TOGETHER NA, FOREVER PA - Chapter 7
Hyun Ki/Ken's POV
Habang naliligo ako, naisip ko kung paano ako nag wet dream. Sabi sa mga doctors eh normal lang naman daw. Tapos na akong maligo so nagpunta ako sa sink para mag toothbrush at mouthwash saka pumunta sa'king closet then I chose to wear brown coat, red polo shirt, navy blue denims at brown suede shoes. Habang nag-aayos ng aking buhok, narinig ko ang katok ng pinto kaya pinagbuksan ko ito.
"Ken anak, andyan na sina Ferdie at Sunshine. Sinusundo ka daw." Sabi ni Mama.
"Opo. Kumain na po ba sila?" Tanong ko kay Mama at tumango lang siya.
Kinuha ko ang aking bag since wala naman akong taping kaya balik trabaho na ako. Bumaba na kami ni Mama at nakita naming kumakain sina Ferdie at Sunshine. Tumayo ang dalawa at nag bow sa'min saka umupo sila. I'm so famished so I eat fried rice, ham and eggs for breakfast. Habang kumakain ay kinamusta ko si Mama kung nasaan si MJ.
"Nasa office na si MJ. Anak, may work ka ba today?" Tanong ni Mama.
Pero imbis na sumagot sa tanong ni Mama, agad na sumagot si Ferdie. Minsan, hindi ko ma gets kung ano ba talaga ang trabaho ni Ferdie – PA or numero unong pasaway.
"Madame, tapos na po ang shooting. For now po...ummm...wala pa naman..." Sagot ni Ferdie.
"Eh bakit nyo sinusundo ang anak ko?" Tanong ni Mama
Hala!!! Baka may kuneksyon sa nangyari sa supermarket.
"Tungkol po yun sa sagutan mo at ni Oliver...nagsumbong po ata si Oliver kay Lady M..." Sabi ni Ferdie.
Ayun si Oliver, nagsumbong. Para siyang bata.
Tumahimik na lang ako at kumakain habang pinag-uusapan nina Mama, Ferdie at Sunshine ang tungkol sa nangyari sa supermarket. Hindi naman ako natatakot kay Lady M o sa teeny starlet na yan. Sa office pa lang, pina research ko na agad kay Celine ang tungkol kay Oliver at nabasa kong hindi pala nagtapos ng pag-aaral. Sumikat lang at artista na eh akala mo kung sinong sikat. Soon, kapag may umusbong na bagong alaga si Lady M eh papasikatin agad at magkakaroon ng exclusive two-year contract ng Yamada Broadcasting Network o YBN.
And you're so-called "Prince" will turn to dust...
Just kidding!!!
Umalis na kami gamit ang 2019 Hyundai H350 Minivan para puntahan ang MS Management Inc. sa Quezon City from Alabang, kung saan kami nakatira. Inis na inis na naman si Ferdie sa'kin.
"Diyos ko naman Ken!!! Di ba sinabi ko sa'yo na huwag mong kakalabanin ang fans ni Oliver. Aba, eh parang kulto yang si Oliver..." Sabi ni Ferdie na sinegundanan pa ni Sunshine.
"Ay oo naman Ken. Lahat ng members ng Oliver G Fans Club ay miyembro din ng networking company. Syempre maraming downlines yun eh. Kaya huwag mo na lang kalabanin si Oliver, eh hindi naman pagiging artista ang trabaho mo eh. Business executive ka di ba?" Sabi ni Sunshine.
To be fair, may punto naman si Sunshine, kaso panira si Ferdie.
"Ay oo nga pala. So kapag nagpromote ka na ng pelikula mo, mag concentrate ka na lang sa business empire mo ni Sir MJ. Iwas blind item. Iwas bashers." Sabi ni Ferdie kaya kinuha ko ang aking Bluetooth headset at making ng music.
Naku Ferdie!!! Namumuro ka na sa'kin. Baka gusto mong kaladkarin kita dito sa gitna ng EDSA?!!!
After an hour and forty-seven minutes, nakarating na kami sa Prima Del Oro Tower, isang twelve-storey office and commercial building sa Quezon City. Pumunta kami at dumiretso sa elevator. Nagbukas nito, pumasok kami at pinindot ang number seven, kung saan naroon ang MS Management office. Inabot kami ng five minutes bago dumating kami sa opisina. Pagpasok naming ay picture frame ni Oliver kasama ang logo ng MS Management. Lumakad kami pa kaliwa tapos pa kanan hanggang sa Makita ang frosted glass double door na may sign.
MARIEL "LADY M" SANTILLAN
Ultimate Starmaker
Owner and Creative Consultant
Pumasok kami sa opisina ni Lady M, kung saan naroon at nakaupo sa couch si Oliver at ang kanyang RM o Road Manager. Mariel Santillan started her career as a sexy star in the eighties, by her bold star name "Sabrina Salvador". Nakapangasawa ng Japanese businessman at nang maging widow ay nagpatayo ng talent agency – gamit ang nakuhang mana. Now, she's turning fifty but she looks like thirty – dahil sa kanyang overhaul body transformation. Para siyang isang sasakyan – nalaspag na nang tuluyan. Ang kanyang opisina ay simple pero masyadong dull dahil sa kanyang interiors – big windows with blinds, plastic tiles, cheap carpets at segunda manong tables, chairs at manager's chair – lahat galing sa nasira niyang asawa.
"Good Morning Lady M" Bati ko kay Lady M na nakaupo sa kabisera ng office sofa.
"Oh Ken. Kanina pa kita hinihintay. Please take your seat. Do you like something to drink?" Sabi ni Lady M.
"No. Thank you. Anong gusto mong pag-usapan natin?"
"Ummm...yung tungkol sa inyo ni Oliver..." Sabi ni Lady M. Gotcha!
Kumalma ang lahat nang bigla akong nagsalita.
"Alin? Yung sagutan namin sa supermarket? Alam ng lahat ng showbizlandia na gusto mong maging box office yang pelikula mo eh. Alam ata ng lahat...baguhin ko...alam ng LAHAT na ang proceeds ay mapupunta kay Direk Tonton, na ibibigay sa kanyang boylet na hipon... Sabi ko.
Natulala ang lahat sa sinabi ko. Naguluhan si Lady M sa last word na sinabi ko.
"Uhhh...hipon? What the hell is 'hipon'?" Tanong ni Lady M.
"Hipon...malaki ang katawan, tanggal ulo...does that make sense?"
Napilitang tumawa nina Ferdie at Sunshine samantalang napa-Oh My God attitude si Oliver sa sinabi ko kaya sa sobrang gigil at galit ay tumayo siya.
"Alam mo tanda, tumahimik ka na lang hA. Tandaan mo...MAS SIKAT AKO KAYSA SA'YO kaya hanggang supporting role ka na lang. Tama lang si Direk Tonton dahil kumpara sa'yo, mas magaling ako...MAS MARAMI AKONG FANS KAYSA SA'YO...MAS MARUNONG AKONG KUMANTA...KAYA TUMAHIMIK KA NA LANG TANDA!!!" Sabi ni Oliver.
Idiotic, insignificant fool. Prince of Hearts ka nga pero para kang palaboy sa kalye.
Pinakalma ni Lady M si Oliver.
"Take it easy son. Baka ipakalat mo pa yan sa social media ay ikakasira mo yan." Lady M said.
Tumayo muna ako, kumuha ng isang baso at nilagyan ko ng cold water saka ininom habang naglalakad sa office room. I wanted to punch and kick this adolescent kid na sa tingin niya'y sikat pero isang mahinang talunan.
"Oliver...do you have a mom?" Tanong ko.
"Oo naman bakit?" Sagot ni Oliver.
"Okay...Lady M...imagine this...Oliver and his mom slapped me – TWICE...in front of everybody, just because Oliver didn't helped me in promoting his film...a newbie na isang uneducated, troublemaker at walang alam kundi magpa gwapo at magpakilig sa mga girls...what do you think?"
Tumingin sila kay Lady M na naguguluhan.
"Ahhh okay...anong kuneksyon nun?"
Umupo ako sa couch.
"Ganun ang ginawa namin sa kanya. He's nobody at all. Oliver...being a star doesn't mean forever. One scandal and you will return to nothing. You're supporters will became bashers. Box office gross yes...pero wala ka pang accomplishment at all. Imbis na BEST ay magiging WORST...he tried to punch me but he can't do it so Mom slapped him twice – AS A WARNING..." Sabi ko sabay tingin kay Oliver nang mata sa mata na parang takot na takot sa batang nakakita ng halimaw.
"YOU. DON'T. KNOW. ME. WELL. BE CAREFUL WHAT YOU WILL SAY OR DO AGAINST ME...BAKA PULUTIN KA SA KANGKUNGAN...IS THAT UNDERSTOOD?"
Takot na takot si Oliver sa mga sinabi ko. Nagresearch si Celine at wala pa lang life insurance ang bata. Tumango nang tumango na lang si Oliver at lumuluha na parang isang batang pinagsabihan ng magulang.
"Good job kid." Sabi ko kay Oliver saka pinitik ang kanyang pisngi.
Umalis na agad si Oliver kasama ang kanyang RM. I'm pleased with myself. Mawalan na ako ng trabaho bilang artista, may trabaho pa naman ako. Kumuha ako agad ng baso at nilagyan ko ito ng tubig saka uminom. That was refreshing indeed.
Narinig ko na naman ang boses ni Lady M.
"Uhhh Ken...may I remind you that you are still an exclusive talent. Ang mga sasabihin mo sa press, kami ang nasasagot. Mag-ingat ka sa mga fans ni Oliver..." Sabi niya so I cut her off habang nakaupo ako sa couch. Tikom lang ang bibig nina Ferdie at Sunshine.
"Wow...fans huh...sabihin mo nga sa'kin...LADY MMMAAHH...ilan ba talaga ang fanbase ng alaga mong pinaghili sa isang ibon? Ang taas ng lipad pero babagsak agad sa lupa..."
Ano Lady M?! Hindi ka ata nakapagsalita.
"A-anong ibig mong sabihin?" Nauutal na tanong sa'kin ni Lady M.
"What I'm trying to say is that...ilan ba talaga ang real fans ng alaga mo? Base sa research ng tauhan ko sa JH Tower, karamihan sa mga Facebook, Twitter and Instagram users ni Oliver ay PEKE...in short...FAKE FANS...mmmm...binayaran mo ba sila para gumawa ng fake accounts..." Sabi ko.
Natigilan ata si Lady M sa aking "explosive exposé" - ang Head ng MS Management ay nagbabayad para gumawa ng fake accounts para sumuporta kay Oliver. Lady M was afraid to tell the truth to the public kaya hinawakan niya ang mga kamay ko. Ang mga mata niya'y malapit nang lumuha sa kahihiyan.
"Ken...please...wag mong sabihin yan sa press...malulugi ang negosyo ko...ayy nandito na pala siya..."
Huh?! Sinong siya?
Pumasok sa loob ng opisina ang isang lalake. Lumimgon ako at nakita ko ang isang gwapong lalake. He stands at 5'10", medium-built physique, fair skin. Medyo chinito ang mga mata, matangos ang ilong, manipis ang mga pisngi at maayos ang kanyang buhok na parang galing sa military o criminology school. He looks like a model or actor. Mas gwapo ang mga KDrama actors sa South Korea at siguro ay isa sa kanila. Pinakilala ni Lady M ang chinitong lalake.
"Uuhh...Ken, Ferdie, Sunshine...ito si Robert Sison from YG Security Firm...he's your new bodyguard...Robert, ito sina Ferdie, Sunshine...at Ken Lee" Sabi ni Lady M sa lalake.
Iniabot ang kanyang right hand for a handshake. Hindi ko alam kung kikiligin ako o hindi.
"It's a pleasure to meet you Mr.Lee." Sabi ni Robert at kinamayan ko ito. Ang guwapo namang bodyguard yan.
"Glad to meet you. Ken na lang."
Umupo kami sa couch at iniabot ni Lady M si Robert ng maiinom. Skeptic ang PA ko kaya siya ang nagtanong.
"Uhhh Sir Robert right. Can you please tell Ken about yourself?" Tanong ni Ferdie.
Oh ayan Ferdie. Ikaw na ang boss. Masaya ka na?
"Okay po. Honor student po ako at ng kakambal ko from Grade School to High School. Nagtapos po kami ng Criminology from Philippine College of Criminology saka sumali sa NBI at nilipat kami sa YG Security Firm..." Sabi ni Robert sabay bigay ng kanyang biodata.
Malalim ang boses ni Robert. Feeling ko ay masyadong seryoso sa buhay at sa trabaho. Pansin kong nakasuot siya ng grey polo shirt na naka tuck-in, denim pants at black sneakers.
"Ahh okay. Malayo ang bahay namin ni Sunshine so mas maganda kung dun ka titira sa bahay ni Ken sa Alabang. Okay lang ba sa'yo?" Tanong ni Ferdie kay Robert.
"Opo." Sabi ni Robert.
Wow naman Ferdie...from PA to Butler. Anong nakain mo today?
"So Sir Ken...may pupuntahan po ba tayo today?" Tanong ni Robert.
"Uhh...pupunta pala tayo sa JH Tower sa Makati para puntahan si Min Joon at may tinitignan lang akong mga papeles sa work...tapos pupunta tayo sa mall para bumili ka ng uniform mo. Ayoko kasing naka coat and tie ka dahil mainit sa Pinas. Tapos mamayang gabi, susunduin natin yung kapatid ko...don't worry...hindi naman masyadong madami ang trabaho..." Sabi ko kay Robert.
Umalis na kami sa opisina ni Lady M at tinawag ang driver. Sumakay si Robert sa harap samantalang kami sa loob. Tahimik lang si Robert na nasa harapan ng sasakyan.
Talaga bang tao yan?
"Ahhh Boss Robert, may itatanong lang po ako sa'yo."
"Sige po. Ano po yun?" Sabi ni Robert na may mababang boses na kagaya sa isang kilalang crooner.
"Sabi mo galing kayo sa YG Security Firm, so sinong nanghingi ng inyong serbisyo?" Tanong ko na diretsahang sinagot ng aking bagong bodyguard.
"Si Sir Lee Jung Hwa at si Kim Ha Joon po."
WHAT???? Si Papa ang nag request ng bodyguards? Naku Papa, pag ako nagbakasyon sa Seoul, tatamaan ka sa'kin.
Tumingin si Sunshine sa'kin.
"Ang yaman mo naman Ken. Kita mo, si Papa mo ang nag request ng bodyguard slash security personnel. At least guwapo eh okay na..." Sabi ni Sunshine na gustong magpa cute kay Robert kaya kinurot ko si Sunshine sa tagiliran.
"Aaaawwwouch...ang sakit huh..."
"Yan...yan ang nangyayari sa mga ka chat mo...gwapo agad tapos hindi mo muna tinanong muna...ayun tuloy, nakuha niya ang wallet at cellphone mo..."
Nine o'clock in the morning nang dumating na kami ni Robert sa JH Tower. Lumabas na din sina Ferdie at Sunshine at umalis dahil pupuntahan pa nila ang isang production house para sa editing ng movie. Pumasok kami sa loob ng lobby para kunin ang security pass para kay Robert. Noon pa lang ay inasikaso na agad ni Papa ang kambal na bodyguards. #RichKidProblems
Si Robert na ang pumindot ng elevator button saka kami pumasok sa loob. Wala pa namang pumasok kaya solong-solo namin ang elevator. Tinitignan ko si Robert habang nasa elevator kami.
Gosh ang tangkad huh. But loyal ako kay MJ. Kahit magpakita pa siya ng abs sa harapan ko, dededma ko pa din. #TeamMJKenForTheWin
Nakalabas na kami ng elevator at agad naming pinuntahan ang opisina. Pagpasok ko, biglang lumabas ng opisina si Eunice pero...naka wheelchair at kasama ata ang abogado niya. Tinanong ko si Benjie, ang helpdesk officer of the day. Obvious sa mukha niya ang foundation sa kanyang mukha at naka lipstick - kahit isang paminta. Nakasuot siya ng black coat, white shirt, black slack pants at shoes na may takong.
"Good Morning Benjie...kita kong lumabas si Eunice kasama ang kanyang lawyer. Is there a problem?"
"Good Morning Sir Hyun Ki...mmm kakalabas lang po si Ms.Eunice...hindi ko na po alam kung tungkol saan...ahhhmmm s-sir...sino yang kasama mo???" Sabi ng baklitang si Benjie na gustong magpaka girl dahil sa kasama ko.
"He's Robert Sison...bodyguard ko siya..."
Biglang napatulala sa kanyang nakita. Ngayon, mas may reason kung bakit gustong maging punctual sa work si Benjie, kapag may bagong boylet.
"Ahhh...okay...akala ko eh ka doppleganger ko si Arthur...nasa Red Room po si Sir Min Joon..." Sabi ni Benjie saka ako lumakad kasama si Robert na may perfect posture sa kanyang paglakad.
Ganun Benjie?! Kapag magandang babae eh lagi kang late pero kapag guwapo ay lagi kang on time. Ayyyuuunnn
Pagpasok ko sa red room ay naririnig ko si Min Joon o MJ na may kausap na ang boses ay kasing-tunog kay Robert pero mas softer nang kaunti. Pinagbuksan ni Robert ang pinto para makapasok ako.
"Good Morning Min Joon!!!" Sabi ko pero si MJ ay parang naka Kuwaresma mode ang mukha.
Tama siguro sa panaginip ko. Mukhang may nangyari kay Eunice.
Umupo muna ako sa likod habang kinakamusta ni Robert ang kausap ni MJ.
"Aahhhmm...morning. By the way, I'd like you to meet my bodyguard - Arthur Sison. Pinadala ng YG with the permission from samchon/Tito Jung Hwa..." Sabi ni MJ saka tumingin sa kakambal ni Robert.
Iniabot ko ang aking kamay at nakipagkamayan si Arthur sa'kin.
"Nice to finally meet you. Kambak nga talaga kayo ahh..." Sabi ko habang nakatingin kay Arthur o Art.
Parehong nasa thirties na ang kambal na sina Robert at Arthur. Pareho din sila ng height pero ang pinagkaiba - laging naka salamin si Art at mas manipis ang buhok kaysa kay Rob.
Nagkakamustahan silang kambal.
"Oh Kuya...hindi mo naman sinabing artista para ang binabantayan mo...pambihira naman..." Sabi ni Art na mas expressive ang kanyang pagsasalita kaysa sa seryosong boses ni Robert.
Binabantayan?! Anong tingin mo sa'kin? Babysitter ganun?
"Art, binabantayin pa din si Sir Hyun Ki. Saan ka ba tumutuloy ngayon?" Tanong ni Robert.
"Ahhh...ehhh...yun ang problema eh...nasa opisina ni Sir Min Joon ang gamit ko at laptop ko.
Laptop?! Ano bang trabaho yang si Art huh?
Biglang nagsalita si Min Joon.
"Tutal magkatapat lang ang mga bahay namin, eh dito ka na muna tutuloy. Para may bantay kay Mama..."
Kaya pinutol ko ang pagsasalita ni Min Joon.
"Wait a minute. So dito sa house mo titira si Art tapos kasama ang laptop niya? Explain mo nga sa'kin yun?" Sabi ko kaya si Robert na mismo ang nagpaliwanag sa'kin.
"Ahh sir. Bukod po sa basic hand-to-hand combat eh magaling po itong si Art pagdating sa basic computer science. Kaya po niyang magiging secure ang bahay namin..." Sabi ni Robert.
"Parang si Jarvis ni Iron Man ganun?! Pwede mo bang gawin din yun sa JH Tower?" Sabi ko kaya inawat ito agad ni MJ.
"Di ba si Kyung Hyun/Kevin eh bihasa sa computer science?! Ohhh pwede siyang magtrabaho dito bilang IT Staff...just four to five years from today." Sabi ni MJ.
Magkakasundo sina Art at Kevin pero wag silang maging mag boyfriend huh. Babatukan ko silang dalawa eh.
Pumasok muna kami sa opisina dahil titignan ko po muna ang information tungkol sa mga planholders kung nagbabayad ba sila o hindi, kasama dun ang ibang corporate at individual accounts. Nakaupo lang si Robert at tinutulungan ako sa mga papeles.
"Ahhh Sir, eh may itatanong lang po ako."
Twenty-eight na ako noh!!!
"Huwag mo na pong i-po ako dahil bente-otso na po ako...."
"Sir, so kapag wala daw kayong taping ay sa opisina muna kayo?" Tanong ni Robert
"Mmm yup..." Sagot ko habang binabasa ko pa sa aking iMac computer.
"Aahh sir. Sabi po pala ng Papa mo, eh ako na din po pala ang magiging fitness training nyo...para daw po sa health nyo..."
Appa/Papa...Samchon/Tito...para sa health ko o para sa health nyo?
Napatingin ako kay Robert na nagbabasa ng mga papeles na may nakasulat na "for signatory"
"Aahhh...okay...si Min Joon eh fitness buff yun...ako kasi bihira na lang, lalo na kapag mag paghahanda para sa'yong role...pero in fairness, totoo naman sinabi mo..."
Dahil sa tulong ni Robert, natapos namin ang trabaho. In fairness, talagang tumaas ang sales and marketing ng insurance plans. Umalis na kami ng opisina at nagpaalam na ako kay MJ dahil bibili ko pa si Robert ng uniform. Ayoko kasi ng coat and tie sa sobrang init.
Lumabas na kami ng JH Tower, sumakay sa minivan saka umalis papuntang Meyer Town Mall na pagmamay-ari ng mga Meyers ng Switzerland. Medyo malaki at malawak ang mall kaya nagpunta na lang kami.
Bago lumabas, sinabihan ko ang driver na si Mang Enrico.
"Kuya Enrico, anong gusto mong food?! Bibili ka namin."
"Ahhh...sir...kahit ano na lang po salamat..." Sabi ni Mang Enrico na nasa singkwenta na ang edad.
"Eh sige po..."
Lumabas na kami ni Robert at pumasok na sa loob ng Meyer Town Mall, isang seven-storey commercial and business building na isa sa mga negosyo ng mga Meyers. Pagpasok sa loob ay all white walls and fixtures. Sa upper ground floor ang mga boutiques kaya lumakad kami pa kanan. Iba't ibang boutiques and clothing stores ang makikita.
Huminto kami sa isang clothing store na laging pinupuntahan ng mga stylist para sa mga actors nila. Winelcome kami ng isang babaeng nasa 5'4, medyo payat ang katawan, naka make-up at maayos ang kanyang buhok. Nakasuot ng lemon yellow blouse, mustard yellow knee-length skirt at white shoes.
"Hello sir. How can I help you po?" Sabi ng saleslady na ngumiti.
"Hi...please get my bodyguard some short sleeved polo shirt and samahan mo na rin ng coat..." Sabi ko sa saleslady.
Tumingin ang saleslady kay Robert tapos tinignan ang kanyang posture. Naku MJ, kung gusto mo akong ligawan, bilisan mo na at palagi kang mag gym...baka ma fall ako sa bodyguard ko.
Just kidding!!!
"Dito po tayo. Ako na pong bahala." Sabi ni saleslady.
Nagpunta kami sa isang bahagi kung saan naroon ang mga barongs, long sleeves at short sleeves. Kumuha siya ng ilang pieces saka binigay nito kay Robert.
"Susuotin ko yan?! Ay wag na po..." Sabi ni Robert na nahihiya dahil ako ang bumibili para sa kanya.
"Sige na Robert. Para sa work mo yan. Sa South Korea, dun ka na lang mag long sleeve. Sige na..." Sabi ko.
Ayaw mong papigil huh.
Matapos ang sukatan at tanggalan, lumabas si Robert na naka grey short sleeved barong na bagay sa kanyang slacks. Guwapo namang bodyguard na yan.
Nahihiya pa din si Robert dahil nakatingin sa kanya ang mga customers at salesladies.
"Okay. We'll take it. Mga pitong barongs, three off white short sleeved polo shirts and three jet black coats."
"Okay po sir." Sabi ng saleslady.
Binayaran ko ang mga binili ko para kay Robert at pagkatapos ay kumain muna kami ng cheeseburger at softdrinks sa isang fastfood chain. Nagpa takeout ako para kay Kuya Rico.
Nakalabas na kami at sinundo kami ni Kuya Enrico sa parking area. Binigyan namin ko siya ng cheeseburger, chicken nuggets at pineapple juice.
"Si Mang Enrico, siya ang driver natin. Minsan uuwi siya sa bahay niya sa Paranaque para mag dayoff. Ngayon kasi sasamahan niya ang kanyang asawa dahil maysakit. Magkasama kayo sa iisang room since wala na si Tito Eddie..." Sabi ko at pumayag naman ang dalawa.
"Ay ser, pwede po ba akong umuwi? Nasa ospital po kasi...si Ester na highblood na naman..." Sabi ni Mang Enrico na kulubot na ang balat at kitang kita ang uban sa kanyang buhok.
"Sige po. Bumalik na lang po kayo sa trabaho kapag okay na po ang misis nyo. Eh may kinain po ba ang misis nyo?"
"Eh mahilig po yun sa karne. Nung minsan binigyan siya ng lechong baboy..." Sabi ni Mang Enrico.
Muntik nang tumawa si Robert sa sinabi ni Mang Enrico. Bawal pala kay Aling Ester ang karne eh sige push pa more.
Nang makatapos ay umandar na ang sasakyan at umalis na kami pauwi ng bahay. Sa bahay ay kasama ni Mama ang aming kasambahay na nag-aalaga ng mga halaman. Niyakap ko muna si Mama.
"Oh anak. Kakauwi ko pa lang...may kasama ka pala." Sabi ni Mama.
Ito talaga si Mama...KJ
"Mama, I want you to meet our bodyguard - Robert Sison..." Sabi ko kay Mama na nakatingin sa mala-KPop Idol na bodyguard.
"...Robert, siya naman ang Mama ko."
Iniabot ni Mama ang kanyang kanang kamay at nakipagkamayan kay Robert.
"Good Afternoon po Madam." Sabi ni Robert na mukhang kinilig kay Mama. Nagtakip ng kanyang bibig na parang nahihiya.
"Ikaw naman hijo...ayoko ng madam...mukha akong elder yan eh...maam na lang...oh pumasok na kayo at para makapagpahinga kayo. Mamayang gabi ay uuwi na si Kevin..." Sabi ni Mama kay Robert saka sila pinatuloy sa kanilang bahay.
Tatlong palapag ang bahay namin - pareho sa bahay ni MJ. Sa unang floor ang living at dining area, kitchen, laundry at maid's quarters. Nasa second floor naman ang room nina Mama at Papa, at sa kwarto nina Mang Enrico at Robert. Sa third floor naman ang mga kwarto nina Kevin at sa akin.
Alas kwatro y media ng hapon nang pansamantalang umalis si Mang Enrico. Hindi ko naman siya pinapaalis. He needs to be there to his wife. Pumunta sa bahay namin sina Tita Sally at kung pwede siyang sumama sa kanilang pagsundo kay Kevin sa airport.
"Eh paano ang mga bata? Pinayagan ka ba ni MJ?" Tanong ni Mama.
"Nagpaalam na'ko at pumayag naman siya. Nandyan naman si Lydia eh para magbantay sa mga apo ko." Sagot ni Tita Sally.
Nandun din pala si Robert na siyang magdadrive para sa'kin. Pumasok na ang mga matatanda este sina Mama at Tita habang nakaupo ako sa kanan.
Doon namin susunduin si Kevin sa NAIA Terminal 3 sakay ng Thompson Air Flight Number FAU237 from Seoul to Manila. Pagdating ay nag park muna sila at sabay-sabay silang bumaba. First time ko talagang may bodyguard na'ko.
Una munang lumakad si Robert saka kami sumunod. May isang metro ang layo ko sa kanila. Pagpasok sa arrival, naghihintay na ang mga pamilyang naghihintay sa kanilang pag-uwi. Umupo muna sina Mama at Tita habang kami ni Robert ay naghihintay sa kanyang pagdating.
Nagtanong ako kay Robert.
"Robert...wala pa ba yung flight ni Kevin?"
"Sir Ken, sinabihan na po ako ng Mama nyo ang flight number at chineck ko na po. Nag landing na po ang eroplano. Hihintayin na lang po natin." Sabi ni Robert.
Anu ba yan?! Seryoso naman itong si Robert.
After forty-five minutes, dumating ang isang lalakeng nasa 5'9" ang taas with fair complexion at average body figure. Medyo malago ang itim na buhok, matangos ang ilong, pouty lips, chinito eyes at may ngiti na pagkakaguluhan ng mga kababaihan at kabadingan sa airport. Nakasuot ng black shirt, maong pants at black boots. Mayroon siyang hawak na tatlong maleta. Lumapit siya sa'kin.
"Hyun Ki hyung..." Boses ng lalake na nagtatanong sa'kin.
Natulala ako sa'king nakita at narinig.
"Uhhh...Kyung Hyun?! Kevin?"
"Ahhh yes." Sabi ni Kevin sabay yakap sa'kin na mahigpit. Ito ata ang unang beses naming magkasama. Ten years ang agwat namin sa isa't isa. May kapatid pala akong nagmana kay Papa.
"eomma eodi eyo? (Asan si Mama?)" Tanong ni Kevin.
"She's here sitting with tita."
Pumunta sila kay Mama. Ito ang unang pagkakataong marinig ni Mama ang boses ng kanyang bunso.
"eomma..."
"adeul (anak na lalake)..."
Tumayo si Mama at niyakap nang mahigpit. Pinakilala na din ni Mama si Kevin kay Tita Sally saka niyakap nito. Tinignan ko si Kevin and he has the face of a Korean idol...
Unfortunately, ayaw niyang maging KPop idol.
Lumakad pauwi sina Kevin, Mama at Tita palabas ng airport. Tinulungan ng airport personnel si Robert sa pagtulak ng mga bagahe ni Kevin. Galante naman ako kaya pagkatapos inilagay nila ang mga bagahe ni Kevin ay binigyan ko ito ng isang libong piso saka ako sumakay sa harapan.
Kahit nasa harapan ay naririnig ko ang usapan ni Kevin at ng mga matatanda este si Mama at Tita. He has a soft voice na taliwas sa boses ko na kahit ako'y bading ay manly naman ang boses ko. Magaling magsalita ng Korean at English si Kevin pero kakaunti lang ang kanyang Tagalog.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si MJ.
"Hey MJ. Kamusta kayo dyan sa bahay? Dumating na si Kevin sa Pinas."
"Nasa bahay lang ako with my twins. Nag send ng photo si Mama sa mga bata. Get ready with Emma. Parang may KPop idol na magiging kapitbahay. Kamusta ka?"
"Hahaha naku naman si Emma. Tuturuan natin yan sa Tagalog. Kita tayo sa opisina para ilibot ko si Kevin sa opisina."
Bukas ay ililibot ko si Kevin sa JH Tower at sa opisina. Dito na din mag-aaral si Kevin sa bansa kaya considered as "freshmen" sina Kevin and the Kim Twins.
Comments
Post a Comment