TOGETHER NA, FOREVER PA - Chapter 3



"Chingu (Friend). Kukunin ko lang ang mga papeles. Magkita tayo sa patio mo. Magkukwentuhan pa ata sina eomma, ajumma at si Tito." Sabi ni Ken habang inaayos ang mga papers.
Sa kalapit na bahay, kausap niya si MJ. 
"Gwaenchanh-a. jamsi hue galge (Okay. I'll be there in a minute.)" Sabi ni MJ. 
Pagbaba ng cellphone, agad na kinuha ni MJ ang kanyang paboritong pabango at inispray sa kanyang katawan. Parang may pupuntahang date. Kinuha niya ang mga papeles at laptop saka lumabas ng kwarto at bumaba saka pumunta sa patio na paborito nilang tambalan. Agad namang nakita ni Sally na si MJ na nakaupo sa upuan sa patio.
"Anak, trabaho na naman?" Tanong ni Sally kay MJ na nag-aayos ng mga papeles. 
"May vini-verify lang po eomma. Saan ka pupunta?" Sagot ni MJ. 
"Ahh...pupunta ako nina Eddie at Cristy. Makiki chika lang ako sa kanila...ingat kayo dyan." Sabi ni Sally na sobrang excited na makita si Cristy. Magkatapat lang sila ng bahay kaya pwedeng maging tambayan ang isa't isa. 
Habang nagpunta si Sally sa bahay ni Cristy ay lumabas ng bahay si Ken at nagpunta sa patio. 
"Neo meog-eun jeog issni? (Have you eaten?)" Tanong ni Ken at tumango lang si MJ. Medyo seryoso na ang boses ni MJ. 
Nagsimula sina MJ at Ken sa pag audit ng mga information galing kina Mr.Cunanan at Mr.Samson tungkol sa Cavite at Laguna insurance holders. Pagkatapos ng isa at kalahating oras, nalaman nilang pwedeng bigyan ng warning ang dalawa dahil sa maling pagtrato kay Ken. Pagkatapos nagkwentuhan naman sila. 
"Ang galing naman ng speech mo." Sabi ni Ken
"Kinakabahan ako nun eh. Ayoko kasing sumagot sa mga tanong sa press. Ikaw kasi sanay ka na dyan." Sabi ni MJ at natawa naman si Ken. Sa kanilang dalawa, si Ken lang ang malakas ang loob na magsalita sa maraming tao.
"Mabsosa! (Oh my goodness!)  Maldo andoeneun baeggaji jilmun-e daedabhago sipji anhseubnida. (Ayokong sumagot ng sandosenang tanong na wala nalang katuturan.)"  Sabi ni Ken. 
"Kamusta na si samchon at si appa?" Tanong ni Ken habang inaayos ang mga papeles at umiinom ng gatas si MJ.
"He's fine. Ganun din si samchon. Ay siya nga pala, Uuwi sa bansa si Kevin, kapatid mo. Dito daw siya mag-aral ng Tagalog. Medyo magaling mag Engish ang kapatid mo…" Sabi ni MJ pero kinakabaan naman si Ken. 
"Baka naman sa first day of classes eh absent or late. Ibibigti ko yan patiwarik…" Inis na sinabi ni Ken kaya pinakalma ni MJ. 
"Mal hajima! geuneun dangsin-ui hyeongjeibnida. (Don't say that! He's your brother.) Two years lang ang agwat nyo pero magkapatid kayo...kami nga ni Eunice eh malapit nang i-release ang annulment papers namin…" Sabi ni MJ kaya nagtanong agad si Ken. 
"Wow...so kapag na release ang annulment papers mo, eh balik buhay binata ka ba?" Tanong ni Ken. 
Napaisip si MJ sa tanong ni Ken tungkol sa kanyang ex-wife na si Eunice. 
"Hindi na'ko binata Ken. May kambal na'ko. Andyan sina Mama, Papa, Samchon, Ajumma at...syempre ikaw…" Sabi ni MJ na ikinagulat ni Ken.
"Ayuunn...nagpacute ang kaibigan ko sa'kin. My God Min Joon, hindi ka pwedeng magpa cute sa'kin...tanda na natin…" Sabi ni Ken habang nagbubukas ng potato chips. Yun ang favorite snack ng dalawa
"Eh ikaw, matanda ka na din di ba? May artistang nalilink sa'yo…" Tawang-tawang sabi ni MJ habang kumukuha ng chips. 
"Hey excuse me. Thirty ka lang at twenty-eight ako okay?! At isa pa, sabi sa'kin ni Ferdie, nagpupunta yun sa gay bar at gustong maka link sa'kin para sumikat...ay naku po…" Tawang-tawang sabi ni Ken. 
Tawang-tawa sina MJ at Ken na parang mga bata. Biyernes kaya puwedeng magpuyat sina Emma at Ethan kaya sumali sila sa usapan nila habang sina Sally at Cristy ay nagkukuwentuhan sa bahay ni Ken. Favorite nila ang junk food at fried chicken, na ayaw na ayaw ni MJ. 
“Ay naku junk food na naman. Mangangati lang kayo dyan. Sasabihin ng Mama nyo, hindi ko kayo pinababayaan.” Sabi ni MJ sa kambal. 
“Appa, once naman every week...di ba noona?” Sabi ni Ethan sabay tingin kay Emma na umiinom ng gatas. 
“Ethan, hindi naman pwedeng puro tayo junk food. Natikman ko na ang lahat eh…” Sabi ni Emma. 
May naisip na idea si Ken para pwedeng makakain sila ng fried chicken at junk food. 
“Sige, this Sunday after church, pupunta tayo sa supermarket. Bibili tayo ng favorite junk food at gagawin nating breadcrumbs para sa chicken breast at fried chicken.” Sabi ni Ken at tuwang-tuwa ang dalawa. 
Matapos ng usapan at tawanan, pumasok na sina Emma at Ethan at umakyan para tumulog. Umuwi na din si Sally at pumasok sa loob ng bahay. Pero tuloy tuloy pa din ang kwentuhan tungkol sa buhay-buhay. Nagdala din pala si MJ ng soju at dalawang shot glass para simulan ang inuman.
"So papaano kung may magandang babae na susubuking akitin ka?" Tanong ni Ken habang tinagayan ng soju ang shot glass ni MJ saka uminom nito. 
"Eh ang tanong...open minded ba siya? Mmm...baka mabentahan ng insurance HAHAHA…" Sagot ni MJ saka tinagayan niya ng soju ang shot glass ni Ken sabay tanong sa kanya. 
"...eh ikaw, alam ko kung sino ka...paano k-kung may artistang hot ang katawan at gustong landiin ka...anong gagawin mo hehehe…"
"Ayun??? Mag-aaksaya lang siya ng...p-panahon sa'kin…ayoko ng bata...childish eh…" Sagot ni Ken. 
Muli, nagtanong si Ken kay MJ sabay tagay ng soju sa shotglass ni MJ. 
"Eh...paano...kung...nagparamdam si Eunice? Sabihing 'gusto pa din kitaaahh...mahal pa din kitaahhh...ohhh anong ga-gawin mo…" Tanong ni Ken.
"Uhhhhh…annulment na nga eh...hehehe maghanap na lang siya...ng iba...o siya, tulog na tayo at pupunta pa tayo...office…" Sagot ni MJ. Tumingin si Ken sa kanyang iPhone 11 Pro Max na space grey at nakalagay ang oras. 11:45 p.m.
"Ay oo nga hehehe...sabay tayong pumunta sa office…" Sabi ni Ken. 
Umuwi na si Ken habang pumasok na sa loob ng bahay si MJ saka umakyat papunta sa kwarto at natulog na parang isang eighteen year old teenager. Hinubad ang kanyang sando at tinanggal ang kanyang boxer shorts hanggang sa wala na siyang saplot saka humiga sa kama at kinuha ang kanyang kumot. Si Ken naman ay tinanggal ang kanyang boxer shorts hanggang sa sando lang ang natira. 
Sabado ng umaga nang umalis sina MJ at Ken papunta sa opisina para kausapin sina Mr.Samson at Mr.Cunanan. Bago umalis ay naghabilin sina Emma at Ethan kay MJ na nagpabili ng office supplies gaya ng notebooks at pens para sa paghahanda sa kanilang college life. Kahit sila'y mga business executives ay tipid sila kaya isang 2019 Range Rover SUV ang ginamit nila, bukod sa Ford Everest SUV, pero kapag may taping si Ken ay ginagamit ang kanyang 2020 Hyundai H350 Minivan para sulit. Nag drive na lang si MJ para tipid at para may extra pahinga ang kanyang driver na si Mang Tommy. 
Habang nasa biyahe, nag double check uli si Ken ng mga papeles. 
"Min Joon, what do you think?! Bibigyan ba natin sila ng isa pang chance?" Tanong ni Ken na nagtanong din si MJ sa kanya.
"Eh ikaw tatanggapin mo ba ang apology ng dalawa? Kung sila ay tatanggalin, pupulutin sa kangkungan ang mga pamilya nila at baka magsalita laban sa kumpanya o laban sa'yo." Sabi ni MJ. 
Nag iisip lang si Ken sa sinabi ni MJ. Pagdating sa office building, kumaliwa ang kotse pababa hanggang sa makita nila ang parking floor. Magaling sa pagmamaneho si MJ, lalo na sa pagpa park ng sasakyan. Lumabas ang dalawa tanggay ang mga papeles at pumasok sa ground floor saka sumakay sa kanilang elevator. 
Pagdating nila sa nineteenth floor, nagtanong si MJ sa babae sa helpdesk kung andyan ba sina Mr.Cunanan at Mr.Samson. Sabi ng babae, nagsisimulang magligpit ng mga gamit ang dalawa. 
"Debbie, please call Mr.Cunanan and Mr.Samson to come to Blue Board Room in thirty minutes. Pakisabi kay Arnold na buksan ang pinto ng Board Room. Then take a two hour lunch break and let's call it a day." Utos ni MJ kay Debbie na nagtatrabaho sa receiving area.
Lumakad ang dalawa papunta sa Board Room. May tatlong board rooms na iba't iba ang concept. Ang shades of red ang concept ng una, shades of blue ang ikalawa samantalang mixture of yellow and white ang sa ikatlong board room. Pumasok sina MJ at Ken sa blue board room at nagpahinga habang naghihintay sina Mr.Cunanan at Mr.Samson. 
Ilang minuto ang nakakalipas nang pumasok ang dalawa sa blue board room. 
"Good Morning Mr. Kim...Mr.Lee..." Bati ni Mr.Cunanan.
"Please have a seat." Sabi ni MJ sa kanila saka umupo habang nakatayo si Ken habang nakatingin sa labas ng office building. 
"We've studied your report and we're satisfied with your results. However, when it comes to your sales, Mr.Cunanan, muntik mo nang maabot ang quota. I don't know if you have the energy enough to make it. As you all know, competition still exist - not just in your assigned province but in regions too…." Sabi ni MJ kay Mr.Cunanan na mangiyak-iyak sa sinabi ng boss niya. Saka tumalikod si Ken at nagsalita. 
"Gentlemen, competition is a way for the two of you to do harder - the right way. Hindi niyo naman kailangang mandaya para maging number one team...and one more thing, part time ko lang ang pagiging film actor ko but I'm still in the company. Kung paano niyo galangin si Sir Min Joon, dapat ganun din kayo sa'kin…" Sabi ni Ken sa dalawang assistant managers. 
"Because of that, hindi namin kayo tatanggalin. But this serves as a warning. Respect other people - mula sa pinakababa hanggang sa pinakamataas, which including me and Sir Hyun Ki. Understand?" Sabi ni MJ. 
Tuwang tuwa ang dalawa dahil hindi pa sila handang umalis ng opisina. Pero may babala sa kanila si Ken sa kanilang dalawa. 
"But be prepared for a competition. Right now, you're still assistant managers. By June, we will promote people to the Provincial and Regional Manager positions. Kung magsisipag kayo sa trabaho, anyone - includes the two of you, could be a Provincial Manager or Regional Manager for Region IV-A." Sabi ni Ken.
Tumayo si Mr.Samson at nagbow sa kanila.
"Gagawin po namin sir para maging number one ang Region IV-A…" Sabi ni Mr.Samson kaya lumapit sa kanya si MJ. 
"Then, do your job. Weekend ngayon kaya uwumi muna kayo. Be punctual everyday. You can go." Sabi ni MJ. 
Hindi matatanggal sila sa trabaho dahil nagconsult sina MJ at Ken sa mga ama nila. Partners talaga ang mga tatay nila kaya they considered as a team. 
Nagsimula ang pagkakaibigan nina Ha Joon Kim at Jung Hwa Kim sa food industry. Kailangan nila ng mga English teachers at dalawang Pinay ang nagtuturo - sina Cristy Mendoza at Sally Arias. Hanggang sa nagka relasyon sina Ha Joon at Cristy, Jung Hwa at Sally. Nagpakasal sa South Korea at nagkaroon ng kani kanilang mga anak - sina Min Joon o MJ at Hyun Ki o Ken. Liberated ang dalawa kaya open-minded sila kung pwede silang mag Tagalog, basta hindi nakakalimutan ang Hangeul o Korean language. 
Mula sa kimchi making and exportation, pinasok nila ang insurance. Dito nagsimula ang JH Insurance. Mula sa South Korea, lumaki nang lumaki ang insurance hanggang sa makarating sa iba't ibang panig ng mundo. Dahil lumaki ang insurance business, mas lumaki ang kimchi at Korean products, kasama ang import business. 
Dito itinatag ang JH Investments International. 
Si Ha Joon ang Chairman samantalang si Jung Hwa ang Vice Chairman. Sila din ang majority shareholders na may thirty percent each for a total of sixty percent. Ang JH Insurance Philippines ay nasa pamamahala ni Nathan Figueroa bilang President and habang si Sandra Orellana bilang CEO at Chairman of the Board. Still, sina MJ at Ken ay may twenty percent each, for a total of forty percent samantalang sina Mr.Figueroa at Ms.Orellana ay may ten percent each. Ang mga employees ay naka invest sa kumpanya bilang stockholders. Kahit mayaman ay simpleng tao lang sina MJ at Kim. Bukod sa trabaho sa opisina, umaarte din si Ken sa pelikula. Bilang kapalit, kinukuha niya ang ilang artista, KPop idols, directors at crew ng chance na maging planholder ng JH Insurance. 
Sa magkaibigang MJ at Ken, may malapit sa press si Ken. Naging parte na ng mga pelikula ni Ken ay naitampok sa local at international film festivals. Kung minsan, may nomination siya as Lead or Supporting Actor. Ngunit ayaw ni MJ sa mga reports at paparazzi dahil nawawalan siya ng privacy. 
Pagkatapos ng usapan nila kasama si Mr.Samson at Mr.Cunanan, nagpahinga muna ang dalawa. Ang ibang mga empleyado ay nasa bahay nila. 
"Ken, gutom na'ko. Magpa order tayo ng food tapos bigyan natin sina Debbie at Arnold." Lambing na sabi ni MJ. 
"Sige, utos ka pa, hahalikan kita dyan...sandali…" Sabi ni Ken. Kinuha ang telephone at tinawagan si Debbie na nasa receiving area. 
"Hello Debbie...tumawag ka naman ng Mr.Burgers at mag order ka ng apat na lunchbox meal. Dalawa ay ice tea at dalawa ay softdrinks. Sa'yong dalawa yan ni Arnold huh...kunin mo din ang resibo...kamsahamnida...thank you." Sabi ni Ken. 
Habang naghihintay sa food, kwentuhan ang dalawa. 
"Wala bang tawag sa'yo galing sa director mo?" Tanong ni MJ. 
"Mmm wala naman. Editing muna sila. Galit na galit ang mga producers kay direk kaya kung hindi nila kaya, ipapasa na lang siguro yung film sa ibang directors." Sagot ni Ken.
“Huh? What do you mean by that?”
“Ay naku po. Extra budget para sa mga equipment at sa production. Buti na lang wala akong eksenang tatalon ako o hahabulin ako. Tapos magpapractice ako ng fighting scenes na kailangan pa ng harness…” Sabi ni Ken na nakaupo sa isang swiveling office chair na gawa sa synthetic leather. Lumapit si MJ kay Ken at umupo sa isa pang swiveling office chair.
“Tama ang papa mo. You don’t need to have a dozen films, box office success or awards. Being a son, mother-figure sa kambal ko, business partner and a best friend is enough for me.” Sabi ni MJ kay Ken at nilagyan ito ng ngiti. 
Ilang sandali pa’y dumating na ang delivery man ng Mr.Burgers na may hawak ng dalawang paperbags at dalawang large sized ice tea. Inilabas ni MJ ang kanyang wallet at binigay ang pera sa delivery man saka tinignan kung tama ang presyo. 
“Ah sir, wala po ata akong sukli sa one thousand, five hundred pesos.” Sabi ng delivery man. 
Tumayo si Ken at pinuntahan si MJ na kausap ang delivery man. 
“That’s fine. Just keep the change. I’ll talk to your manager to give you a commendation.” Sabi ni Ken sa delivery man. Mukhang masaya ang delivery man dahil may sikat na artistang nakipag-usap sa kanya. 
“Thank you sir. Enjoy your meal.” Sabi ng delivery man. 
Kumain sina MJ at Ken sa blue board room. Mahilig sila sa pagkain at dahil sarado na ang cafeteria, wala silang choice kundi kumain ng fast food. Favorite nila ang lunchbox meal na may large hamburger, large French Fries, large onion rings at kasama pa ang ice tea. Mistulang nasa recess sa school canteen ang dalawa at kapag silang dalawa lang ay parang mayroon silang mundo. Inilabas ni MJ ang listahan ng ipapabilin nina Emma at Ethan. 
"Teka...mmmm...anu ba yan?! Let me do it…" Sabi ni Ken sabay kuha ng papel na may listahan. 
"Bibili sana ng kambal para sa school. Magiging college students na din sila, katulad ng kapatid mong si Kevin. When he starts to study sa University, pagkakaguluhan siya ng mga girls at gays. He's handsome, just like samchon." Sabi ni MJ sabay kain ng french fries.
"That's one thing na ayokong magaya sa'kin ni Kevin. He can do anything, once nakapagtapos na siya sa college but if he wants to join our company then why not." Sabi ni Ken sabay higop ng ice tea.
"What if he has a talent for singing or dancing? He can start a Youtube page. Kapag dumami ang mga subscribers and followers, it can turn to cash. Ang dami nating planholders eh pwede nating i share." Sabi ni MJ.
Pagkatapos kumain ay umalis na sina MJ at Ken saka pumunta sa kanilang sasakyan para puntahan ang kilalang bookstore sa isang kilalang mall para bilhin ang pasalubong nila. Pagpasok nila ay kitang-kita nila ang napakamaraming tao sa bookstore. Buti na lang at may baseball cap si Ken para hindi makilala ng madla. Bumulong si MJ kay Ken sa tenga.
"Saan tayo unang bibili?" Tanong ni MJ. 
Tumingin-tingin si Ken at nakita ang aisle number 5 na para sa mga ballpens at pencils. 
"Dun muna tayo pupunta. Stay close to me at baka maligaw ka. Kabisado ko ang bookstore na yan." Sabi ni Ken kay MJ. 
Nagsimula na silang lumakad papunta sa aisle number 5 habang nagsisiksikan. Karaniwan na sa customers ay pumupunta sa bookstore para bumili ng materials para sa final projects pero nagmistulang mall show sa pagdating ni Ken at mistulang naging security escort si MJ. 
Una sa listahan nina Emma at Ethan ay tig limang ballpens, tig limang markers at tig limang binder notebooks. Bumili din si Ken ng tatlong binders at tatlong ballpens for Kevin. Pagkatapos ay pumila ang dalawa sa isang pila ng mga estudyante. 
"AAAAYYY SI KEN LEE!!!! Pwedeng pa selfie?!" Sabi ng isang student. Natunugan agad ng publiko si Ken na bumibili ng school materials. 
"Ah...sure...bilisan natin kasi may nakapila eh...nakakahiya…" Sabi ni Ken sabay kuha ng cellphone ng student at nag selfie. Matapos mag selfie ay nag thank you ang estudyante sabay umalis samantalang si MJ ay sunod nang nagbayad ng binili nya. Tahimik na lang si MJ habang sumunod naman si Ken para magbayad ng school materials. 
Lumakad agad ang dalawa palabas ng mall saka pumunta sa parking lot para hanapin ang kanilang kotse. Binuksan ni MJ ang kotse saka sumakay ang dalawa. Pawis na pawis si MJ dahil parang hinahabol sila ng mga pulis. 
"Bawal sa'yo yan. Hubarin mo ang polo shirt mo at lalagyan ko ng tuwalya para di ka magkasakit…" Sabi ni Ken. 
Hinubad ni MJ ang kanyang polo shirt at pinunasan agad ni Ken ang likod saka nilagyan ng tuwalya saka sinuot uli ang polo shirt. Alam ni Ken na ang do's and don'ts ni MJ, ganun din si MJ kay Ken. Binuksan at umalis agad ang sasakyan. 
Habang nasa biyahe, sinubukang tawagan ni MJ ang kambal. 
"Hyun Ki, tawagan mo naman ang kambal." Si MJ
"Okay. I'll just get my phone…" Si Ken.
Kinuha ni Ken ang phone at tinawagan si Ethan. 
"Hello? Ethan...o si samchon mo'to. Pauwi na kami...yes...nakabili na kami...oh kain na huh...byebye." Sabi ni Ken saka binaba ang phone.
"Ok na. Bukas mag grocery kasama ang mga nanay natin at ang kambal." Sabi ni Ken. 
"Kamsahamnida." Sabi ni MJ. 
Dahil weekend eh mabagal ang daloy ng trapiko. Ilang minuto lang, papasok na ang kotse sa kanilang exclusive subdivision saka dumating sa kanilang bahay. Lumabas na sila ng kotse, dala ang kanilang mga pasalubong. Umuwi na din si Ken sa kanilang bahay, dala ang mga binili niya para kay Kevin na uuwi na sa Lunes ng gabi.

Comments

Popular posts from this blog

TINTA - Part 9

Welcome

TINTA - Part 8