TOGETHER NA, FOREVER NA - Chapter 12

 Min Joon/MJ's POV


It's been five months since nagpaalam si Ken sa'min para gawin ang kanilang huling film project na "Dark Guardian". Pinayagan ko siyang gawin yung pinaka huli niyang film dahil to be honest – gusto ko siyang magbalik sa corporate world dahil kapag kasama ko siya, nagiging kampante ako.

Sa loob ng limang buwan ay maraming nangyari sa'kin at sa aming mga pamilya. Freshmen students na ang mga anak ko ai si Ethan na gumagaling na sa pagsasalita ng Tagalog. Sina Mama at Tita ay nag-aalaga pa din sa mga bata. In the process pa din ang annulment process namin ni Eunice. Tumutulong pa din ako sa kanyang chemotherapy sessions. Pero ito ata ang pinakamasamang nangyari sa amin.

Nag research si Arthur tungkol sa financial status ng mga planholders ng JH Insurance. Nalaman niyang nawawala ang funds ng sampung pinakamalaking personal accounts. Hindi ko alam kung naglalaro ba si Arthur dahil para siyang batang nasa compuer shop dahil tutok na tutok sa computer monitor at para walang makaka alam ay laging fino-forward sa'min ni Ken at kay Uly thru email.

Pumunta sa opisina ko si Uly – nakasuot ng white polo with navy blue necktie, black slacks at black boots. Pinaupo ko siya sa couch.

"I can't believe it Min Joon. Hindi ko alam na may mga nawawalang pera ang mga planholders kaya tawag sila nang tawag sa'kin..." Sabi ni Uly na tinatanggal nang kaunti ang kanyang necktie. 

"Akala ko naglalaro ng online games si Arthur pero siya pala ang nagresearch tungkol dun. He said that he will dig deeper kung saan napupunta ang mga pera at kung maaaring ibalik sa mga planholders. Kung andito lang si Hyun Ki, susugod yan sa promotor nito..."

"Para namang naging 'war freak' si Hyun Ki sa sinasabi mo. Hindi papayag yun na walang laban at base sa karanasan ko...pinapaluhod niya ang mga kaaway sa kanyang mga paa. 'Pre, tumawag sa'kin ang lawyer mo tungkol sa annulment. Sinabi mo na ba yan sa mga anak mo?" Tanong ni Uly.

"Actually baka magalit sa'kin ang mga anak ko kapag nalaman nila na ang kanilang ina ay may taning na at siya mismo ang nag file ng annulment."

Sina Uly at Ken lang ang nakakaalam sa medical condition ni Eunice. Kumuha si Uly ng baso at pinunan ito ng tubig saka uminom para kumalma. Single father si Uly sa kanyang anak na si Daphne dahil halos anim na taon nang patay ang kanyang asawang si Kate.

"Min Joon, for the sake of your twins, sabihin mo na sa kanila ang tungkol sa sakit ni Eunice at sabihin mo ang totoo na maghihiwalay na kayo – the legal way. Dapat gumawa ka na din ng 'Last Will and Testament' para may makuha sila mula sa'yo – just in case na may mangyaring masama..." Sabi ni Uly.

Ang OA mo talaga Uly!!! Last Will agad? Buhay pa naman ang tatay ko.

Pagkatapos ng kwentuhan ay umalis na agad si Uly at bumalik sa kanyang opisina. Balik trabaho naman ako at puro basa nang basa sa mga dokumento. Nag report naman sa'kin si Mr.Cunanan tungkol sa status ng kanyang team at sa mga planholders kung nagbabayad ba sila nang tama. Habang nasa trabaho ay biglang nag display ang aking computer screen. Tumatawag si Ken sa'kin through Skype. Si Ken!!!

Pinindot ko ang button at nakita ko si Ken sa unang pagkakataon. Ngayon ay nasa kanyang kwarto sa South Korea. He's physically built at humaba ang buhok niya kaya naging man bob nito. He look perfectly fine too.

"Annyeong!!!"

"Heto at mainit ang weather. Tapos na ang shooting kaya medyo balik work na ako. Lagi akong kinukwento kina Tito at Papa ang tungkol sa nangyayari sa JH Insurance Philippines. Nag assign na sila ng team para mag imbestiga kung saan napupunta ang pera. Huy!!! Ano na? Kamusta ang mga college freshmen?" Sabi ni Ken. Ibana-iba na ang kanyang buhok na minsan ay ginugupitan ni Emma. Ginagawa ata ni Emma na KPop idol ang kanyang samchon.

"Ayun nasa first semester ng first year. Marketing at Finance sina Emma at Ethan habang Computer Science naman si Kevin. Kapag weekend at kapag wala nitong homework ay sinasama ko sa IT Dept. Close na close naman sila ni Arthur pagdating sa computers and stuff. By the way...ipapaalam ko na sa mga bata ang tungkol kay Eunice at sa kanyang medical condition..." Sabi ko sa kanya.

Tumahimik na lang si Ken at naiintidihan niya ang nangyayari ngayon. Bigla kong isinara ang mga blinds ng aking opisina for a personal conversation.

"Ken, some months ago nagtext ako sa'yo nun tungkol sa panaginip ko..."

"...uh huh and? Anong nangyayari?" Sabi ni Ken.

"I don't know what's happening pero sa panaginip ko...nagsesex tayo pero sa panaginip tapos pagkagising ko, laging basa ang boxer shorts ko. Inamoy ko at amoy suka o bleach..." Kwento ko sa kanya at tinawanan lang ako ni Ken.

"Sus panaginip lang yan. Baka naman nag wet dream ka?! Okay lang yun kasi wala ka pa sa senior levels hehehe..." Sabi ni Ken sa akin.

Salamat sa Internet connection ay nakikipagkamustahan kami ni Ken. Kinausap ko din si Papa at kinamusta habang si Samchon/Tito Jung Hwa, nasa kusina at nagluluto.

Huli na kaming umuwi ni Arthur sa opisina para tapusin ang mga trabaho bago umuwi. Dinadala niya ang kanyang laptop sa opisina ko. Habang ako'y nagtatype sa'king keyboard ay nagsalita si Arthur.

"Sir...anong impression mo kay Maam Sandra?" Tanong ni Arthur.

"Mmm...si Sandra eh mabait na boss pero kung minsan ay kumplikado. Parang sa kanya ang kumpanya dahil siya ang CEO. Bakit mo naman tinatanong?" Sagot ko.

Tumayo si Arthur sa kanyang kinauupuan at dinala ang kanyang laptop sa table ko na parang isang batang pinapakita sa kanyang magulang ang kanyang nakita o nabasa.

"Sir, I need you to see this..." Sabi ni Arthur saka ko pinakita sa'kin ang nasa kanyang monitor.

Kung andito lang talaga si Ken ay susugurin yun agad at kakaladkarin si Sandra palabas ng opisina. Tama nga si Uly - certified war freak talaga ang mahal ko.

"Uhhh sa bahay natin pag-usapan. Dalhin mo ang laptop at mga documents. Sige na at aalis na tayo." Utos ko sa kanya kaya iniligpit niya ang kanyang laptop at ilang documents na nakalagay sa folder. 

Magkasama kaming umalis ng opisina at pumunta sa parking area para kunin ang kanyang sasakyan. Habang nasa kalagitnaan ng mabagal na trapiko sa EDSA ay tinawagan ko si Mama sa cellphone ko.

"Oh eomma...yung kambal? Ahhh...dito na kami ni Arthur...bagal ng traffic eh...love you ma..." Sabi ko kay Mama.

Pasado alas siyete ng gabi nang nakauwi kami sa bahay. Sinalubong agad kami nina Emma at Ethan habang si Mama ay pinaghandan kami ng kanin at mandu na isang Korean dumpling. Habang kumakain ay nagkwento sila tungkol sa kanilang college life.

"Ay naku appa/papa, itong si Emma kapag may gwapong estudyante eh kinikilig...kaklase pa nila si Kevin kaya guwardyado namin mula sa iba...eh sikat eh..." Sabi ni Ethan.

"ETHAN!!!! Appa/papa, maniwala ka dun. Kinikilig lang pero hindi ako pwedeng ligawan. Baka yung ligaw ay mapupunta sa lugaw. May standards ako noh. Hmph." Sabi ni Emma.

Ay naku nag away na naman ang dalawa. Parang gusto kong bumalik sila sa Grade One.

Nababasa ko sa mukha at tingin ni Arthur na tawang tawa siya sa asaran ng mga anak ko. I'm sure namimiss nya ang kanyang kakambal. Biglang nagsalita si Mama na kumakain ng ubas.

"Eh apo, ano bang requirements mo?" Tanong ni Mama.

"First dapat may takot kay God tapos mahal niya ang buong pamilya ko pati sina samchon/tito Ken. Dapat college graduate na may trabaho at sumusweldo. Siyempre hindi sugapa sa drugs, alcohol o...mmm alam mo na Hahaha" Sabi ni Emma.

Taas pala ng standards mo anak. Baka sa huli maging ajumma ka. Saan mo nakuha ang word na "sugapa"?

Nakatulog na ang lahat at imbis na sa dining area ay sa kwarto ko na lang mag-usap ni Arthur. He's like a Grade 11 Student na gustong mag report sa klase. Inihanda niya ang kanyang laptop at kinuha ang isang maliit na box na kumunekta sa saksakan. Projector pala ang kahon na yun.

"Sir as we all know, nawawalan ng funds ang sampung pinakamayamang planholders ng JH Insurance. Binigay sa akin ng Audit Department at IT Department. We traced kung saan napupunta ang pera. Na trace namin at napupunta sa isang taong nagngangalang 'Roxanne Isidro'"

"According sa NSO, there's no Roxanne Isidro na nakalista. Nagtanong kami sa NBI at sinabi nilang walang taong may pangalang Roxanne Isidro. Roxanne Isidro is a scam." Sabi ni Arthur. Pareho sila ni Ken pagdating sa communication at pag present ng data. Kung Political Science lang ang kukunin ni Ken ay magiging Senator ito.

As far as I know, wala akong kilalang Roxanne Isidro whatsoever. Hindi ko naman alam kung anong modus ng bogus na yan at kinukuha niya ang pera ng mga planholders. Akala ko ay tapos na pero hindi pa si Arthur.

"A few months ago, nagtatag ng sariling kumpanya si Roxanne Isidro ng kumpanya and it's called 'SORI Life' so I send an email to the people of SEC kung may nakalista po bang kumpanya na 'SORI Life' and until now, wala pa silang sagot." Dagdag na sinabi ni Arthur.

"Thanks a lot Arthur. Kung may written version ka na complete with proof ay binigay mo sa'kin thru email at ifo-forward ko sa mga Executives at sa Board of Directors. Magpahinga ka na." Sabi ko.

Hindi ako makatulog kaya nagpakulo muna ako ng tubig at kumuha ng isang teabag. Ito ang ginagawa ko kapag hindi ako makatulog o kapag gusto ko munang mawala ang negativity.  Sa edad kong ito, naiisip ko pang mag muni-muni para kalmahin ang utak ko. Nasa tamang edad na sina Emma at Ethan. Hanggang sa ngayon, wala pa silang alam tungkol sa pinagdadaanan naming – na nag-file si Eunice ng annulment at may cancer ang nanay nila. Anong iiisipin ng mga anak ko? Masama akong asawa? Masamang asawa si Eunice? Hindi ko siya pinagtanggol sa mga magulang ko?

Sabado ng umaga at dahil wala pa naman ata silang homework ay pinayagan ko sina Emma at Ethan na puntahan at kamustahin nila ang kanilang ina sa Bacoor sa Cavite. Nagpasama na lang ako kay Mang Enrico habang may tatapusin muna akong papeles sa opisina kaya isinama ko sina Arthur at Kevin. Bago sila umalis ay nagbilin muna ako sa kanila.

"Emma...Ethan...be good okay?! Huwag maging sakit ng ulo sa Mama nyo..." Sabi ko kina Emma at Ethan pero aandar pa lang, tanong agad nang tanong sa'kin.

"Appa/papa, bakit may boyfriend si Mama? Bakit nga ba umalis ng bahay si Mama?" Tanong ni Ethan. Mausisa ka talaga. Baka pagdating nyo sa Cavite at nalaman nyo ang totoo, baka hindi mo kakayanin.

"Ano ba yan Ethan!!! Ma trapik ngayon sa EDSA kaya i-save mo na ang mga tanong mo kay Mama at umalis na tayo..." Sabi ni Emma.

Umalis agad sina Emma at Ethan saka ako bumalik sa bahay para maligo dahil pupunta kami nina Arthur at Kevin papuntang JH Tower. Since weekends naman ay naka royal blue polo shirt, khahi shorts at sneakers ako. Nakaupo si Kevin sa kanang harapan at nasa gitna kami ni Arthur. Kitang-kita ko kay Kevin na corporate world ang gusto niya at ang kanyang performer ang kanyang hobby. 

Pagkadating namin sa JH Tower ay sumakay na kami ng elevator at pinindot ko ang 15th floor kung saan ko iiwan si Kevin sa mga taga IT Department at umakyat kami sa 19th floor at dumiretso sa opisina ko. Takang taka naman si Arthur kung bakit kami nasa opisina.

"Titignan natin kung ano yung mga ginawa ni Sandra sa buong linggo. We employed work-from-home researchers and mmmm...professional hackers..."

Nagulat naman si Arthur sa sinabi ko.

"Ahhh sir...bakit kayo kumukuha ng hacker?" Tanong ni Arthur.

"Para may extensive research tungkol sa mga executives at transactions na gustong mag invest sa JH Insurance. Your job is just like an advanced IT guy - minus the hacker..." Sinasabi ko kay Arthur nang mag display si appa/papa through video call.

"Annyeong appa/papa. Kamusta kayo dyan?"

"Okay kami dito. Naghahanda silang dalawang ama ng lunch namin. Tapos na ang taping ni Hyun Ki para makapag bonding ang dalaw...bakit nasa opisina ka?! Sabado ngayon di ba? Nasaan ang mga apo ko?" Sabi ni appa/papa

"We're still researching some info tungkol sa mga pera ng mga planholders at kung sino ang kumukuha nito. Gusto ng kambal na kausapin nila si Eunice...they don't know the truth yet..." Sabi ko.

Napabuntong-hininga si appa/papa sa sinabi ko.

"The truth?! Is this has something to do with the annulment and her battle against cancer. Pa, she's dying and it's going to be soon." Muntik na akong umiyak sa loob ng opisina kaya pinakalma ako ng tatay ko.

"I know son. We know that there's no other way to back into your arms. Alam kong hindi nyo mahal ang isa't isa pero the society sucks and we don't have a choice. Be strong for your twins..." Sabi ni Papa sa akin.

My father knows my secrets a lot at wala na akong pwedeng itago sa kanya.

"Siya nga pala...nakakuha kami ng research tungkol sa empleyado mong si Sandra...my researcher said if she had a connection with Mighty Dragon Life - our rival sa insurance industry..." Napatigil ako sa sinabi niya.

So may connection si Sandra sa Mighty Dragon Life?

"One of my researchers discovered that a certain woman named Roxanne Isidro embezzeled a lot of money mula sa company ni Yoon Won-shik o si Walter Yoon kaya nalugi ang kumpanya when he filed for bankruptcy. She left Mighty Dragon Life nung 2010..." Sabi ni appa/papa.

"...so anong connection ni Sandra kay Roxanne? Are they twins?" Tanong ko.

"Hindi ko pa alam sa ngayon. Aigoo...kakain na kami...be safe anak ko. Bye!" Sabi ni appa/papa.

Anu ba yan?! Nang dahil sa pagkain ay breaktime muna kami ni Papa? 

Kinahapunan ay umalis na kami ni Arthur ng opisina at sinundo ko si Kevin saka kami dumiretso sa parking floor para kunin ang sasakyan ko.

"Samchon...ang laki pala ng IT Department...someday, I'll be working in this company..." Sabi ni Kevin nang may tumunog mula sa kanyang tyan. Gutom na gutom na si Kevin.

"Don't worry. Pag-uwi natin, siguro may inihandang meal ang Mama mo kaya tiisin mo muna." Sabi ko.

Nakarating na kami sa bahay at umuwi muna si Kevin sa bahay nila. Nandito na pala ang kotse ko sa carport...

Shit!!! Andito na pala sila.

Pumasok na kami ni Arthur sa loob. Kinakabahan ako dahil baka hindi na nila ako kausapin kapag nalaman nila ang totoo. Pagpasok ko ay nakita ko sina Emma, Ethan at si Mama sa couch. Tumayo sila at humalik sila sa pisngi ko. Mukha silang pagod at medyo namumula ang mga mata nila.

"Pa..may cervical cancer si Mama...end stage na...huhuhuhu..." Yumakap si Ethan sa akin.

"...and she filed an annulment pala...kaya pala si M-M-Mama may boyfriend na...huhuhuhu..." Yumakap namam si Emma habang nakatingin ako kay Mama na pinipilitan niyang huwag umiyak sa harap ng mga apo niya.



Comments

Popular posts from this blog

TINTA - Part 9

Welcome

TINTA - Part 8