TOGETHER NA, FOREVER PA - Chapter 2



Hyun Ki/Ken's POV


Ang dami-daming tao sa labas habang nagpapahinga mula sa mahirap na scene sa bago kong pelikula na "Separate Lives". Nakaupo ako ngayon sa'king reclining chair at umiinom ng aking favorite juice drink – Wintermelon Shake. 
All of a sudden, dumating si Direk Toni, ang "kapitan" ng buong pelikula. She's mid thirties but she looks like forty-five.
Because of her poor diet and enough sleep.
"Direk Toni...what's up?" 
"Ken, gusto ni Direk Tonton na kunin ka as support sa film niya." Sabi ni Direk Toni.
Nabigla ako sa sinabi ni Direk Toni about Direk Tonton. Yung totoo, mag-on na ba ang dalawa? 
Bumangon ako at ihinto mula ako sa pagpapahinga.
 
"Kukunin niya'ko as support dahil si Oliver ang bida?! Seriously?" Tapos tumango si Direk na parang nagmamakaawang bata na tanggapin ko ang alok ni Direk Tonton.
"Eto lang ang masasabi ko direk. Pakisabi kay Direk Tonton Montoya na kung kukunin niya'ko, then ilaglag mo si Oliver, otherwise I'm out. Puro na lang box office na ang kita ay mapupunta sa boyfriend niyang ginawa pang extra..." 
Pinigilan ako ni Direk
"Ken naman oh. Kapag flop yan eh last film na ni Direk Tonton. Tulungan mo naman yung tao..." Sabi ni Direk Toni, but I'm unbreakable. 
"Sabi nga ni Clark Gable sa 'Gone With The Wind', Frankly my dear, I don't give a damn. Focus tayo sa film natin dahil ipapasok yan sa mga film festivals sa Cannes, Berlin at Venice. Focus na lang si Direk Tonton sa pelikulang puro box office gross eh gross naman talaga." 
Unti unting umalis si Direk sa kanyang tent. Binigyan ako ng aking PA si Ferdie ng lunch – Pancit Palabok.
"Lunch na po. Naku naman si Direk Tonton, first choice ka niya tapos inagaw ni Oliver tapos babalik sa'yo?! Ano yan? Pagkain na kapag isinubo mo at hindi mo bet ay iluluwa mo tapos kakainin mo ulit?" Sabi ni Ferdie.
Napatawa ako ni Ferdie. Sa kanya ko nakukuha ang mga punchlines ko sa mga pelikula ko. 
"It's okay. May news ba?" 
Binuksan ni Ferdie ang cellphone niya. Nabasa niya ang article tungkol sa speech ng best friend kong si Min Joon o MJ. 
Proud ako sa best friend ko kaya proud ako dyan. Gusto ko sanang pumunta sa hall at gumawa ng grand entrance pero ibibigay ko yun kay MJ. Kakahiya naman kay eomma, appa, Sally ajumma at Ha Joon samchon . 
MJ deserves the spotlight. 
Pagkatapos kong mag shoot para sa pelikula, dumiretso na kami sa JH Tower, kung saan nagtatrabaho si MJ. Ipinagawa yun ni Papa at ni Tito Ha Joon para sa kumpanya. Sumakay kami sa'ming van kasama si Ferdie na PA at si Sunshine na ang Road Manager.
"Sir Ken, bonggang bongga pala si Sir MJ mo. Trending na agad ang speech niya. Sana makita ko siya sa malapitan" Si Sunshine
Sa TV or sa Livestream, nakikita mo naman di ba? 
Kinontra naman ni Ferdie na busy sa kakanood ng videos. 
"Malapitan?! So gusto mong makita in person?! Dadaan ka muna sa butas ng karayom oyyy. Kumbaga sa isang ride sa amusement park eh pipila ka." Sabi ni Ferdie.
Savage naman itong PA ko.
Nagpahinga muna ako. Sinabihan ko na gisingin ako kapag nasa JH Tower na at doon na lang nila ako ibaba. This twenty-five storey tower serves as the Philippine Headquarters ng JH Insurance at nagiging opisina ng mga BPO Companies sa Makati. 
Pagpasok ay nandun ang concierge ng JH Tower.
"Good Afternoon. Nandyan na po ba si Sir Min Joon Kim?" 
"Ah sir Ken. Kakalabas lang po kasama ang mga bata pero babalik din po sila." Sabi ng staff na si Nancy. 
"Thank You" Sabi ko.
Kitang kita sa mga tao sa office na parang pagmamay-ari ko ang building – whereas kalahati ng JT Tower ay sa amin. Nakasuot ako ng navy blue coat with white short-sleeved shirt, black slacks and black suede shoes. 
Karamihan sa mga artista ay sila ang nauuna sa mga customers pero iba ako sa kanila. Ako mismo ay pumipila para sa mga tao for a lift. But still, people are still taking for our selfies. Payag naman ako dun sa kanila. Turo sa akin ng Papa ko. Sabi niya, kahit artista ka na or nasa corporate world, lagi kang mabait sa lahat. 
Binuksan ang elevator at pinindot ko ang 19 sa button. Pero sa loob ng elevator, andun pa rin ang mga chismisan.
"Teka si Ken Lee ba yun?! Bakit yun nandito?! Wala ba siyang work?!" 
"Shunga mo talaga noh! May ginagawang film si Ken. Mas sikat si Ken kaysa sa idol mong si Oliver Gamboa na busog sa box office gross pero ang awards mo eh kulang na kulang. Kulang kulang din ang utak niya eh."
"Sabagay, favorite ko si Ken...ay back to work na mga bes..." 
Nakalabas na ang mga call center agents. They will choose me over Oliver. 
Obvious naman eh. 
Pagpasok ng nineteenth floor, dumiretso na ako sa executive floor, kung saan andun ang mga bosses – which includes me. Alam ng mga tao kung sino ako so diretso ako sa opisina ni MJ. Pinuntahan ko ang EA ni MJ na si Barry sa kanyang workstation.
"Hello Barry."
"Ay Sir Ken. Wala pa po si Sir eh." Sabi ni Barry habang kumakain habang nagtatrabaho.
"Oh I see...can I use your bathroom?! I just need to freshen up." 
"Sige po sir. Sasabihin ko na lang na andito po kayo." 
Mukhang excited ata si Barry. 
"Okay. Thanks." 
Pumunta muna ako sa men's restroom para maghilamos ng mukha at binuksan ang pintuan ng cubicle. Habang nasa cubicle ako, may naririnig akong boses ng dalawang lalake. Umiihi sila habang nagtsismisan. 
Hanggang dito ba naman sa opisina, may tsismisan pa ang mga lalake? 
Tahimik akong nag-uusap sabay kuha ng cellphone ko at ni record ko ang pag-uusap nila.
"Hey bro, did you know that one of our boss just walked into our floor?" Sabi ng isa. 
"Ay oo nga. May boss Min Joon na nga, dagdag pa ang isa. Sana mabait yun." Sabi nung isa pa.
"Compared to that starlet, which goes by the name of Ken Lee...birdbrain, I'd better have friends with my boss. He's getting into my nerves. Go to hell." Sabi ng isa. 
Tapos nang umihi ang dalawa, sabay hugas ng kamay sa sink saka lumabas ng restroom. Tahimik akong lumabas ng restroom at kumalma. My dad knows that I have to be friendly and patient. 
Lumabas ako ng restroom at pinuntahan ko si Barry sa cubicle niya. 
"Barry, kilala mo ba ang boses ng mga lalakeng yan sa audio recording ko?" Sabay kuha ni Barry ang kanyang earphones para pakinggan ang voice clip. Alam ni Barry kung sino sila.
"Kilala mo ba sila?" 
"Ay si Mr.Cunanan, Assistant Manager for Region IV-A Cavite Group at si Mr.Samson sa IV-A Laguna. Bakit po?"
Tinigtan kung nakasara ba ang opisina ko, which is ten steps away from MJ. 
"Akin muna ang susi ko and call them to ask them to come to my office. Please call my EA na si Celine." 
"Yes sir." Sabi ni Barry sabay kuha ng kanyang headset at pumindot ng buttons while I walked across the floor papunta sa opisina ko. Ipinasok ko ang susi at binuksan. 
Kapag wala akong film project, dito ako nagpupunta at nagtatrabaho, kaya sangkaterbang scripts ang inilagay sa'kin pero puro rejected or ipapaubaya sa ibang artista. At this age, pwede namang ipasa thru email so why did they send those scripts for me? 
Magaling si Tita Sally as a licensed interior designer kaya ginawa niya ang office namin ni MJ. He likes the shades of grey, black and white samantalang ako, cool colors of blue, green and purple para kakaiba. Malaking office chair sa gitna, wooden table from Laguna and a few Pinoy chairs and a couch from a distinguished interior designer from Cebu. 
Tumayo muna ako at tumingin sa'king ibaba. Narinig ko ang boses ni Celine.
"Sir, Mr.Cunanan and Mr.Samson are here." Sabi ni Celine.
"Send them in." 
Pumasok sina Celine, Mr.Cunanan at Mr.Samson at tumayo sa harap ko. Inilabas ko ang cellphone ko sabay play ng voice clip. Parang gusto ko silang buhusan ng asido sa mukha o di kaya tumalon sa rooptop at magpatiwalak. 
"Let me introduce to you, Mr.Hyun Ki Lee, Vice President for Audit." Sabi ni Celine sabay tumalikod paharap sa kanila. Tama nga ang sinabi ko dahil maraming eksena yan sa mga teleserye sa TV.
"Ahh...h-hindi...artista ka di ba? Where's Mr.Lee?" Sabi ni Mr.Cunanan kaya pinakita ko ang picture ko sa kanila habang nagsasalita si Celine. 
"Mr.Lee is also a film actor na ang screen name ay Ken Lee." Sabi ni Celine habang unti-unti akong umuupo sa chair ko. 
Sa sobrang takot ay napaluhod sila sa katangahan, kabobohan and their loads of stupidity. 
"Ahhh...M-Mr.Lee, I'm so sorry po. Alam ko pong masama...patawarin nyo po kami..." Si Mr.Samson.
"I apologize Sir. Ahh...I'm so sorry..." Si Mr.Cunanan.
Where's your balls gentlemen? Sarap niyong kunin ang mga bayag nyo at isama sa balot saka ibenta. 
"First and foremost, did you call me 'birdbrain' huh?" Sabay umiling ang dalawang tanga.
"Then you said 'Go to hell' is that right?" Sabay umiling ang dalawa saka yumuko ang kanilang mga ulo sa katangahan.
Consider their behavior towards my reputation, I might fire them o ipahiya sa maraming tao o ibigti sila patiwarik. But I tried to be calm and composed. Hindi naman ako naninigaw pero kapag hindi marunong rumispeto sa akin o kay MJ, para akong isang yelo na nakakatunaw ang buto at kalamnan.
"Okay, you have three things for me. First, I'd like you to submit your letter of apology for your misbehavior. Second, I'd like to send them thru email your report for your team leaders from Cavite and Laguna group and I'd like to send it urgent before 5 o'clock. Bukas ng tanghali, dapat makita ko kayong dalawa sa office ko with the best of your team leaders. That's all." 
Tumayo ang dalawa at lumabas palabas ng opisina ko. 
Nagpahinga muna ako at umupo habang naririnig kong darating na sina MJ, Emma at Ethan. Dumating ako at kinamusta ko sila. Ever since naging best friends sina appa at si samchon Ha Joon, naging close na ang mga pamilya namin. 
Tulog ang mga bagets sa couch nang ikinuwento kay MJ ang tungkol sa film project. To be honest, I don't like the work of Direk Tonton. Gusto lang gumawa ng film, na bebenta at ang box office ay mapupunta sa pera ng boyfriend niya at ngayon, gusto niyang isama sa mga pelikula niya. Many people are starting to realize that they're having a relationship.
And it has.
"Ken, pwede mo bang ilipat ang kambal ko sa office mo? May gustong makipag-usap sa'kin eh. I'll be tons of work today." Sabi ni MJ. 
"Sure. I just need to calm down. Mr.Cunanan and Mr.Samson were here earlier and they were talking about me. Nagpakilala ako sa kanila." 
Nagalit nang kaunti si MJ. Hindi pala pwedeng itago sa office na ang kilalang artista na si Ken Lee ay ang EVP na si Hyun Ki Lee. 
"What the hell did you do?"
"Gusto nilang mag submit ng letter of apology then I'll check their report for Cavite and Laguna teams on or before 5 o'clock..." 
"What?! Seriously? Eh ano ba kasing ginawa mo?" 
He doesn't know what happened while they were having lunch kaya ipinasa ko sa kanya ang voice recorder. Narinig ito ni MJ and as expected - nagkamali silang dalawa. 
"Ohhhkaaay...let them check the reports, like what you said tapos pagdedesisyunan ko. For now, gisingin mo ang kambal at dito muna sila tatambay sa opisina mo." 
Sinunod ko ang sinabi ni MJ. Ginising ko sila at nagpunta kami sa opisina habang hinihintay ko ang report ng dalawang gung-gong. Nagising lang sina Emma at Ethan.
"Hey guys, gutom ba kayo?"
"Ummm...busog pa kami. Samchon, kelan ba ang film mo?! May movie pass ba kami?" Tanong ni Ethan.
"Naku malayo pa eh. May mga scenes pa akong kukunan eh." 
Parang bulateng sinabuyan ng asin sa sobrang saya si Emma. Ano bang meron dun?
"Emma, ano bang meron sa'yo at para lang bulateng sinabuyan ng asin?" 
"Uncle, kailan ba ang KPop Asian Tour? Kahit photograph lang sa KPop group na SKPH eh masaya na'ko. Dada sige na..." Si Emma.
Ay naku, magagalit sa akin ang Papa nila. 
Buti na lang ay magaling sa tsismis si Sunshine. Kaya pala nasa twelve thousand followers niya sa Twitter. 
"Emma, sa eskandalo ngayon ng SKPH member na si Marcus, baka magka watak-watak na ang grupo." Kaya na alarma si Emma.
"Huh?! Anong eskandalo ni Marcus?" Sabi ni Emma.
"May relasyon pala si Marcus at yung kasama niyang si Jay pero may viral na sex video kasama ang manager niya."
 
"WHHAATTY?! OH NO!!! Aaawww" Sabi ni Emma na nagsimulang magwala kaya pinakalma ni Ethan. 
"Ate naman. O ayan may sex video na yung Marcus mo." Sabi ni Ethan.
"Lilipat na lang ako sa ibang boyband...tara nood na lang tayo ng TV..." Sabi ni Emma kaya kinuha ni Ethan ang remote control at pinindot ang button to turn on the TV.
Hanggang five o'clock lang ang deadline ko pero wala pa ding natatanggap mula kina Mr.Cunanan o kay Mr.Samson. Kinuha ko ang telepono para tawagan si Celine. Tinawagan ni Celine sina Mr.Cunanan at Mr.Samson pero sabi nila ay pupunta dito para iabot ang mga gusto ko. 
Habang nag-aantay ay tumayo si Ethan at pumunta sa'kin habang si Emma ay focused sa pinapanood na Korean Drama.
"Samchon, may itatanong lang po." Tanong ni Ethan.
"Sure. What's up?" 
"Mahirap ba talagang maging actor?" 
Wow. Seryoso ang tanong. Saan kaya galing yan?
"Ummm...mahirap pero masaya. I wasn't born to become an actor. Nagtatrabaho lang ako sa office but I want to do something - that is far from what I used to do. It's fun because you can get to work with anybody...however..." Bigla akong tumigil sa pagsasalita dahil sa sinabi ni Ethan.
"Mahirap kasi..."
"...kapag sikat ka na, you will be considered as a 'public property' kaya susunduan ka ng mga tao. Now that social media becomes a powerful weapon, marami ang magbabash sa'yo, or magsasabi sa'yo ng masasakit na salita." 
Pumasok sa opisina sina Mr.Cunanan at Mr.Samson dala-dala ang mga papeles na kailangan naming pag-usapan ni MJ.
 
"Mr.Lee, we're apologize. This will never happen again..." Sabi ni Mr.Cunanan.
"That's all." 
Karamihan sa mga boss na kakilala ko, binabalahura at tumatanggap ng masasakit na salita. I don't know if they got this from watching teleseryes or anything. 
Dumating naman si MJ sa opisina ko. 
"Ken, uwi na tayo. Iuuwi ko na ang mga bata. Sabay-sabay na tayo para save sa gasolina." Sabi ni MJ.
Tumayo ang kambal at naghahandang umuwi. May sariling personal driver si MJ kaya siya ang magdrive sa amin. Magkatapat ang bahay namin kaya kapag may problema ay takbuhan namin ang isa't isa. Habang nasa biyahe, biglang tumunog ang cellphone ko.
"Ano ba yan?! After office hours na huy! Mag-uusap pa tayo sa bahay." Si MJ. 
Si Direk Tonton ang tumatawag so sinagot ko.
"Oh direk...ano na naman?! Di ba gusto mo si Oliver? Oh...oh...direk, ginusto mo yan eh di panindigan mo...you have two options direk...scrap the whole script at magpa audition ka...or binigay mo na lang sa boylet mo, since ikaw ang kikita. Bye." 
Binabaan ko ang tawag. Naririnig nina Emma, Ethan at MJ ang usapan namin ni Direk Tonton.
"Si Direk Tonton mo?" Tanong ni MJ and I nod.
"Base sa narinig mong usapan, eh I suggest na magpa audition ka na lang. Katulad sa favorite teleserye ni Mama at Tita, nag withdraw ang actress so might as well, magpa audition ka na lang." Sabi ni MJ. 
Si MJ ang takbuhan ko ng sama ng loob at the same time, my adviser too. Kapag may problema si MJ eh ako naman ang magpapayo sa kanya. 
Kulang na lang, KASAL. 


Nakarating na kami sa aming bahay at binuksan ng driver na si Mang Enrico ang pintuan ng Ford Everest na sasakyan

Nakarating na kami sa aming bahay at binuksan ng driver na si Mang Enrico ang pintuan ng Ford Everest na sasakyan.
"Mamaya ahh. Dito sa bahay ko. Pag-usapan natin sina Mr.Cunanan at Mr.Samson." Sabi ni MJ.
"Okay. Gutom na'ko. Pupunta din ako dyan mamaya. Ihanda mo ang pasensya mo." 
Pagbukas ng pintuan, naghihintay si Mama at si Tito Eddie na kapatid ni Mama na isang Film Professor sa UP.
"Ken, tumawag si Sunshine na RM mo. Bakit hindi mo tinanggap ang project ni Direk Tonton?" Tanong ni Eomma habang pumupunta sa sala.
"Ma, pang-apat ka nang nagtanong sa'kin yan." 
Kinontra ni Tito Eddie si Eomma. 
"Binasa ko ang script ni Direk Tonton. To be honest, his films are all trash. Walang sustanya eh. Tungkol sa infidelity ng mag-asawa na ang man, naghanap ng gay as the 'other man'. Naku Ken, lagot ka sa LGBT community yan..." Sabi ni Tito Eddie na kinontra ni Eomma habang kinukuha ng aming househelper ng makakain. Brown rice at daing na bangus ang dinner ko.
"So what?! Meron naman yan sa TV ahh..." Si Eomma.
"But this film requires sex scenes eh baka Rated X yan ng CEB at MTRCB." Si Tito Eddie.
Nakikinig lang ako sa kanila. Kung sumali si Tita Sally sa kwentuhan ay pwede na silang mag launch ng online talkshow. 
Pagkatapos ay pumunta na ako sa kwarto ko. Nagtanggal na'ko ng damit at nagpalit ng white sando at checkered boxer shorts. Nagtanggal na din ako ng make up with wet wipes nang tumunog ang cellphone ko. 
Si MJ ang tumatawag.

Comments

Popular posts from this blog

TINTA - Part 9

Welcome

TINTA - Part 8