TOGETHER NA, FOREVER PA - Chapter 8
Min Joon/MJ's POV
My marriage with Eunice was both a bed of roses and a bed of thorns. Minahal ko naman si Eunice at dahil sa pagmamahal ay nagkaroon kami ng isang pares ng kambal na parehong mapagmahal at mabait. Habang nagtutuos ang mga lawyers namin tungkol sa pagpapabilis ng proseso ng annulment, napag-isip ako kung anong magiging reaction nina Emma at Ethan na maghihiwalay na ang mga magulang nila. Habang umaalis si Eunice, naiwan ako sa red room na nag-iisa. Lalake ako kaya dapat hindi ako umiiyak. Pero sa pagkakataon kong ito, parang gusto kong umiyak - hindi para sa mga kambal o para sa kanilang ina.
Biglang tumutulo ang luha ko sa mga mata ko nang hindi ko namamalayan. Gusto kong umiyak para sa sarili ko. Noong nasa Seoul pa ako at nag-aaral bilang Junior High School, may isang malapit kong kaibigan na nagtapat sa akin ng pag-ibig niya but sadly, na-friendzone ko siya.
Ngayon, nagsisisi na ako dahil hindi ko tinanggap ang pag-ibig niya sa'kin. Siguro kung naging kami, baka mas maging masaya kami - pero in reality, society sucks a lot dahil sa discrimination and all. But come to think of it, kung hindi ko tinanggap at pinakasalan ko si Eunice, walang Emma at Ethan ngayon.
Bumukas ang pintuan at narinig ko ang boses ni Barry.
"Ahh Sir Min Joon, may bisita po kayo." Sabi ni Barry.
"Okay, send him or her in. Sino po ba yun"
"New bodyguard po from YG Security Firm daw po." Sabi ni Barry.
Like what? Bodyguard from YG? Sinong nag request para sa'kin?
Biglang tumunog ang smartphone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung may nag message sa'kin hanggang sa nakita ko ang isang message.
Galing kay samchon/tito Jung Hwa.
Binasa ko ang message niya:
민준 안녕하세요. 현기 씨는 보디 가드가 Mariel 레이디의 재능 에이전시로부터 보내질 것이라고 말했다. 나는 우리가 약간의 연구를했다고 믿고 싶지 않으며 Min 씨는 우리를 YG Security에 추천했습니다. 당신은 쌍둥이가 전송됩니다. 그들을 새로운 가족 구성원으로 대하십시오.
(Hello Min Joon. Sabi ni Hyun Ki may ipapadala daw na bodyguard galing sa talent agency ni Lady Mariel. Ayokong magtiwala kaya nag research kami at ni refer kami ni Mr.Min sa YG Security. Ipapadala sa inyo ay kambal. Treat them as a new family member.)
Thanks Papa and Tito. Hindi ko alam na isa sa mga business partners namin na si Mr.Min ay may bodyguard mula sa YG Security na isa sa pinakamalaking security firm sa Asia, when it comes to security.
Pumasok ang isang matangkad na lalake sa opisina ko. Baka siguro ay siya ang bago kong bodyguard. Kaso parang masyadong bata para maging bodyguard.
"Hello Sir. I'm Arthur Sison your new bodyguard..." Sabi ng lalake sabay labas ng kanyang kamay para ako'y kamayan.
"Uhh nice..to meet you. Please have a seat." Sabi ko kay Arthur. Umupo siya habang nakatingin ako sa kanya. Naku po!!! Baka si Emma eh puro pa selfie sa bodyguard namin eh baka ma distract sa pag-aaral.
Matangkad si Arthur. Nasa 5'10" ang taas, medium-built ang pangangatawan, chinito ang mga mata, matangos ang ilong at medyo makapal ang labi. Binigyan niya ako ng kanyang personal information.
"Arthur right?! Ang bata mo pa para maging bodyguard. Ilang taon ka na po ba?" Tanong ko na sinagot naman ni Arthur.
"Thirty-one po po." Kumpara sa mga bodyguards na kakilala ko, iba ang tono ng boses niya - average tono pero hindi naman pitchy.
"Ganun ba? Mmm wala ka bang kapatid? Nasaan ang parents mo?"
"Meron po akong kakambal kaso namatay na ang parents namin. Pinalaki kami ng solterong uncle namin na pulis. Ayaw nga niyang maging pulis kami but it runs in the family..."
Biglang dumating si Ken kasama ang kanyang bagong bodyguard but what a coincidence!!! Kakambal ni Arthur ang bodyguard niya. Nasabi ni Ken na nakatira na si Robert sa bahay nila kaya napagdesisyunan kong tumira muna si Arthur sa bahay nila. Pumunta muna sina Ken at Robert sa opisina kaya pumunta muna sila sa opisina ko.
Pag-upo ko sa office chair ay umupo na din si Arthur sa kanyang upuan. Hindi ko alam kung papaano ko kakausapin si Arthur.
"Sabi sa'kin ni Robert, magaling ka daw sa computers tama?" Tanong ko at tumango lang siya.
Kinuha ko ang isang folder at ibinigay ko kay Robert.
"Okay. Narito sa folder ang limang insurance companies. I need you to do a research about the status with SEC, financial capacity, liabilities and all. Wala naman itong deadline. Andyan na din ang working email address ko para hindi na sayang ang papel."
"Okay sir..." Tugon ni Arthur.
"Pumunta ka kay Barry. Siya ang magbibigay sa'yo ng access sa Internet connection. Again, hindi naman ASAP huh..." Sabi ko sabay tumayo si Arthur.
"Ahhh yung mga gamit mo, dito muna sa opisina. Kunin natin yan pag-uwi ko." Sabi ko kay Arthur saka lumabas ng opisina ko.
Binigay ko kay Arthur ang mga papeles for research at para alamin kung magaling nga talaga. Nasa opisina ko ang dalawang bagahe niya. Sabi ni Ken ay si Arthur ang magiging "JARVIS" niya.
Baka dahil dyan, one hundred percent secured na ang opisina namin.
Alas singko y media ng hapon na at uwian na ang mga office workers ko. Lumabas ako ng opisina para puntahan ang workstation nina Barry at Arthur. Umalis na pala si Barry pero si Arthur ay nandito pa din - nagbabasa sa kanyang laptop.
"Ehem...Arthur...pumasok ka sa opisina ko..." Sabi ko kay Arthur. Shinut down ni Arthur ang laptop niya mula sa adaptor at sumunod sa'kin.
Pagpasok ni Arthur ay pinaupo ko muna.
"Ahh sir, nasa email address mo na po yung iniutos niyo sa'kin...paki check na lang po..." Sabi ni Arthur.
Whoa. Ang galing.
"Thank you. Siya bukas eh bibigyan namin kayo ni Robert ng access sa opisina at sa building. Uuwi na tayo kaya ikaw na lang muna ang mag drive..." Sabi ko kay Arthur sabay tingin sa laptop niya.
Saan naman nanggaling ang laptop niya?
"Sa'yo ba yung laptop mo?"
"Ahhh opo. Ibinigay na po sa'kin ng Head ng IT Department ng YG..." Sabi ni Arthur sabay inilagay ang kanyang laptop at adaptor sa kanyang bag.
"Huwag mo na munang dalhin yan everyday huh. May computers naman dito...o siya at uuwi na tayo." Sabi ko.
Umuwi na kami ni Robert ng opisina patungo sa parking floor kung saan naroon ang kotse namin. Nasa driver's seat si Robert habang nasa likod naman ako. Saan ka ba makikita ng bodyguard na guwapo, matalino at techie?
Pag uwi namin sa bahay, nagulat na lang sina Mama, Emma at Ethan dahil mayroon tayong bagong miyembro ng pamilya.
"Mama...Emma...Ethan...si Arthur bodyguard po natin." Sabi ko.
"Ikinagagalak ko po kayong makilala" Sabi ni Mama habang kinikilig itong si Emma. Ikaw Emma, kapag nagpabuntis ka na hindi ka pa nagtatrabaho, baka sa Maintenance Department ka namin i assign.
"Ang gwapo mo namang bodyguard. Mabuti na lang at nag resign na si kaya solo ka sa kwarto mo..." Sabi ni Mama.
Shinare ko sa kanila na magaling si Arthur sa computers at dahil dyan...
"Computers?! Tara maglaro tayo ng online games..." Sabi ni Ethan pero kinontra ni Arthur.
"Eh hindi po ako naglalaro yun eh." Sabi ni Arthur.
"Eh di turuan mo na lang ako ng exercise, gusto ko na kasing magkaroon ng laman...ang payat ko na eh..." Sabi ni Ethan.
Ikaw Ethan...
"Sige na at matutulog na po si Sir Arthur nyo. May work pa po siya bukas eh. Sige na at umakyat na po kayo..."
Bago umakyat papunta sa kanilang kwarto ay nagtanong si Emma.
"Ahhh Sir Arthur, may kapatid po ba kayo? Sana gwapo din hehehe..." Tanong ni Emma kay Arthur habang kinakausap pa si Mama.
"Matulog na kayo at next week ay graduation practice nyo na."
Huling Biyernes ng April ang kanilang graduation at present lahat ang buong pamilya - except kay Papa at samchon/tito pero bibili kami nina Emma at Ethan ng graduation attire nila sa Linggo.
Martes ng umaga nang umalis kami ng maaga papuntang opisina, kasama sina Emma at Ethan. Pansin ko ding umalis na din sina Ken at Kevin papuntang opisina pero nang lumabas na kami ay may isang lalakeng kumatok sa aking sasakyan.
"Sir MJ, may makikihatid po." Sabi ni Arthur.
"Sige Arthur...bubuksan ko na lang."
Binuksan ko ang pinto ng kotse at nakita ko ang imahe ng isang mala-KPop idol. Matangkad, medyo may laman ang katawan kaya average body size medyo malago ang itim na buhok, matangos ang ilong, pouty lips, at chinito eyes.
"yeoboseyo. gat-i gal su issnayo? (Hello. Can I get along?)" Sabi ng lalake.
"nuguseyo? (Who are you?)" Tanong ko.
"yeoboseyo. jeoneun gyeonghyeon-ibnida. jeoneun hyeongiui namdongsaeng-ibnida. (Hello. I'm Kyung Hyun. I'm Hyun Ki's younger brother.)" Sagot ng binata.
Ikaw pala yung kausap namin ni Ken nung isang gabi.
Nakisabay na din sa'kin si Kyung Hyun o Kevin sa loob ng van. Unang pagkikita ko pa lang ay hindi pala salita si Kevin - dahil hindi siya marunong ng Tagalog. Nakipagkamayan siya sa mga kambal ko. Kinikilig si Emma dahil mayroon siyang kapitbahay na Koreano din pala.
Habang nasa biyahe, nagkamustahan muna ang tatlo.
"gyeonghyeon yutyubeu chaeneol-eun eottaeyo? dangsin-eun neomu jaeneung issgo jal saeng-gyeossseubnida. (Kyung Hyun, how is your Youtube channel doing? You're so talented and handsome.) Tanong ni Emma.
Sinubukang managalog ni Kevin.
"Ahh Kevin na lang...okay naman po hehehe" Sabi ni Kevin.
"pillipin-eseo gongbuhagessseubnikka? (Are you going to study in the Philippines?)" Tanong ni Ethan.
"Ahh opo...are you also incoming college students?" Tanong ni Kevin at tumango ang dalawa.
"Ako po sa Marketing tapos po si Ate sa Finance. How about you?" Tanong ni Ethan.
"Ummm...I want to take up Computer Science..." Sabi ni Kevin.
Pagkatapos siguro ng graduation ay mag eenroll na ang tatlo sa iisang University - ang Maharlika University, isa sa mga premier schools sa Makati. Parang kami noon ni Ken sa college life - para kaming dynamic duo sa maraming bagay at extra curricular activities. Mahilig ako nun sa basketball at si Ken ang nagpupunas sa'kin kapag pawis na pawis na ako. Ewan ko ba kung bakit kami nag click eh marami din kaming awayan at batihan.
Noong nasa senior high school kami ni Ken sa Seoul, may pitong estudyante ang lumapit sa'kin at binuhusan ako ng orange juice sa ulo. They were all laughing at me. I was weak at that time, then suddenly, biglang dumating si Ken at pinagsabihan ko silang...
"Huwag mong sasaktan ang best friend ko, dahil kung hindi, bubuhusan ko kayo ng kumukulong kape!!! Mag-aral nga kayo. Sayang ang gastos ng mga magulang niyo kung magiging pasaway kayo!!!"
Pero dahil sa talim ng dila ni Ken ay di nakapagpigil at sinuntok niya si Ken sa mukha. Nakaganti naman si Ken at sinuntok niya sa pangga ang isa sabay tinadyakan niya sa tuhod. Mabuti na lang at may nagturo sa kanya ang isang anak ng empleyado ng JH Insurance ng arnis, isang Filipino martial arts. Binigyan niya ito ng yantok kaya hinataw niya sa anim pang iba pa.
Pinatawag sila sa Principal's Office at sinabi ni Ken ang totoo. Sa huli ay napa expel ang pito samantalang si Ken, nakatikim ng hataw ng yantok galing kay samchon/Tito Jung Hwa. Thankful naman sina Mama at Papa kay Ken.
Nagkakasundo naman ang tatlo dahil mga incoming college freshmen sila. Medyo maarte lang si Emma pagdating sa mga boys, parang gusto na atang magka boyfriend samantalang si Ethan ay businessman in the making. Lagi akong bumibili ng school materials like padpapers, ballpens at pencils pero yun pala, nagbebenta pala sa mga kaklase at ka schoolmate nila. Yung kita ay ibinibigay sa akin na idine deposit ko sa kanllang passbook.
Sa nakikita ko, silang tatlo ang hahalili sa amin ni Ken.
Inihatid ni Arthur sina Emma at Ethan sa school. Bago umalis ay nagbilin ako kay Emma.
"Mag message ka sa'kin kapag uuwi kayo. Susunduin kayo ni Sir Arthur nyo..." Sabi ko nang magtanong si Emma.
"Appa/Papa, hindi po ba sasabay si Kevin sa'min? Para namang mailibot namin siya sa school." Sabi ni Emma.
Ay ang aga-aga Emma
"Next time na anak. Ililibot ko muna si Kevin sa opisina. Behave."
"Opo pa." Sabi ni Emma sabay halik sa cheeks at ganun din si Ethan saka umalis. Sinara ko ang pinto ng sasakyan.
"Arthur, sa opisina tayo. Kapag nagtext si Emma or Ethan, sunduin mo na din sa school."
"Opo sir" Sabi ni Arthur sabay andar ng kotse.
Nakarating na kami ni Arthur sa opisina, Pagpasok ko ay sinalubong siya ni Barry na may dala-dalang tablet.
"Good morning Sir." Sabi ni Barry.
"Good morning..." Sabi ko habang naglalakad papasok ng opisina ko.
"Sir, may update na po tayo sa status ng mga planholders na hindi pa nagbabayad - both personal and commercial accounts...then kailangan niyo pong pumunta sa office ni Ms.Orellana ..." Sabi ni Barry nang pumasok na ako sa opisina saka umupo.
"Si Ms. Orellana? Eh bakit daw?" Tanong ko pero hindi nagsalita si Barry.
Umalis na sina Barry at Arthur at bumalik sa kanilang workstation. Si Sandra Orellana ang CEO ng JH Insurance Philippines. She's in her thirties but she has the qualities of being a leader. Ayaw ni Ken sa Sandra na yan dahil sa tingin niya ay may itinatagong sikreto at ayaw din ni Ken sa mga babaeng tulad ni Sandra.
Puro body and boobs pero walang utak.
Habang nasa work ko, naisipan kong mag send ng message kay Ken kaya kinuha ko agad ang smartphone ko.
"Hello Ken. Asan ka na?"
Makalipas ng ilang segundo,nag reply agad si Ken.
"Nasa presinto ako ngayon."
Nagulantang ako sa sinabi ni Ken. Nasa presinto si Ken?! Bakit?
Biglang pumasok ng opisina si Arthur.
"Oh Arthur bakit?"
"Sir, nasa balita po ngayon si Ken..." Sabi ni Arthur sabay bigay sa'kin ang tablet niya. Nakalagay doon sa Twitter ang post:
"ACTOR-BUSINESS EXECUTIVE AMBUSHED"
Inilabas ko ang aking remote control para manood ng balita. Nasa TV ngayon ang ambush ng isang Film Actor at Business Executive hanggang sa napanood ang balita.
"Magandang Umaga po. Isang private vehicle ang inambush sa kalye ng EDSA na gawa ng isang riding-in-tandem. Nakilala ang biktima ng ambush na si Kyun Hi Lee o mas kilala sa tawag na Ken Lee. Nakaligtas naman ang kanyang bodyguard na si Robert Sison na hinahabol ngayon ang riding-in-tandem. Nasa custodiya ngayon ng pulis at NBI. Inaalam pa ng mga pulis at NBI kung sino ang may kagagawan ng ambush..."
Ito ata ang unang beses na may nagtangka sa buhay ni Ken. Sabi sa balita sa TV, hinahabol ngayon ni Robert ang mga salarin. Buti na lang at nakaligtas si Ken.
Bumalik uli si Arthur sa trabaho nang tumawag sa'kin ang boses ng taong gustong makipagkita sa'kin.
"Hello? Yes Ms.Orellana...I'll be there in a minute..."
Tumayo muna ako at inayos ko muna ang suot ko saka lumabas ng kwarto ko saka pumunta sa cubicle ni Barry.
"Barry, pupunta lang ako sa Twentieth floor. Kakausapin daw ni Sandra. Ikaw muna at si Arthur muna ang bahala okay?"
"Opo sir." Sabi ni Barry.
Lumabas ako ng office saka pumunta sa elevator at pinindot ang UP button. Nagbukas ang pinto ng elevator sabay pindot ng number 20 sabay nagsara ang pinto. Ang 20th floor ang palapag na kung saan ay naroon ang opisina ng mga big bosses, which includes the office of my dad and samchon Jung Hwa.
When I entered the 20th floor, I was astounded sa pasilyo because the floor looks like the executive offices in commercial towers. Modern ang concept ng executive floors because of the fixtures and the ambience. I talked to the helpdesk at sinabing inaantay daw niya ako.
Itinuro niya sa akin kung saan ang opisina ni Ms.Orellana. I opened the door and I was stunned on how her office looks like - neutral colors, large glass windows, grey-colored sofa na may mga books sa likod.
"Hello Ms.Orellana..." Bati ko sa kanya.
Nakatalikod ang kanyang black office chair until it swiveled. Dun ko nakita si Sandra. She wears golden yellow blouse, cream knee-cut skirt and white stilletos. She's just thirty-seven but she looks like forty-seven.
"Hello Mr.Kim. Please have a seat..." Sabi ni Sandra sabay upo. She talks and speaks like she owns this place.
"Mr.Kim, nabalitaan ko ang nangyari sa ambush ni Mr.Lee. To be honest, nag-alala ako sa kanya dahil bukod sa artista eh business executive at baka maging target ng mga hired killers or something..."
Nagsisimula na akong mainis sa kanya.
Nagpatuloy sa pagsasalita ni Sandra.
"It's better if Mr.Lee should file an indefinite leave from the company, para sa kaligtasan niya at pati sa mga planholders at stockholders ng kumpanya..."
What?! Gusto mong mag leave muna si Ken?! Nababaliw ka na ba?
Kaya nagsalita na ako.
"Uh Sandra, dapat si Ken ang mag file ng leave at hindi ikaw..." Pero sumagot si Sandra.
"Oh well, he's just an employee and I'm his boss. Ako ang magdedesisyon kung..." But I cut him off.
"Uh excuse me? Boss ka lang?! Are you out of your mind? May I remind you that my family and his family build JH Insurance, kung saan nagtatrabaho ka ngayon bilang CEO. Oras na may nangyari kay Ken or anyone of his family or my family..." Sabi ko sabay tingin kay Sandra na umatras nang bahagya.
"We can take it anything from you. Do you understand?"
Noon, pinagtanggol niya ako laban sa mga bullies.
Ngayon, ako ang magtatanggol sa kanya.
Para sa mahal ko, kaya kong maging demonyo.
Ngayon, ako ang magtatanggol sa kanya.
Para sa mahal ko, kaya kong maging demonyo.
Comments
Post a Comment