TOGETHER NA, FOREVER PA - Chapter 13
Parang bumagsak ang langit at lupa kay MJ nang nalaman ng mga anak nila ang kalagayan ng nanay nila. Tahimik na umakyat ng hagdan sina Emma at Ethan papunta sa kani-kanilang mga kwarto at niyakap ni Sally ang anak. "Ako ang may kasalanan anak. Alam namin ng papa mo ang totoo at hindi namin sinasadyang saktan ang kalooban ni Eunice. Nagawa niya ang kanyang tungkulin bilang asawa at ina...kahit...kahit hindi niyo mahal ang isa't isa..." Sabi ni Sally kay MJ. Pumunta na si Sally para magpahinga habang si MJ ay umakyat at pumasok sa kwarto. Nagtanggal ng kanyang saplot at naligo. Hinahanap pa din niya ang ngiti at yakap ng nag-iisa niyang mahal. White sando at checkered boxer shorts ang suot ni MJ kaya kinuha ang kanyang cellphone at may tinawagan. "Hello? Pwede bang pumasok ka sa kwarto ko?! Dalhin mo din ang chips at soju sa ref sa kwarto ko...okay..." Sabi ni MJ. Makalipas ng ilang minuto, pumasok si Arthur sa kwarto ng kanyang boss sa kama - malungkot ang kany...