TOGETHER NA, FOREVER PA - Chapter 1



Min Joon/MJ's POV

Marami na akong awards and recognitions na natanggap sa’king buhay. Pero para sa’kin, ang pinaka mahalagang award sa’kin ay pagiging isang ulirang anak kina Emma at Ethan – despite the fact that I’m not a wife to Eunice. I know I’m not perfect. I tried my best to be the husband but I failed.
Biyernes nang idinaos ng JH Insurance Philippines ang kanilang Annual Stockholders Meeting, kung saan bibigyan nila ako ng Plaque of Appreciation at iaanunsyo sa lahat ang bagong posisyon ko bilang Vice President for Marketing. Gusto sana lumipad sa bansa si appa (Papa) at si samchon (Uncle) Jung Hwa pero nasa Amerika para siguradihing nasa tama ang pangangasiwa ng JH Investments International. Best friends sina appa at si samchon Jung Hwa since high school. Nakapag asawa silang mga Pilipina dahil sila’y magagaling sa pagsasalita ng English. Para siguradihing maginhawa ang kanilang buhay ay lumipad sina eomma (Mama) at si ajumma (Auntie) Cristy pabalik ng Pilipinas. 
Best friend ko si Hyun Ki o mas kilala sa tawag na “Ken” since Grade School. Pag may umaapi sa’kin ay si Ken ang nagtatanggol sa’kin. We’re both intelligent but different personalities – ako, hilig sa numbers kaya hindi pwedeng umutang sa’min ni Mama ang mga customers. Ken likes the arts. Magaling sa singing, dancing, acting at speech. 
Kung ako ang second honor sa English, si Ken ang number one.
Pero pagdating sa Math, ako ang champion at si Ken ang runner up.
“Ladies and Gentlemen, as we celebrate the fortieth year of JH Insurance Philippines, we will begin the Annual Stockholder’s Meeting. To give us the opening remarks, we have Mr. Min Joon Kim, Vice President for Marketing. Let’s give him a warm round of applause.” Sabi ng announcer. 
Tumayo ako mula sa’king kinatatayuan at nagpalakpakan ang mga tao sa auditorium. Nakasuot ako ng royal blue suit and pants, white shirt with red necktie at black shoes. Pumunta ako sa’king podium para magbigay ng opening remarks. Ako si Min Joon Kim but close friends and family call me “MJ”. 
I’m thirty years old – legally separated, father of twins and secretly in love with my namja chingu (Boyfriend) – si Ken.
To be honest, naiinis akong humarap sa madla for interviews. Yun naman ang kalakasan ni Ken. Graduate kami ng DLSU pero magkaiba ang course namin. Graduate ako ng Bachelor of Science in Marketing Management habang si Ken ay nagtapos ng Bachelor of Science in Applied Economics Major in Financial Economics and BS in Advertising Management. 
After that speech and a standing ovation from the crowd, I went back to my seat. Kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung may mga messages. Messages mula kina appa, eomma, naideun ttal (Older Daughter) Emma, namdongsaeng (deo eolin adeul) Ethan at kay...Ken.
“MJ, congratulations sa speech mo. Dito muna ako uuwi sa bahay namin ah. May ikukwento ako sa’yo or better yet – sa opisina ko na lang.” 
Ano na naman kaya ang nangyari kay Ken? 
Bumalik na ako sa’king opisina para ipagpatuloy ang trabaho ko nang tumawag ang EA kong si Barry.
 
“Sir, andito po sina Emma at Ethan.” Sabi ni Barry.
“Thank You Barry. Let them in.”
 
Pinapasok ni Barry ang kambal ko. Mas matanda si Emma kay Ethan. Now, they’re in their twelfth grade sa Senior High School, mas matalino pa ata sila kaysa sa’kin. Pwede na silang isama ni Ken sa pelikula niya as “guest” pero kontra ako dun. They’re smiling towards me and giving them hugs and kisses. 
“Hi appa. Congrats sa speech mo ah” Sabi ni Emma.
“Appa, twenty years from now, pwede ka nang mag retire kasi ako naman ang gagawa sa’yo. Just joking but congrats.” Sabi ni Ethan.
Gusto ata ng mga anak na mag retire na ako. 
“Thank You mga anak. How’s school?” 
Wala namang “rivalry” sa mga kambal ko pagdating sa bahay pero sa school – meron. I don’t care kung sino ang first place o second place. Ang mahalaga ay nasa top two sila. I’m just so proud of them. Kumain na lang kami sa favorite naming Pinoy restaurant at inorder ng mga paborito namin – Sizzling Tofu, Fish Spring Rolls at Yang Chow Fried Rice. 
Bumalik kami sa office at dito na lang tumambay ang mga anak ko nang dumating si Ken.
“MJ!!! Congrats sa speech mo ah. Oh, kamusta ang mga babies ko?” Sabi ni Ken sabay mano ang kambal sa kanya. 
“Wow ah. Nag mano pa kayo sa’kin. Ano nyo ‘ko - lolo?” Sabi ni Ken saka natuwa sina Emma at Ethan. Umupo sa couch while looking at the buildings of Makati. 
“Samchon naman.” Sabi ni Ethan.
Umupo na’ko sa seat ko para basahin ang mga documents at research habang nagkukwentuhan si Ken sa kambal. Kapag sila’y tulog, tinutulungan ko si Ken sa mga papers ko. Habang inaanalyze ko ang mga documents, biglang nagsalita si Ken. 
“MJ, gusto ko nang sapakin si Oliver. Bwisit siya sa buhay ko.” Sabi ni Ken.
“Eh bakit naman?”
“May isang film na inooffer sa’kin ni Direk Tonton Montoya pero nagustuhan ni Oliver eh kinuha niya agad. He’s getting into my nerves...” Kwento ni Ken habang nagbababasa pa rin ako.
“Ken, hindi ka pwedeng magmura sa harap ng maraming tao. Before, there was a term called ‘paparazzi’ but now everyone is a paparazzi dahil sa social media. Kung nakuha ni Oliver ay siguro bagay sa’yo ang role mo.” 
“Tignan natin MJ, puro siya box office pero ni isang acting award wala. Kaya hindi siya kilala sa Hollywood. Ako nga eh, bawat film festival pinupuntahan ko at nanalo kami, tapos may box office pa. How pathetic he is.” Sabi ni Ken.
Pagkatapos ng workday, umuwi na’ko at ang mga bata sa bahay namin while Ken will be staying in their house. Magkatapat lang kami ng bahay kaya kapag may problema, takbuhan namin ang isa’t isa. Habang nagdadrive narinig ng kambal ko ang usapan namin ni Ken. Mas updated sa showbiz news si Emma kaysa kay ajumma Cristy, mama ni Ken.
Mabait si Mama sa akin at sa mga anak ko – kahit na magkahiwalay na kami ni Eunice – legally. Nagluto si Mama ng Spicy Chicken Pork Adobo. 
“Anak, kamusta araw mo? Congrats pala sa speech mo. Pinadala ko yan sa appa mo and as always – proud na proud sa’yo.” Sabi ni Mama while serving Emma and Ethan. Nangulit na naman si Ethan sa Papa ko.
"Halmeoni (Grandma), please pumunta tayo sa Seoul para makita si hal-abeoji (Grandpa) at si Ha Joon hal-abeoji .” Sabi ni Ethan pero kinontra ko ito.
“Sabihan mo yan kay Ken. Alam mo namang nasa controversy ang uncle mo eh. Kapag autumn na pupunta tayong lahat. Just focus first to your grades…” Tapos nagsalita si Emma na sobrang addict sa KPop.
“APPA!!! Makikita ko na din ang favorite KPop boybands ko!!!” Sabi ni Emma pero kinurot sa singit ni Mama.
“Ikaw naman, imbis na studies eh nasa KPop ang utak mo. Kaw talaga!!!” Sabi ni Mama kaya pinagtanggol ko naman si Emma.
“She’s right Emma. I know you’re a fan of Korean boybands and that’s okay with me. Use that so-called ‘fan girl’ as your inspiration to be a good student.”
 
Tumayo ang kambal mula sa kanilang kinauupuan at niyakap nila ako nang mahigpit. I’m a kind of father, who’s strict yet loving, kagaya ng pagmamahal sa akin ng parents ko.
Pagkatapos naming kumain, I climbed upstairs at dumiretso sa kwarto ko. Walang taste si Mama sa interior design kaya kinuha agad ni ajumma Cristy. A mixture of black, brown and grey ang motif ng room ko. I stripped off my clothes at tanging boxer shorts lang ang natira, then I climbed to my bed and try to relax. 
Kumpara kay Ken, pribado ang buhay ko, samantalang si Ken eh ang gulo ng public life. 
Ayaw ko sa asawa kong nasa spotlight. 
××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××
Pasensya po kung ang mga characters at family honorifics nila ay Korean. Ginawa ko po ito para mas makatotohanan ang kanilang tauhan. Kung may comments, suggestions or violent reactions po kayo, pakilagay na lang po sa comment section.

Comments

Popular posts from this blog

TINTA - Part 9

Welcome

Bedroom with my Stepbrothers - EPILOGUE