TOGETHER NA, FOREVER PA - Chapter 4
Min Joon/MJ's POV
It was a day of work and fun at the same time. Pagkatapos naming bumili ni Hyun Ki/Ken ng school materials, umalis na agad kami ng mall at pinuntahan ang parking lot dahil andun ang car namin. As we entered the car, I realized that my upper body's full of sweat. Pawisin kasi ako kaya hinubad ko ang polo shirt ko at pinunasan agad ni Ken ang likod ko.
Kung may privacy lang sana, sinungaban ko agad si Ken at hinalikan. I was horny at that time. Sadly, may CCTV pala kaya sinuot ko uli ang polo shirt at nilagyan agad nito ni Ken ng tuwalya sa likod.
Kamsahamnida sarang (Salamat mahal)
As I entered my house, nakita ko sina Emma, Ethan at si Mama.
"I'm home. Sorry dahil sobrang traffic." Sabi ko sa kanila, saka hinalikan sa cheeks at kinuha ang mga binili ko sa kanila. Sa sobrang pagod ko, napaupo ako agad sa sofa.
"Thank you appa...kumain ka na po ba?! Nakita namin ni hal-abeoji/lola sa Youtube kung paano magluto ng adobo..." Sabi ni Ethan habang inilagay ang plate, glass at utensils sa placemat.
"Ahhh...sige...tignan mo naman kung okay na ang binili namin ni samchon/tito mo...nagmukha akong bodyguard kay samchon/tito Hyun Ki mo habang nagsisiksikan kami sa bookstore..." Sabi ko habang tinitignan ng kambal ang binili ko sa kanila. Natuwa naman sila sa binili namin.
Tinanggal ko ang medyas at inilagay ang aking tsinelas saka dumiretso sa dining area para kumain. Naghain ang aming househelper na si Cherry ng mainit na kain sa aking plato at nilagyan niya ito ng sauce at ilang pork pieces. To be fair, masarap ang luto.
Habang kumakain, nagkwentuhan sina eomma/Mama, Emma at Ethan. Kung kasama lang si ajuma/tita Cristy eh mas masaya. Mahilig ako sa kwentuhan ng mga tao sa bahay pero hindi ako sumasama sa tsismisan.
"Appa/Papa, kumakalat sa social media ang biglaang pagpunta ni samchon/tito Hyun Ki sa Athenism Bookstore, kasama ang isang security...wait...appa, napagkamalan kang bodyguard?! Hahaha" Sabi ni Emma.
Tuloy lang ako sa pagsubo.
"Bakit kasi walang bodyguard si Hyun Ki/Ken. Ang appa/papa mo, wala naman tayong kilalang security agency sa Seoul o kahit sa Maynila. Pati ikaw dapat may security agency ka din, bukod kay Tommy." Sabi ni Mama.
Mama, you're just overreacting.
Pero may suggestion lang naman si Ethan.
"Appa/Papa, kung kukuha po kayong bodyguard eh dapat may biodata, personal information at contact information namin. Dapat po pala, kasali kami sa pag protect sa'min." Ethan said.
Buti pa si Ethan. Magka boses pa ata sila ni Appa/Papa.
Uminom na'ko ng dalawang baso ng tubig saka naglalakad-lakad sa labas ng bahay. Nakita ko si Ken sa labas ng bahay na parang may kinakausap sa telepono. Mukhang seryoso ang kausap niya.
"Hey...sino yan?" Tanong ko kay Ken.
"kebin, ibun-eun samchon minjun-ijiman MJlago buleul su issseubnida. chingu,i salam-eun gyeongmin-ijiman kebin-ilago buleul su issseubnida. (Kevin, this is your uncle Min Joon but you can call him MJ. Friend, this is Kyung Hyun but you can call him Kevin.) " Sabi ni Ken sa kausap niya. Binatilyo na ang kapatid ni Ken.
"Uh...annyeong" Sabi ko.
"samchon annyeonghaseyo (Hello uncle)" Sabi ni Kyung Min o si Kevin.
To be fair, mas gwapo ata si Kevin kaysa kay Ken. Two years lang ang agwat nila kaya magkakasundo silang dalawa ni Ethan. Hindi ko pa nakikita sa personal ang bata kaya sa video call lang ang dalawa.
"Uy Kevin. Kapag andito ka sa bahay, bawal ang gumala huh. Mapapagalitan ka sa'kin ni Papa at Mama." Sabi ni Ken.
"Opo hyung/kuya. By the way, father still talks about business with uncle. He wants me to be fluent in Tagalog." Sabi ni Kevin na nakasuot ng eyeglasses.
"eonje jib-e ol geoyeyo? (When are you coming home?)" Tanong ni Ken kay Kevin.
"wol-yoil bam-e olgeoya. gonghang-eulo delyeodajuseyo. (Dadating ako ng Lunes ng gabi. Sunduin mo naman ako sa airport.) " Sagot ni Kevin.
Unfortunately, hindi ako pwedeng sumundo kaya si Ken na lang ang susundo sa kanya. Pagkatapos ng kamustahan ay tinapos na ang pagvi videocall. Hindi alam ni Ken kung paano makikipag adjust si Kevin sa bansa at sa mga nakapaligid sa kanya. Hindi alam ni Kevin na ang kanyang hyung/kuya ay isang sikat na film actor.
Naglalakad-lakad lang kami ni Ken sa kalye. Mukhang kinakabahan ang kaibigan ko dahil titira na dito ang kapatid niya.
"So, excited ka na ba? You look worried." Sabi ko.
"Naku po. Alam siguro ni Kevin kung anong ginagawa ko bilang business executive pero di niya alam na artista na pala ako. Baka hindi niya matanggap..." Sabi ni Ken.
Huh?! Hindi niya matanggap?
Inakbayan ko si Ken sa kanyang balikat.
"Just one step at a time. Isa pa, makakasundo niya ang mga kambal ko, since pareho naman ata sila ng birth year. Bukas simba tayo."
"Oo naman. Gagamitin natin ang minivan dahil medyo marami ang bibilhin nila sa supermarket..." Sabi ni Ken saka inilagay ang braso sa balikat niya.
"Oyyy...bakit?"
"Sabi ni appa/papa na may ipapadala sila bilang mga bodyguards natin. Na kwento ata ni ajumma/tita Cristy kay appa/papa tungkol sa video..."
Mama naman.
"Mmmm...bodyguards...gaya ng sinabi ni Ethan sa'kin..." Tumigil sa'king pagsasalita nang mayroon namang tumatawag kay Ken.
Kung kelan weekend saka may tumatawag.
"Hello?! Oh Lady M...seriously?! Pwede bang bigyan mo din ng bodyguard si Min Joon Kim?! Ohhh okay...kelan sila magsisimula?...sa Lunes na...oh okay..." Sabi ni Ken.
"Sino yang kausap mo?"
"Si Lady M...bibigyan ako ng bodyguard at sinabihan kong bigyan ka din. Business executive tayo so dapat may bodyguards din tayo." Sabi ni Ken.
Kausap niya kanina si Mariel Santillan but in the world of entertainment, everybody calls her "Lady M". She's the owner of MS Management Inc., kung saan siya ang nangangalaga sa mga baguhang TV and Film Actors, singers at dancers - at kasama dun si Ken. Ang kapatid ni Lady M na si Marion ang may-ari ng Santillan Security Agency na magbibigay sa'min ng bodyguards.
"Oh okay. Teka muna, anong oras tayo bukas?" Tanong ni Ken
"Before 8 dapat nasa simbahan na tayo. Tapos yan eh lunch at mag grocery sa supermarket." Sagot ko.
Nagpaalam na si Ken at pumasok sa loob ng bahay para tumulog. Pumasok na din ako sa loob at umakyat papunta sa kwarto ko saka tumulog.
Linggo ng umaga nang sumakay sa loob ng minivan sina Mama, Ethan at Emma kasama si ajumma/tita Cristy. Dun kami ni Ken sa harapan. Habang nagmamaheno ako, patuloy pa din sa kwentuhan ang kambal, si ajumma at si Mama.
"Halmeoni Cristy, kelan po ba dadating si Kevin?" Tanong ni Emma.
"Mmm ang alam ko sa Lunes ng gabi." Sagot ni ajumma/Cristy.
"Mmm...halmeoni, kebin jal saeng-gyeoss-eo? (Lola, gwapo po ba si Kevin?) " Tanong ni Emma.
"Syempre gwapo yun. Kaso puro pagbabasa. Uy, turuan nyo yan magsalita ng Tagalog. Konti lang ang Tagalog words ng harabeoji/Lolo mo." Sagot ni ajumma/tita Cristy.
Biglang nagsalita si Ethan.
"Kami na pong bahala dyan kay Kevin. Baka yun pa ata ang 'peacemaker' sa'ming dalawa ni noona/ate. Hahaha" Sabi ni Ethan.
Napuno ng tawanan sa loob ng minivan. Ilang minuto lang naman ang layo ng bahay namin sa simbahan na ilang lakad lang ay mall-slash-supermarket. Pagpasok namin ay hindi pa ata nagsisimula ng misa kaya umupo na kami sa left handside.
Tahimik naman ang mga anak ko pagdating sa misa. From nursery eh dumiretso sila sa Grade 1. Nabuntis na si Eunice at naging ama ako sa kanila. Pagkatapos ay nagpakasal agad kami. Sa sobrang galing ng mga anak ko, natapos agad nila ang K-12 at the age of 18.
Pagkatapos ng misa, naglakad na kami papasok ng mall. Nang makarating si Ken ay nagsuot agad ng baseball cap at eyeglasses. Pinuntahan ko agad si Ken habang enjoy ang kambal, si ajumma/tita at si Mama sa window shopping.
"Ang init ng panahon eh nakuha mo pang magsuot ng baseball cap. Hindi ka ba makikila ng tao sa suot mong yan?" Tanong ko.
"Hindi naman nila ako makikilala sa itsura ko. Isa pa, tinatanggal ko na yung cap mamaya. Teka, gutom na ba sila?" Tahimik na sagot ni Ken.
"Sa tingin ko...oo...kain tayo sa favorite natin..."
"Sure why not?! Gutom na din ako eh." Sabi ni Ken.
Agad na pinuntahan namin sina Mama, ajumma/tita, Emma at Ethan.
"Tara, kain tayo." Sabi ni Ken.
"Thank God. Saan tayo kakain?" Tanong ni Mama.
"Mmm...sa favorite resto namin ni Ken...tara!!!" Sabi ko.
Napuntahan namin ang isang bagong buffet restaurant. Pagpasok namin ay isang matangkad na waiter ang sumalubong sa'min. Nakasuot ng maroon polo t-shirt, black pants at black shoes.
"Welcome to Randy's Buffet House. Table for..." Sabi ng waiter.
"Table for six please." Sabi ni Ken.
Nagpapractice na ba si Ken na maging misis ko?
Lumakad kami papunta sa isang mahabang dining table na gawa sa kahoy. Sa kaliwa nakaupo sina ajumma/tita Cristy, Ken at Ethan habang ako'y nasa kanan kasama sina Mama at Emma. Binigyan kami ng anim na glasses ng cold water saka binigyan ako ng bill. Ang isang plate ay nagkakalahaga ng five hundred at fifty session pero hindi pa kasama dun ang senior citizen discount kaya binayaran namin ni Ken ng tig two thousand.
Ang Randy's ang favorite spot namin ni Ken. Dito namin nagpupunta kapag may celebration or sad stories. Dito ko din unang na-confirm na mahal ko ang best friend ko, na nabasted ko noon. Favorite nina Mama at ajumma Cristy ang Korean food samantalang ang mga anak ko may mahilig sa Chinese food.
Mahilig naman kami sa Italian at Filipino food. Habang kumakain ay nagkukwentuhan sina Mama at ajumma/tita Cristy.
"Mare, dadating na si Kevin sa Pinas. Naku, excited na akong makita ang bunso mo..." Sabi ni Mama.
"Mmm...pero nag-aalala ako dun. Ayoko ng mga taong sumusunod sa kanya na parang artista." Sabi ni Tita Cristy.
Biglang nakisaki sa usapan si Emma.
"Ahhh tita, sa sobrang gwapo ni Kevin eh marami pong kaklase ang gagawa ng fanbase para sa kanya...ummm..." Sabi ni Emma habang kumakain.
Nagsalita naman si Ken habang umiinom ng tubig.
"Mama, may I remind you that Kevin is no longer a baby afterall. At this age, anyone can be a star by using a camera or smartphone. Konting edit na lang at i post sa Youtube eh sisikat yan. However, mas gusto niya ang pag-aaral...siya nga pala, may utos kaming ginawa ni MJ sa mga bahay natin...kailangan palaging magsalita ng Tagalog si Kevin..." Sabi ni Ken.
"Well, he should start the basics of Tagalog conversation at tayo ang magtuturo sa kanya." Sabi ko.
"Sabagay, may point ka. Well, sanayin natin yan sa pagsasalita ng Tagalog para maging matalas sa talastasan." Sabi ni Mama.
Pagkatapos kumain ay naglakad lakad mula ang iba. Samu't saring mga boutiques at stores ay nagbebenta ng sale - at yun ang favorite ng Mama ko at ni Tita. Pero ang focus namin ay ang supermarket kaya pagdating namin dun, kumuha na kami ng tig dalawang shopping carts at nagsimula na kaming bumili. Sa akin muna sina Mama at Ethan samantalang si Emma ay kay Ken.
Si Mama ang in-charge kung anu-anong pagkain ang bibilhin at si Emma na lang ang naghahanap. Habang naghahanap si Emma ng corn cereals at milk cartons, nagkausap kami ni Mama.
"Anak, sana naman walang magpapakitang multo dito noh." Sabi ni Mama habang tumitingin ng gatas.
"Huh?! What do you mean?"
"Multo or ghost...nagpapakita nang hindi inaasahan..." Ani ni Mama.
"I don't know what you're talking about Ma..."
Natigil ako nang nakakita ako ng "ghost" - figuratively. Nakita ko ang isang pamilyar na babaeng bumibili ng biscuits. She's five feet and four inches tall. She has a round face with pouty lips, fair complexion and nice, shiny, black hair. She's slender and sexy too.
That was before.
This is now.
This is now.
Ang kanyang slender body, fair complexion, at nice and shiny black hair ay naging skinny, medyo maitim ang pangangatawan at may bandana. Usually, naka dress yun at laging maging maganda sa paningin ko pero ngayon, she's wearing baggy clothes at mayroong kasamang lalake na nakaalakay sa kanya.
"Eu...Eunice..." Sabi ko sa dati kong asawa.
"Uhh...MJ...k-kamusta ka na?" Sabi ni Eunice.
"Heto...naggo-grocery...yung mga anak natin gusto ata ng breaded chicken breast..." Sabi ko sabay baling kay Mama at Emma.
"Mama...nandito si Eunice..." Sabi ko kay Mama. Sa una pa lang, inis na agad sina Mama at Papa kay Eunice.
Nag bow si Eunice kay Mama saka lumapit si Emma, sabay yakap sa mama niya. Tumahimik na lang si Mama kay Eunice.
"Mama...kamusta ka na po?! Bakit ngayon ka lang nagpakita sa'min?! At bakit ka maputla?! I mean, are you sick?!..." Nagtanong agad si Emma kay Eunice pero kahit ako, hindi ko alam kung bakit parang matamlay siya.
Biglang natumba si Eunice pero umalalay sa kanya ang kanyang kasama.
"Mama...are you okay?! Sandali, hahanapin ko lang si Ethan...wag kang aalis huh..." Sabi ni Emma kay Eunice, saka bumilis ang lakad papunta kay Ethan.
I'm so worried sa nanay ng kambal namin. To be honest, hindi ko alam kung bakit ngayon siya nagpakita sa amin.
"By the way, this is Joshua...my boyfriend..." Sabi ni Eunice.
Halos magkasing tangkad lang sina Eunice at ang bago niyang boyfriend nyang si Joseph pero mas malaman si Joseph. He has a round face with dimples, soft lips, brown complexion at medyo mahaba ang buhok hanggang leeg.
"Joseph pare..." Sabi ni Joseph sabay alok ng handshake.
"MJ pare." Sabi ko kay Joseph saka tinanggap ang handshake niya.
Nagalit si Mama nang dumating si Emma kasama si Ethan. Mama's boy kasi si Ethan eh.
"Mama? Mama!!!" Sabi ni Ethan sabay yakap kay Eunice.
Ken, asan ka ba?! Tulungan mo naman ako sa ex wife ko.
Parang nasa teleserye ang eksena nang subukang bitawan ni Mama si Ethan kay Eunice.
"Karma sa'yo yan. Ano bang klase kang ina?! Sampung taon ka nawala tapos ngayon, nagpakita ka na parang multo tapos ngayon may boyfriend ka na?!..." Sabi ni Mama.
"Mama...I'm so..." Sabi ni Eunice ngunit nakatikim siya ng sampal mula kay Mama. Nagulat sina Emma at Ethan dahil ang kanilang lola, sinampal ang kanilang mama.
Yan ang napapala sa kakanood mo ng teleserye.
"Get out of my sight and stay away from my grandkids. Nakakadiri ka!!!! Bagay sa'yo yan..." Sabi ni Mama sabay walkout kasama ang mga bata habang umiiyak si Eunice at pinapakalma ni Joseph.
"I'm sorry. Dapat hindi yun ginawa ni Mama..." Sabi ko pero nagsalita si Eunice.
"Magkita tayo bukas sa office mo. Let's talk about our annulment af kung paano pabibilisin ang proseso. Hindi ko na kaya ang Mama mo." Eunice said.
Nagpaalam sina Eunice at Joseph habang nasa akin ang shopping cart.
Pagkatapos naming mag grocery, lumabas na kami ng supermarket at nagpunta sa mini van ni Ken para ilagay ang aming mga binili saka pumasok sila sa loob at umalis pauwi sa bahay.
Pag-uwi ay tinulungan muna ni Tita Cristy si Mama at ang mga bata sa paggawa ng dish habang umakyat na ako sa itaas at nagpalit ng damit.
Isang message ang nagmula kay Ken.
"MJ, tahimik ka huh. May problema ba?"
"Let's talk about it later. Take some rest. Thanks for the day."
Hindi ako makatulog dahil sa nangyari sa'min sa supermarket. Hindi ko din alam kung saang teleserye nakukuha ni Mama na pagbuhatan ng kamay ang kanyang mother-in-law sa harap ng mga anak ko.
Habang binabasa ko pa ang marketing strategy para sa pagtaas ng mga gustong maging planholders, tumawag si Barry.
"Hello Sir Min Joon, nandito na po si Ms.Eunice kasama sina Atty.Suarez at yung kasama niya..." Sabi ni Barry.
"Yung lawyer ko?"
"Nandito na din po si Atty.Madriaga." Sabi ni Barry.
Magaling Barry.
"Okay. Papasukin mo sila sa red board room at get them some ice tea."
"Okay sir" Sabi ni Barry.
Agad akong naghanda. Nag toothbrush, nag mouthwash at inayos ko ang buhok saka pumasok ng board room. Pagpasok ko ay umupo na agad sa poder ni Atty.Nora Madriaga, na kahit kuwarenta'y dos ang edad ay mukha pa ding bata. She's wearing a black coat with flaming pink skirt, slim pants at red stilleto boots.
"Atty.Madriaga, my client would want to speed up the process of the annulment. As we all know, they got married at the age of eighteen and nineteen, without the parental consent..." Sabi ni Atty.Vilma Suarez na literally - matanda na talaga.
"Yes but mukhang magpapabilis ng kaso. Unless she's sick or my client's sick. Now, it means that my client is perfectly healthy but your client doesn't tell the truth..." Sabi ni Atty.Madriaga, sabay bigay sa kanila ang aking medical certificate, stating that I'm perfectly fine.
Tahimik na lang kami ni Eunice na umuubo at laging umiinom ng ice tea. Siguro tama nga si Emma dahil mukhang maysakit si Eunice at bakit siya may bandana. Mula sa debate ay napunta sa pagtatalo ng dalawang abogada.
Dito nagsalita si Eunice.
"...I'm sick...I've been diagnosed with Cervical Cancer...end stage na..." Sabi ni Eunice.
WHAT???? EUNICE HAS CANCER?????
Napaupo ang dalawa sa sinabi ni Eunice.
"Misis, kelan pa 'to?" Tanong ni Atty.Suarez.
"Dati pa po attorney, kaya hindi ako nagpa physical exam at hindi ako nakapag submit ng med cert...because of this..." Sagot ni Eunice.
ITINAGO MO SA'KIN ITO?! ANONG SASABIHIN KO SA MGA BATA?!
Tumingin sa'kin si Eunice, saka nagkwento.
"Pagkatapos kong manganak, nakaranas ako ng pananakit. Iniinda ko lang ang sakit para kina Emma at Ethan. Sinabi ko kay Tatay at Nanay kaya minabuti kong magpa checkup sa doktor. Until I found out that I was diagnosed with Cervical Cancer Stage 3..." Paunang kwento ni Eunice. Kumalma lang ako habang nagpapatuloy si Eunice.
"...at hindi ako pinabayaan ng mga magulang ko. Binenta nila ang farm, pati ang bahay para sa gamot. Dun ko nakilala si Joseph...isang medical technician sa ospital...pag dayoff ko tinutulungan ko siya...then I fell in love with him..."
ASAWA MO AKO DI BA?! IPINAGTANGGOL KITA SA PARENTS KO.
Dito nagtanong si Atty.Suarez.
"Eunice, may asawa ka at mga anak then sumama ka sa boyfriend mo?! Technically, it's a form of adultery..." Sabi ni Atty.Madriaga
"Ms.Kim told me before that she and Mr.Ruiz didn't have a sexual relationship. As a matter of fact, nawala na ang pagmamahal ni Eunice kay Sir MJ, which is why gusto niyang makipaghiwalay para maging malaya mula sa mga in-laws niya...she didn't have any sexual relationship with other men before..." Depensa ni Atty.Suarez habang nanghihina na si Eunice.
"Please give Eunice a glass of water..." Sabi ko.
Nagbigay ng isang associate ni Atty.Suarez ang isang baso ng tubig kay Eunice saka uminom nito.
"Atty.Suarez, may kasalanan ako...after kong malaman ang totoo, umalis ako ng bahay at tinanggay ang mga damit ko. Umuwi ako sa bahay ng mga magulang ko...uuummmm...pumasok ako sa...e-extra s-service...para may...p-panggastos ako sa gamot...huhuhuhu" Umiyak at lumuha si Eunice.
Hindi ko maiisip na para sa pera, pumasok siya sa prostitution. I felt bad for her. She's a wonderful mother to Emma and Ethan.
"Eunice...magpapatawag ako ng doctor para makita kung may chance na gumaling ka..." Sabi ko kay Eunice pero ayaw tanggapin.
"No need to do that. Meron naman akong natatanggap na financial assistance mula sa gobyerno so nothing to worry about. Wag mong sasabihin sa mga bata..." Sabi ni Eunice.
"Puro ka na lang pride. You're sick and now you don't want the kids to tell you the truth? How can you say that?!" Sabi ko.
Sabi ni Ken sa'kin noon, pride ang number one sa seven capital sins kaya ngayon, hindi lang nagiging kaugalian ang pride, kundi din sa panlaba. Tawang-tawa ako sa best friend kong yun.
Nagkasundo ang dalawang abogada sa korte kung pwedeng pabilisin ang annulment process. Binigyan ng aming security si Eunice ng wheelchair para makalabas ng red board room. Iniwan nila akong mag-isa sa board room at pinahinga ang aking katawan at kaisipan.
I failed as a wife.
But I think she failed as a husband too.
But I think she failed as a husband too.
Comments
Post a Comment