TOGETHER NA, FOREVER PA - Chapter 5
Hyun Ki/Ken's POV
It's Sunday.
Rest day for me.
Excited akong magsimba with Mama, Min Joon/MJ and family pero sa minivan pa lang, tawa nang tawa sina Mama at Tita habang kwento nang kwento sina Emma at Ethan. Dito kami ni Min Joon/MJ sa harapan at siya ang driver for today. Bukas daw, dadating na ang mga bodyguards namin at si Kyung Hyun/Kevin.
Pagdating namin ay pinark ni Min Joon/MJ ang minivan saka sila bumaba.
"Halika na." Sabi ni MJ.
"Wait a minute. Inaayos ko pa ang suot ko."
Inayos ni MJ ang mint green polo shirt ko. Naka white shorts lang ako today at naka sandals. Para sigurado, nagsuot ako ng black sunglasses at inilabas ang aking shoulder bag, kung saan naroon ang wallet, cellphone at extra ecobag.
Pagpasok ko sa loob ng simbahan kasama si MJ, pinuntahan namin ang ni-reserve na seat nina Mama saka ako umupo sa tabi ni Mama habang si MJ ay nakaupo sa tabi nina Tita Sally, Emma at Ethan.
"Anak, bakit ngayon ka lang?" Bulong na tanong ni Mama sa'kin.
"Inayos ko lang ang look ko for today. Isa pa ang init."
Nagstart na ang misa and as you can see, jampacked ang misa dahil sa mga taong nagsisimba. To be honest, I'm not a religious person. Si MJ lang ang mas religious kaysa sa'kin. Pumila na rin kaming lahat para tumanggap ng communion pagkatapos ay bumalik na kami sa seats namin. Halos lahat ata sa kanila eh nakaluhod - except me.
Pagkatapos ng misa, tinanggal ko na ang shades ko at dun nagsimulang magpapicture ang mga tao sa'kin saka ako sumama kay MJ sabay suot ng baseball cap habang papasok na kami sa mall.
"Hey hey..sorry..."
"Anu ba yang mga fans mo, todo selfie right after the mass." Sabi ni MJ.
"Eh hayaan mo na...nasaan naman ang iba?"
"Window shopping. Malapit na pala ang graduation ng kambal kaya dapat bumili na din tayo ng outfits for them." Sabi ni MJ habang nag window shopping pa din sila.
"Sure. Basta dapat tanong muna natin sila kung anong susuotin nila."
Nagutom ang lahat kaya pumunta kami sa Randy's. Kung may membership lang ang Randy's eh dapat kami ang unang customer na makakakuha. Habang nagkukwentuhan nila ang pag-uwi ni Kevin, biglang nagsalita si Tita Sally.
"Siya nga pala, pagkatapos maka graduate si Kevin eh dapat bumalik uli sa Korea..." Sabi ni Tita Sally.
"Huh?! Bakit naman?" Tanong ni Mama at nagsalita na si Emma.
"Kasi magpapa list si oppa/kuya para sa mandatory military service, just like what Papa and samchon/Tito did. Ganun din sa mga KPop actors at KPop singers kaya pala walang film o KDrama ang idol ko for two years..." Sabi ni Emma na agad pinutol ni Mama.
"So mawawala si Kyung Hyun/Kevin ng dalawang taon?" Tanong ni Mama at tumango na lang si Emma.
Buti pa si Emma. Kapag tayo nagbakasyon sa South Korea, bibili kita ng original dvd ng mga favorite mong KDrama.
Kaso nagsalita si Ethan.
"Gomo/Tita, hindi naman sila siguro ilalaban si Hyeong/Kuya sa war. They should do that since he's born in South Korea. After that, pwede na sigurong magtrabaho. " Sabi ni Ethan.
Sa magkakapatid ni MJ, mas malapit ako kay Ethan kasi open-minded sa lahat ng bagay habang si Emma ay mas malapit sa abeoji/papa niya dahil siyempre baka maligawan nyan, ipapadala ni MJ yan sa North Korea.
Pagkatapos naming kumain ay inihanda namin ni MJ ang mga bibilin namin sa supermarket, saka tumayo kami at pinuntahan nila. Nang makarating na kami sa supermarket, kumuha na kami ng tig dalawang shopping cart at nagsimula na kaming mamili.
Habang maaga pa, tinuturo ni Mama kay Ethan kung paano kumuha ng sariwang karne. Tawang-tawa naman ako kay Ethan. Mahilig ata sa pagkain eh.
"Samchon, ako na pong kukuha ng chips namin para gawing breadcrumbs ha?!" Sabi ni Ethan.
"Okay. Basta wag dadamihan."
Habang bumibili si Ethan ng potato chips at nilalagay sa shopping cart, biglang dumating si Emma at sinabihan si Ethan.
"Ethan, si Mama..." Sabi ni Emma.
Inilagay ni Ethan ang mga bag ng potato chips sa shopping bag saka umalis. Kinuha ni Mama ang shopping cart, saka kinausap ko.
"Eomma, anong nangyayari? Bakit kinuha ni Emma si Ethan?" Tahimik kong nagtanong kay Mama. Tinignan ni Mama kung saan nagpunta si Ethan hanggang sa nakita niya ang isang pamilyar na tao na yumakap kay Ethan.
"Si Eunice...nagpakita..." Sabi ni Mama.
What?! Nagpakita? Ano yun? Multo?
Tahimik akong nagtanong kay Mama.
"Seriously?! Eh bakit siya nandito?"
"Please my son, wag na tayong makialam..." Pinutol ni Mama ang kanyang pagsasalita nang may narinig siyang boses ng lalakeng kinaiinisan ko.
"Hello Ken. It's nice to see you..." Sabi ng lalake.
Lumingon ako at nagpakita ang tinaguriang "Prince of Hearts" na si Oliver Gamboa. Siya ata ang pinakasikat na teen heartthrob sa balat ng Pinoy showbiz dahil singer, actor at dancer - triple threat kumbaga. This twenty-three year old man dresses like a KPop star because of his white shirt, maroon shorts and blue sneakers. Nakasuot pa ng white-framed eyeglasses na for sure eh walang grado at baseball cap.
"Uy Oliver...anong ginagawa mo dito?"
Tumitingin si Oliver sa mga binibiling produkto sa mga shelves na parang may bibili.
"Mmm wala lang...nagpopromote ako ng movie, yung tinanggian mo na gawa ni Direk Tonton." Sabi ni Oliver.
Mas maanghang ka pa sa pinaka maanghang na hot sauce. Ipapadala kita sa North Korea sa ugali mong yan.
"Oh okay...so?" Sabi ko kasama si Mama.
"Baka pwede mo namamg i-promote ang film ko? Dapat maging box-office ang film namin..." Sabi ni Oliver.
"For your infotmation, ask your publicity and promotion staff about your film - not me. Isa pa, gusto mo ng box office, eh ang makikinabang sa lecheng box office na yan ay ang producer at direktor mo..."
Natulala si Oliver sa sinabi ko sa kanya.
"At isa pa...anong silbi ng box office mo kung ang mga reviews sa'yo ng mga entertainment columnist, reporters, bloggers at press ay basura, walang laman...katulad ng utak mo...walang LAMAN..."
"HAYUP KA!!!! AKALA MO KUNG SINO KA....HINDI KA NAMAN SIKAT..."
Sa bagsik ng mga sinabi ko, hindi mapigilan ni Oliver na sapakin ako sa mukha pero inilagan ko ang suntok niya.
"Okay let's see...suntukin o sapakin mo'ko sa harap ng nanay ko o sa maraming tao...tignan natin kung anong sasabihin sa'yo ng iba...na ang 'Prince of Hearts 'nila ay walang pinag-aralan, walang utak at walang alam kundi ang pagpapa pogi pero yun pala...basagulero at asal kalye...publicity yun at sa ginagawa mo, hindi kikita yung pelikula mo..."
Pero sinampal ni Mama si Oliver sa harapan ko - nang dalawang beses sa magkaibang pisngi.
"Oras na suntukin mo o saktan mo ang anak ko, kakasukan kita ng physical injury...wala ka bang nanay?" Sabi ni Mama.
Si Mama naman. Gusto mo pa atang maging artista. Mahilig ata yan sa confrontation scene.
Nahimasmasan si Oliver at lumakad pauwi. Hindi na ata siya maka get-over sa sinabi namin sa kanya. Nagpatuloy na lang kami sa pamimili.
Nakapamili na kami ng mga pagkain, usually mga gulay, prutas, milk, meats, oatmeat at chips na ni request nina Emma at Ethan. Dahil nasa sixties na sina Mama at Tita, may discount kami sa mga pinabili namin. Lumabas na kami ng supermarket at dumiretso sa minivan para ilagay sa likod ang mga napabili namin.
Napapansin kong tahimik si Min Joon/MJ sa mga oras na yun. Parang may problema na dinadala. Sa aming dalawa lang alam ang mga problema namin sa buhay. Sa pagkakataong ito, tahimik na lang siya - pati ang mga anak niya.
Nag drive na lang si MJ habang ako, tahimik lang. Tama naman si MJ na dapat eh tahimik lang ako - eh kaso ang mga nanay namin, mahilig sa confrontation scene. One of the reasons why I don't want to be a part of a teleserye ay dahil sa mga sampalan, sabunutan and all - nakaka drain ng energy.
Pagkarating sa bahay namin, umuwi na kami samantalang ang mga kasambahay namin ay kinuha ang aming mga groceries at inilagay sa aming storage rooms.
"Oh magpalit muna kayo tapos gagawa tayo sa bahay huh..." Sabi ko sa kambal.
"Magpapahinga muna ako. Kakain tayo sa bahay ni samchon/tito nyo kasama si Mama..." Sabi ni MJ.
Tuwang tuwa sila kaya bumalik muna kami at nagpahinga nang saglit. Pumunta muna ako sa kwarto, naghilamos ng mukha at nagpalit ng damit. Naka lime green sando at yellow shorts lang ako. Pagbaba ko ay tumulong na din sina Emma at Ethan kina Mama at Tita sa paggawa ng Crispy Fried Chicken at ang chicken breast ay ginawa nilang Stuffed Chicken with Cheese.
Dumating din si MJ - good-looking pa din kahit pagod. Out of nowhere, ikinuwento ni Mama ang mala-teleseryeng confrontation scene sa pagitan namin at ni Oliver.
"Mars naman...hindi mo ba alam na sikat si Oliver?" Sabi ni Tita Sally.
"At gwapo na, cute pa. AAAYYYYIIIEEEE." Sabi ni Emma pero siniko ni Ethan.
"Gwapo?! Kapag nandito na si Kuya Kevin sa Pinas, baka lilipat na ang mga fans ni Oliver kay Kevin. Super sikat siya sa Korea. Nabasa ko sa website na binabasa ko about kay Kuya Kevin..." Sabi ni Ethan.
Ethan naman. Dumagdag ka pa.
Yung totoo?!
Yung totoo?!
Ipinakita niya sa amin ang website article at nalaman na si Kyung Hyun Lee o si Kevin ay may halos five million followers sa Facebook, two million subscribers sa kanyang website na www.kevinleemusic.kr at halos ten million subscribers sa Youtube. Sabi sa kanyang website, isa siyang singer, composer at musical genius na gumagawa ng covers ng mga songs at kinakanta yun o nagpe play ng guitar, piano at violin.
But please wag kang papasok sa showbiz. Magtapos ka ng pag-aaral mo. Kundi ipapadala kita sa North Korea.
Nagulat sina Mama, Tita Sally at Emma sa nalaman ni Kevin.
"OMG!!! Sa sobrang sikat ni Kevin, marami na siya sigurong pera." Sabi ni Tita Sally.
"Halmeoni/Lola, kumikita na si Kevin sa pagkanta at paggamit ng musical instruments at ngayon may website, Facebook at Youtube channel na siya, meron siyang sariling pera." Sabi ni Ethan.
Biglang nagsalita si MJ na nakaupo sa couch habang nagbabasa ng broadsheets sa bahay ko.
"Kakausapin ko si samchon/Tito Jung Hwa tungkol kay Kevin. Paano siya makakapag-aral dito eh sabi ni Ethan eh mas sikat si Kevin kaysa kay Oliver? Turuan natin nyan na maging fluent sa Tagalog...kahit sa bahay lang." Sabi ni MJ.
Luto na ang kanilang dishes kaya kumain na kami. Of course, binigyan namin ang kanilang mga kasambahay para tikman nila ang ginawa nina Emma at Ethan. Sa sobrang sarap, nakaka dalawang cups na ng kanin si MJ. Sinabi ni Mama sa'kin na uuwi na si Tito Eddie sa probinsya dahil may gagawing summer voice workshop para sa mga amateurs.
"Salamat po sa hapunan." Sabi nina Emma at Ethan sabay bow.
Kami na lang ni MJ ang naghugas ng pinggan, kubyertos at baso habang sina Mama at Tita ay nakikipagkumustahan kina Papa at Tito. Habang naghuhugas kami ay bumulong si MJ.
"Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila?" Bumulong na tanong ni MJ.
"Siguro tungkol kay Kyung Hyun/Kevin. Teka, baka bukas pagdating namin sa opisina ni Lady M ay ipapakilala sa'kin ang bodyguard ko. Tanong ko din kung kelan ang sa'yo...btw, tahimik ka ata ngayon. May nangyari ba?" Sabi ko.
"Ahh...wala lang...sasabihin ko sa'yo soon pero sa ating dalawa lang huh..." Sabi ni MJ.
Ano na namang nangyari kay MJ?
Nagpahingga kami ni MJ sa sala. Nagbabasa si MJ ng news habang nakikipag-usap ako kay Lady M over the phone. Sabi sa'kin, ipapakilala niya sa'kin ang kanyang bodyguard. Sabi ko sa kanya, basta matangkad, lean at healthy, may biodata at malakas ang resistensya ay pwede na sa'kin.
Nagtanong uli si MJ kay Lady M kung kelan niya makikilala ang bago niyang bodyguard.
"Nakausap ko na si Lady M. Baka bukas o sa Tuesday may bodyguard ka na. Happy?"
"Happy. Thanks a lot." Sabi ni MJ.
Lumabas kami ng bahay para maglakad-lakad sa neighborhood. Nakikita namin ni MJ ang mga batang nagtatakbuhan habang ang mga parents nila ay nag-uusap. Ganun dito sa lugar namin kapag gabi, parang may alarm na kapag alas otso ng gabi ay kailangan naming bumalik sa'ming mga bahay dahil baka sugurin ng mga magnanakaw.
Bumalik na kami ni MJ at pumasok sa sari-sariling bahay. Umakyat na'ko at pumunta sa kwarto para magpahinga. Nagtanggal na lang ako ng mga suot at nagpunas na lang ako sa mukha, leeg, balikat, braso, hita at binti, saka nagpalit ng damit.
Tanging boxer shorts lang ang suot ko bago ako matulog. Every summer lang ako gumagamit ng air conditioner at tanging air cooler lang ang nagsisilbing hangin sa kwarto ko.
Based from my own experience with MJ, tumatahimik lang siya kung may nangyaring di inaasahan o kapag may problema sa pamilya.
Ano kayang nangyari kay MJ?
Nakita daw nina Emma at Ethan si Eunice sa supermarket, so totoo ba yun?
Nakita daw nina Emma at Ethan si Eunice sa supermarket, so totoo ba yun?
Comments
Post a Comment