Posts

MALIGAYANG PAGDATING Welcome sa aking blog.  Bilang isang baguhang nobelista, isa itong paraan para magkwento ng mga istoryang may kabuhulan, kahit ito'y iba sa pananaw ng iba. Ang mga pangalan, tauhan, lugar at insidente sa nobelang ito ay kathang-isip lamang at hindi nagpapakita ng mga totoong tao, lugar o kaganapan o kumakatawan sa anumang aktwal na organisasyon. Anumang pagkakahalintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.  May mga istorya na may halong incest. Kung hindi mo nagustuhan ay wag mo na pong basahin. Kung gusto mong ipatanggal ang inyoong post o ang buong blog, mag send ka na lang sa'kin thru my email address: dennisfritzboycabasan@gmail.com. Maraming salamat sa inyong lahat. Keep reading.

TINTA - Part 10 (Finale)

Image
  Hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa din ng mga pulis ang karumal-dumal na nangyari sa OLGU Main Building. Pero sa isang news report sa TV ay mako-consider na "case closed" na dahil namatay na si Nathan. Kinumpirma ito agad ng Pathologist na kulay itim na ang baga ni Nathan at ang kanyang puso ay kulay itim na din.  Pero palaisipan pa din ng ilang taga media kung bakit pinatay ni Nathan si Dr.Granados at kinain pa ang puso nito. December 13, 2019 Friday Habang naghihintay si Dustin na nagpapalit ng kanyang suot ay nakababad pa din ang mga binti at paa ni JD sa swimming pool. Nakatingin lang si JD sa kanyang nakikita. Pagod ang kanyang mukha at walang sigla nito. Tumulo ang mga luha ni JD mula sa kanyang mga mata.  Biglang sumulpot naman si Fr.Russell kaya umupo ito sa tabi ng binata. "Mr.Alfonso, is there a problem?” Tanong ni Fr.Russell. “Wala naman po. Napapagod lang ako sa mga nangyari. Sana po, wala nang sumunod na namatay. It's just frustrating." Sagot n

TINTA - Part 9

Image
Nakaupo na lang si JD sa likod ng sasakyan habang nasa harapan si Dustin. Binigyan niya ng isang bote ng mineral water galing sa kanyang bag at iniabot nito kay JD. Nakikipag usap si Uncle Nick sa mga taga NBI para imbestigahan kung paano nakuha sa simbahan ang bangkay nina Alex at Fr.Rico. Nakatingin na lang si JD sa bintana ng sasakyan. Pagod na pagod ang mukha at katawan. Hinawakan ni Dustin ang tuhod ni JD at hinihimas nito. "JD, pagkatapos ng mga taga NBI kay Uncle, uwi na tayo. Siguro naman bibigyan nila ang unibersidad ng mas mahigpit na pagbabantay. Baka may nakapasok ditong magnanakaw o masamang tao..." Sabi ni Dustin nang tumingin si JD sa mga mata nito. "Insan, unti unting namamatay ang mga kaklase natin. Wala naman akong ginawa sa kanila na masama di ba?!..." Tanong ni JD. Bumaba si Dustin at pumasok sa loob ng sasakyan upang tabihan ang pinsang naging puno't dulo ng lahat. "Eh wala ka namang kasalanan eh. Hindi ka naman nagpa tattoo sa Janus na

TINTA - Part 8

Image
November 25, 2019 Monday Habang naghihintay si JD sa professor para sa klaseng Analytics: Geometry ay naisipan niyang basahin ang kanilang lesson. Gusto niyang mag-focus sa lesson kaysa sa mga nangyayaring patayan sa OLGU habang ang iba'y nanonood ng balita sa kanilang mga cellphones nang marinig ang boses ng isang news anchor. "Magandang Umaga po. Natagpuang patay sa isang bakanteng gusali ang isa pang estudyante ng OLGU. Kinilala ng mga pulis na si Francis Karlsson, bente tres anyos at taga Cavite. Natagpuan ng mga pulis ang bangkay ni Karlsson na nakalagay sa isang malaking bloke ng yelo. Tadtad ito ng saksak sa katawan at may tattoo sa kanang hita. Siya ang pang-apat na estudyanteng pinatay na galing sa OLGU. Kabilang sa mga pinatay ay sina James Hoffmann, Joshua Enriquez at Gabriel Sanggalang. Humihingi ng hustisya ang nanay ni Karlsson..."  Balita ng news anchor. Puno ng pangamba ang mga estudyante dahil sa pagkawala ng Hexa Gang. Biglang nag-vibrate ang cellphone n