ang School Director para ipa bless ang buong university para matapos na?" Tanong ni Uncle Nick kaya sumagot agad si Fr.Russell.
"It could be possible pero it will include more than one priest..." Sagot ni Fr.Russell kaya kinausap niya sina JD, Dustin at Winnie.
"Meron nga palang sulat yung babae. Iba ang nakasulat, parang galing sa unang panahon. If you can encrypt the message, the better." Sabi ni Fr.Russell.
"Sige po Father. Babalitaan po namin kayo." Sabi ni Dustin.
Pagdating sa bahay ay kumain na sila ng hapunan, iligpit ang kanilang pinagkainan saka sila tumuloy sa kani-kanilang mga kwarto. Tumabi muna si JD kay Dustin.
"Insan, ano ba yung sulat na kinuha mo nung nangyari sa school?" Tanong ni JD. Inilabas ni Dustin ang isang sulat. Kakaibang mga titik ang nakasulat.
"Ahh...ano yan?!" Tanong ni Dustin
"Sinabi yan sa'min ni Prof.Flores sa Filipino-II class. Baybayin yan, pre-colonial form of writing. Yung mga namatay na miyembro ng Hexa Gang, may tig iisang tattoo na may Baybayin letter...but this letter, it means something..." Sagot ni JD.
Napaisip si Dustin sa mga sagot ni JD.
"After PE-2 class, pumunta tayo agad kay Prof.Flores. I will take a scanned picture sa cellphone ko for safety."
November 22, 2019
Friday
1:30 pm
Faculty Lounge
College of Education
Biyernes ng hapon nang pumunta sina JD at Dustin sa Faculty Lounge upang humingi ng tulong kay Prof.Flores tungkol sa sulat. Tinignan ng guro kung anong nakasulat.
"Boys, alam mo nang Baybayin yan di ba? Bawat titik ay katumbas ng ginagamit nating Filipino alpabeto..." Sabi ni Prof.Flores saka ibinigay kina JD at Dustin, "...ngayon, ito na ang homework nyo, pati na sina Ty at Liz."
Lumabas sina JD at Dustin saka naglakad papunta sa Architect Montalvo Bldg, upang puntahan si Uncle Nick. Pinayagan silang pumasok sa Faculty Lounge upang magpahinga habang hinihintay si Uncle Nick na may klase.
"Now, we have time to encrypt...insan, nandyan mo ba ang notebook mo?" Tanong ni Dustin kay JD saka inilabas ang kanyang notebook na puno ng sulat.
Binabasa ang bawat sulat sa notebook hanggang sa nabasa niya ang Baybayin alphabet and rules nito. Nagsimula na ang dalawa sa pag interpret ng mga titik ng Baybayin at isinalin sa Tagalog o English. Inabot sila ng thirty minutes bago makumpleto ang translated message.
Sinubukang i translate ni Dustin ang mensahe pero hindi niya makula.
"Hindi ko makuha. Teka JD, may klase ba ngayon si Ty?" Tanong ni Dustin.
"Baka nasa klase, teka i text ko..." Sagot ni JD sabay labas ng kanyang cellphone at tinext si Ty. Makalipas ng ilang minuto, nag reply si Ty kay JD.
"Insan, nasa bahay ngayon ni Liz at binibisita." Sabi ni JD.
"Ito na lang, i send ko sa'yo thru Messenger yung picture ng sulat, tapos i send mo kay Ty." Utos ni Dustin kay JD.
Sinend ni Dustin ang picture kay JD, saka isinend kay Ty. Pagkatapos ay nagpahinga ang dalawa sa sofa. Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating si Uncle Nick. Ginising niya ang mga ito at pumunta sa cubicle.
"Boys, uuwi na tayo. May video conference thru Skype kaya sa bahay na lang namin gagawin. Dun din tayo kakain sa bahay para tipid." Sabi ni Uncle Nick.
Habang nasa kotse ang tatlo, biglang tumunog ang cellphone ni JD.
1 Message Received from Tyrone Magpantay
Binasa nya ang mensahe ni Ty:
"Pinatay ko sina Jacob at Joshua.
Nadidinig ko ang boses at utos ni Sitan.
Utos ni Sitan sa akin na patayin ang magkapatid."
Nagulat si JD sa mensahe. Pinatay ni Audrey sina Jacob at Joshua. Pero ang mas nakapangingilabot ay utos daw yun ni Sitan.
Pero sino si Sitan?
Ipinakita ni JD ang mensahe kay Dustin at dahil nagmamaneho si Uncle Nick ay binasa ito ni Dustin.
"Sitan?! Sino yun?! Demonyo ba yun? Dapat di ba 'Satan' eh bakit 'Sitan'?" Tanong ni Dustin kay JD.
"Pwede naman atang i-search yan online..." Sabi ni Uncle Nick pero hindi ito pinansin ni JD nang may kumalabit sa kanyang likod. Hindi niya ito pinansin pero may kumalabit uli kay JD at ngayon ay minuto ay laging kumakalabit hanggang sa may napansin silang parang nasusunog sa loob ng sasakyan.
"Uncle...naaamoy mo po ba yun? Parang amoy sunog..." Sabi ni JD.
"Sunog...wala naman akong amoy sunog eh. Baka gutom lang yan JD. Malapit na tayo sa bahay natin..." Sabi ni Uncle Nick.
Kinagabihan, mahimbing na natutulog sina JD at Dustin. Kailangang gumising si JD para sa ROTC-2. Ilang sandali lang ay unti-unting gumigising si JD dahil sa patak sa kanyang pisngi. Sa una ay hindi niya ito pinansin hanggang sa dumadami na ang patak sa kanyang pisngi. Pagtingin niya ay pinunas niya ito pero mas natakot siya sa kanyang nakita.
Dugo?! Saan nang...
Pumapatak ang dugo sa mukha ni JD kaya tumingin siya sa kisame at nakita niya ang katawan ni Francis - lumalakad nang mabagal dahil sa mga kadena sa kanyang mga paa, amoy sunog ang kanyang katawan, pati na ang marka ng tattoo sa kaliwang braso nito at napapansin niyang naglalakad nito mula kisame pababa sa lupa, parang nakalambitin itong patiwarik.
Shit!!!! Si Francis nga talaga.
Sinubukan ni JD na bumangon at nagpupumiglas pero hinahawakan nang mahigpit ng mga maligno ang mga kamay at paa nito. Hindi na siya makahinga kaya tinakpan ng isang maligno ang kanyang bibig.
"Patahimikin mo na ako. Ano bang gusto mo sa akin?" Tanong ni JD sa kanyang sarili.
Lumitaw si Janus mula sa paanan ni JD.
"Ikaw ang gusto ko para sa isa kong kaibigan pero malalaman mo din yan sa takdang panahon. Hangang-hanga ako sa utak mo dahil nahulaan mo ang mensahe ng babae. Mag-ingat ka sa mga sinasabi na banal sila, dahil ang totoo..." Sabi ni Janus saka tumingin kay JD, "...ilan sa kanila'y mga makasalanan, at isasama ko sila sa kabilang buhay. Si Francis ay biktima ng isang grupo ng mga masasamang taong konektado sa unang tinatato ko...heto, bibigyan kita ng takdang aralin..." Sabi ni Janus.
Inilabas ni Janus ang isang liham at naglaho, kasabay nito ay umalis na ang mga maligno pero andun pa din si Francis kaya binulong niya si JD sa kanyang tenga at nag-wika.
"Pinatay ako...binaboy ako...mag-iingat ka JD...mag-ingat kaaaaa...."
November 23, 2019
Saturday
10:30 am
OLGU Main Hall
Maagang pumasok ng school si JD habang nasa Faculty Lounge ng College of Architecture sina Uncle Nick at Dustin. Tapos na din ang kanyang homework sa ROTC-2. Siya ang pinakamaagang pumasok dahil pilit niyang iniiwasan ang kanyang bangungot. Nasa bag nito ang "homework" na sinasabi ni Janus at ang babala ni Francis sa kanya.
Pagkagising nito'y hindi niya binasa ito't tinupi at isinilid sa kanyang notebook. Habang hinihintay ang ibang mga kaklase ay biglang humihip ang malamig na simoy ng hangin sa buong paligid pero kasabay nito ay dumilim ang kalangitan at natatakpan ng mga itim na mga ulap ang sikat ng araw.
Tanghaling tapat tapos biglang kumulimlim? Senyales na yan ng climate change.
Mabilis na dumating ang isang itim na 2019 Toyota Vios na may plate number na XYE-2372 at huminto ito sa porch. Bumaba ang isang babaeng nakasuot ng itim na t-shirt, pink na pants at ballet flat shoes. Nakasuot din ang babae ng itim na sunglasses. Mukhang malungkot ang kilos nito na parang gustong suntukin o sampalin o gumawa ng eksena sa school.
Baka nanay yan ni Francis o Alex?
4:10 pm
Room 401
Nang matapos na ang klase, kinausap ni JD si Col.Gutierrrez tungkol sa pagkamatay ni Gabriel.
"JD, trabaho na yan ng NBI at hindi ng AFP. Ano bang nangyayari sa mga kaklase mo?! Nawawala at namamatay..." Sabi ni Col.Gutierrez.
Sa loob ni JD ay naiinis ito at parang sumagot nang pabalang pero pinigil niya ang kanilang sarili pero huminto si Col.Gutierrez sa kanilang pagsasalita dahil ang ilan sa mga sundalo ay pumupunta sa Alpha Omega Tattoo Studio. Alam niya kung saan yun matatagpuan.
"Ahh sir, alam nyo po ba kung sino yung may-ari ng Alpha Omega Tattoo Studio?!" Tanong ni JD at sumagot naman si Col.Gutierrez.
"Si Felipe Santos...yun ang owner."
"May picture po ba kayo ni Philip?" Tanong ni JD kaya inilabas ni Col.Gutierrez ang kanyang cellphone para hanapin ang picture ng may-ari sabay turo sa imahe ni Felipe - maputi na ang buhok, kumulot na ang balat at puno ng tato ang katawan. Nakasuot ito ng itim na sando st itim na shorts. Ni isa ay wala siyang nakitang mukha ni Janus.
Teka, wala namang Janus dito.
"Sir, may naikwento po ba sa'yo yung Philip tungkol sa may-ari na si Janus Villian? Yung kalbo na may-ari ng tattoo studio?" Tanong ni JD kay Col.Gutierrez.
"Janus...Janus...parang hindi naman kinuwento sa'kin ni Felipe kung may Janus. Mas mabuti siguro na puntahan nyo na lang si Felipe sa tattoo studio para makuha nyo ang mga sagot sa mga tanong." Sagot ni Col.Gutierrez.
Nagpaalam na si Col.Gutierrez kay JD. Bumaba na lang siya hanggang sa marating niya ang ground floor, kung saan naroon ang babaeng nakita niya - ngayon ay kinakausap na ng mga reporters at vloggers. Hindi siya nakisali bagkus ay nakikinig na lang ito.
"Mrs.Perez, ano pong balita sa anak nyonh si Francis?" Tanong ng isang reporter.
Sumagot naman si Alicia.
"Natagpuan ng mga taga NBI si Francis - sunog ang katawan at basag ang bungo..."
"Mrs.Perez, may alam ka po ba kung sino ang may kasalanan sa pagkamatay ng inyong anak?" Tanong ng isa pang reporter.
"May alam na kami kung sinu-sino sila...pero hindi namin pwedeng sabihin..." Sagot ni Alicia saka lumuha.
Nagpatuloy na lang si JD sa paglakad palabas ng main hall saka pumunta sa carpark at nagsend ng message kay Dustin.
"Insan, nasa carpark na'ko. Andun din yung nanay ni Francis at may ginaganap na press conference."
Linggo ng umaga nang sabay-sabay sina JD, Dustin, Uncle Nick, Mang Jun at Manay Lolita sa pagsimba, kung saan si Fr.Russell ang presiding priest. Habang nakikinig si JD ay naririnig niya ang bulong ng isang nilalang na mula sa ibabaw ng lupa. Malamig ang boses nito't nakakapangingilabot.
"Mag-ingat ka sa mga taong nakapaligid sa'yo. Hindi lahat ng mga nagsisimba dito ay totoo, dahil ang ilan sa kanila'y huwad..." Sabi ng malamig na boses ni Janus na nakaupo sa likod na upuan.
Lumingon si JD sa likod at isang matandang babae ang nakikinig sa homilya ni Fr.Russell. Nakasuot ito ng belong itim at may scapular na nakasabit sa kanyang dibdib.
"Sino ka ba talaga?! Kailan ka ba titigil?! Ilang kaluluwa't katawang lupa pa ang kailangan mo?!" Tanong ni JD sa kanyang sarili nang tinapik siya ni Mang Jun.
"JD, may problema?" Tanong ni Mang Jun.
"Ahh...wala naman po. Pagkatapos po ng misa, pwede po ba tayong pumunta sa isang tattoo studio sa ParaƱaque? Yung Alpha Omega?" Sabi ni JD.
"Titignan natin kay Sir Nick mo kung pwede tayo pumunta...eh ano bang gagawin mo dun?" Sabi ni Mang Jun.
"Kailangan ko lang po ng kasagutan mula sa may-ari..." Tugon ni JD.
Pagkatapos magsimba ay kinausap ni JD si Uncle Nick para puntahan ang tattoo studio, ngunit hindi ito nagustuhan ng tiyuhin.
"JD, hindi natin alam kung miyembro ba yan ng kulto o scam. Bakit ka ba atat na pumunta sa tattoo studio na yun?!" Galit na tanong ni Uncle Nick kaya mahinahon na sumagot si JD.
"Uncle, si Col.Gutierrez na prof ko sa ROTC-2, nagpupunta sila sa Alpha Omega para magpa tattoo..." Sagot ni JD.
"Itatanong ko muna yan sa mga kakilala o estudyante ko bago ka pumunta dun. Remember, you're my responsibility kung anong mangyari sa'yo. Kapag may mangyari sa'yo, magagalit sa akin ang Mama mo." Sabi ni Uncle Nick.
Pagkatapos kumain ng tanghalian ay nagkaroon ng video call sa pagitan nina JD, Dustin, Uncle Nick at ang mga magulang ni JD sa Cavite. Ginawa nila yun sa opisina ni Uncle Nick sa secons floor. Kinuwento nila ang mga nangyari kay JD sa OLGU.
"Anak, sinasaktan ka ba ng mga classmates mo? Baka naman may kalaban ka dun." Tanong ni Mena.
"Okay lang naman ako Ma...sa second semester, nagsimula ang horror sa school. Hindi naman ako sinasaktan or whatever." Sagot ni JD.
"Eh bakit gusto mong pumunta sa tattoo studio na yun?! Sinabi na sa'kin yan ni Nick. Focus ka muna sa studies mo 'nak. Bahala na ang NBI sa pag imbestiga..." Payo ni Dino, tatay ni JD at sinegundahan ito ni Uncle Nick.
"Tama sila JD. Kung makikisali ka pa, madadamay ka at pagpiyestahan ka ng media. Let the investigators investigate." Sabi ni Uncle Nick.
Kinagabihan, sinend ni JD kay Ty ang isang sulat mula kay Janus, na hindi naman nila pwedeng sabihin. Gamit ang scanner app ng cellphone niya, kinuha niya ng litrato nang malinaw at sinend niya ito. Nakahiga si Dustin kaya tumayo nito.
"I think Tita Mena agrees with Uncle Nick. I know it's complicated pero let the police force do their job. Isa pa, sinabi mo na may presscon sa school..." Sabi ni Dustin, sabay hawak ng kamay sa maputing hita ni JD. Hinimas himas niya ito para makalma. Nakita niya ang sulat ni Janus kay JD, "...is this another letter or something...i-scan mo at i-send kay Ty o Liz?" Tanong ni Dustin.
Sumagot si JD.
"This is a narrative. Kahit mga taga NBI, hindi nila ito maiintindihan. I-send na lang natin yan kay Ty o Liz. Winnie has nothing to do with this..." Sabi ni JD.
Pagka click ng SEND ay hinalikan ni JD si Dustin at sabay silang pumunta sa toilet and bath para maligo nang sabay. Natanggap nina Ty at Liz ang misteryosong sulat ni JD.
May ginawang group chat sina JD, Dustin, Ty, Liz at Winnie na ang pangalan ay "OLGU Friends Inc."
Nag reply agad si Ty.
"JD, mas mahabang sulat yan huh. Teka, may tatapusin pa akong homework."
Sumagot si Liz
"Kaw talaga, ang tamad mo noh?! Humanda ka sa'kin sa Lunes. Itanong kaya natin yan kay Prof.Flores."
Sumagot din si Winnie.
"According to JD and Dustin, it's useless. The professor said that treat this so-called 'evidence' as our homework. Guys, please help me with Baybayin para makatulong naman ako."
Sa harapan ng bahay ay nakatingin si Janus - natutuwa sa mga pangyayari at parang nasisiyahan sa mga nagaganap kay JD at sa misteryo sa pagkamatay ng mga miyembro ng Hexa Gang. Itinaas niya ang kanyang kamay at naglabas ito ng itim na hugis bilog na napapalibot ng itim na usok at nag-wika ng isang orasyon.
"Apat na kaluluwa na ang isinama ko sa Kasamaan. Dalawa pa at matutupad na ang iyong kahilingan.
Isa ay bunga ng bawal na pagmamahalan at kahalayan.
Isa ay bunga ng poot at ingit na abot hanggang langit.
Kapag nakumpleto ko na ang anim, ikaw Sidapa at Libulan ay magsasama nang pang habambuhay."
Naglaho uli si Janus sa anyong itim na usok.
Comments
Post a Comment