TOGETHER NA, FOREVER PA - Chapter 11

 Hyun Ki/Ken's POV


Bumangon ako agad mula sa'king mahimbing na pagtulog. Nag-stretch muna ako ng mga braso, hita at tuhod. Binuksan ko ang cellphone ko mat may dalawang messages mula kay MJ. Binasa ko ang messages niya at tawang-tawa ako sa sinabi niya sa'kin thru text.

Ano MJ?!

Pagkatapos kong gawin ang aking "morning routine" ay lumabas na'ko ng kwarto at dumiretso sa dining area, kung saan naroon si Mama, si Kevin at si...Robert?! Seriously?

May mga ilan akong artista at mga VIP people na kumakain sa dining area na hiwalay sa mga maids at drivers. Ito ata ang unang beses na nakita ko ang isang bodyguard na kumakain sa dining area – kasama ang mga naninirahan sa bahay. Kumakain sila ng Java rice, longganisa at seaweed soup na favourite ni Kevin kaya sumali na'ko sa kainan.

Biglang nagsalita si Mama.

"Boys, nagkausap na kami ng Papa nyo..." Sabi ni Mama nang tumingin sa'kin.

"...Ken anak, work-from-home ka muna hangga't hindi tapos ang investigation ng NBI tungkol sa ambush mo...at...pwede bang mag exercise ka muna sa subdivision natin? Tuturuan ka naman daw ni Robert...okay lang po ba yun Robert?" Sabi ni Mama sabay tanong kay Robert.

"Opo madam." Sabi ni Robert.

Shet!!! Ang ganda ng boses ni Robert. Pwede siyang maging radio announcer

"Kevin, sabi ni Papa mo, tuturuan ka naming kung paano mag Tagalog..." Sabi ni Mama kay Kevin.

"Opo eomma/mama. Can I also join Ken and Robert? Robert told you that Ken should do some exercise tuwing umaga. Tama po ba?" Sabi ni Kevin.

To be fair, sinusubukan naman ni Kevin na magsalita ng Tagalog and I can see his efforts. Tinuturuan agad nina Mama at Tita Sally ang mga basics, family terms at pati ang mga condiments sa kusina. Pero sa dami ng ibinilin ni Papa kay Mama, eh bakit nag request sa'kin na mag exercise pa ako sa loob ng subdivision? Mawawala na ang gym membership ko pero for security purposes eh wala akong choice.

Umalis na pala si MJ papuntang opisina kaya nagpalit muna ako ng damit – naka t-shirt, basketball shorts at rubber shoes. Pagbaba ko ay nakita ko agad si Kevin.

"Kuya, tara na." Sabi ni Kevin.

Sumunod ako sa kanya at inakbayan ko agad sa kanyang balikat. Ito pala ang pakiramdam na may younger brother – nakakatuwa na, nakaka inis pa. Paglabas naming ay nakita agad namin si Robert –maskuladong-maskulado ang dating sa kanyang gym apparel.

"Ken...Kevin...tara, walking muna tayo tapos jogging..." Turo ni Robert.

Nagsimula kami ng walking. Habang naglalakad ay nag-uusap kami ni Kevin tungkol sa sarili namin. Para kay Kevin, may connection ang music sa Math. Top student si Kevin from Primary, Middle at High School. Hindi naman pinupwersa ni Papa na maging number one – ang magiging mabuting anak at kapatid ang mahalaga sa kanya. Aaaww

Nagsimula na kaming mag jog. Habang tumatagal eh andaming mga babae at baklang nakatingin sa'min ni Kevin – lalo na kay Robert.

"Aaaawww...ang gwapoooo..."

"Kuyaaahhhh...ang gwaaapppooo...ang hottt!!!"

Yun ang sinasabi ng iba kay Robert – pero si Mr.Bodyguard – dedma to the max.

Pumunta muna kami sa playground at dun nagsimula ang aming exercise. Nagsimula kami sa stretching, squats, sit-ups hanggang sa tinuro kaming mag push-up. Shit!!! Ayoko talaga ang push-up nay an pero si Kevin eh game na game naman. Ako na ang susunod kaya sumunod ako sa tinurong push-up position...

...pero hindi ko talaga kaya.

Dito na nag support si Robert.

"Alalay lang...sige...taas-baba...taas-baba...huwag mong i-puwersa ang sarili mo..." Sabi ni Robert.

"S-s-sige...uuurrgghh...ang...h-hirap pala..."

After ten push-ups ay pahinga muna ako bago uli mag-push up. Habang si Kevin ay gumagawa ng sit-ups. Pahinga muna kami nang tinuro sa'min ni Robert ng pullups gamit ang monkey bars. Honestly, parang nagugustuhan ko na ang workout na yan. Tinanggal ni Kevin ang kanyang sando at ang mga babae't binabae ay nagmistulang nakakita ng masarap na ulam na gusto nilang tikman. 

Mahilig pala sa basketball at gym si Kevin – kahit nasa South Korea pa siya nakatira. Maganda ang hubog ng kanyang katawan, malapad na balikat, namumutok na masel at braso, sakto ang kanyang dibdib na ang mga utong ay masarap kagatin. Yung totoo Kevin – gusto mo ba talagang maging artista o porn actor?

Pagod na pagod na kaming tatlo kaya humiga na kami sa ilalim ng punong kahoy. Pagod pero masaya dahil nakakapag bonding na kami ni Kevin samantalang si Robert ay hinahabol ng mga babae. Sarap sigurong sabuyan sila ng bleach o alcohol para tumigil sila.

"Ken, nag-enjoy ka ba?" Tanong ni Robert at tumango lang ako.

"Pero nakaka-pagod...as in sobra...p-peroooo masaya...gawin natin yan huh..." Sagot ko habang pinupunasan ko ang aking katawan ng tuwalya nang may nagtanong si Kevin.

"Ahh Kuya, what is 'sobra'?" Tanong ni Kevin.

"Sobra means 'super'"

"Ahh...gamdogja (sobra}!!! " Sabi ni Kevin.

"Ken...Kevin basta every Monday-Wednesday-Friday. Bawal yung araw-araw dahil ang ating katawan ay dapat may pahinga...." Sabi ni Robert.

Ganun ba talaga sa security agency? Dapat lahat ay athletically fit at bawal ang chuuby? Kung sabagay ay tama naman. Paano kung may magnanakaw at kailangang habulin kaso kabagal tumakbo dahil sa lumulobong tiyan? Eh di wala din. So okay na rin si Robert sa'min.

Bodyguard na.

Fitness coach na.

Fitspiration pa.

Alas nuebe ng umaga nang bumalik kami sa bahay. Pawis na pawis kaming tatlo ay pagdating ay sinermunan kami ni Mama at sinabing maligo para magpalit ng damit. Of course naligo agad ako at nagpalit ng damit. Habang nagpapahinga ay binuksan ko ang aking Macbook para tignan kung may mga emails mula kay Celine. Gosh I miss my work in the office – nang dahil sa lecheng Sandra na yan. May mga emails mula sa mga General Managers. Hanggang ngayon ay may kumpetisyon pa din ang mga Assistant at General Managers para maging Provincial at Regional Managers ng JH Insurance.

Kinuha ko ang laptop kasama ang charger saka bumaba sa dining area para makapag trabaho. Nag send na lang ako ng email sa lahat ng mga General at Assistant Managers na gawin ang trabaho nila. Biglang dumating si Kevin at nagpapaturo sa'kin ng Tagalog expressions. Sa una ay nahihirapan si Kevin pero nasasanayan din naman ang binata. Mabuti na lang at naka break sina Emma at Ethan sa kanilang graduation exercises kaya ginawa nilang tambayan ang bahay ko – dahil kay Kevin.

DING-DONG!!! DING-DONG!!!

Tumunog ang doorbell kaya pumunta si Lydia at pinagbuksan ang pinto.

Isang pamilyar na tao ang bumulaga sa'kin.

"Kamusta Ken." Sabi ni Lady M at may kasamang lalaking medyo mataba ang tiyan, malaba at malago ang buhok at nakasuot ng jet black framed eyeglasses.

Tumayo muna ako para salubungin si Lady M at yung kasama niya. Pinaakyat ko muna si Kevin at yung kambal sa kwarto nila dahil may pag-uusapan kaming importante. Binigyan namin silang tig-isang baso ng mango juice. Dumating na din si Mama at si Tita Sally.

"Ken, I want you to meet the great TV and Film Director Hong Yong-sun..." Sabi ni Lady M kaya nag bow ako sa kanya at nag bow naman siya sa'min.

"ken, dangsin-eun eodum-ui suhoja daesim-ui juyeog-e wanbyeoghabnida. i yeonghwaneun segye yeoleo yeonghwajee jechul doel yejeong-ibnida.(Ken, you're perfect for the lead role of Daeshim, the dark guardian. The film will be submitted to several film festivals in the world.)" Sabi ni Director Hong.

Hala!!! May film project ako at isasali sa film festivals? Gosh!!! Ito na ba ang hinihintay ko?!

"Okay so saan kukunin ang pelikula?" Tanong ko.

"Sa Seoul kukunin ang buong pelikula. Sabi ni Director Hong ay nabuo na ang mga supporting cast. May isang Pinoy actor na kasama dun – si Leo Domingo..."

My gosh!!! Bakit si Leo pa?

"...at baka ito na ang pagkakataon mong magkaroon ng lead role sa pelikula. Ilang beses na gumawa ka ng mga supporting roles at minsan nauungusan mo pa ang mga lead actors sa pag arte. Now it's your time to shine." Sabi ni Ken.

Tumahimik muna ako at tumayo saka nag-iisip kung tatanggapin o hindi.

"abeojineun eotteohseubnikka? naega geuege mueos-eul malhal geos-inga? (What about my father? What will I tell him?)" Sabi ko kaya sumagot agad si Director Hong.

"appa, samchon hajun, geuligo gajang chinhan chingu minjun-egedo iyagihaessseubnida. geudeul-eun modu-i peulojegteue dong-uihabnida. (I've talked to your dad, your uncle Ha Joon and even your best friend Min Joon. They all agree to this project.) Sabi ni Director Hong.

Sa huli, pumayag na 'kong gawin ang pelikula basta sasama sa South Korea si Robert at pumayag naman si Mama at gomo/tita Sally. Binigay nila sa'kin ang buong script para basahin at paghandaan. Dapat daw ay umalis kami ni Robert ng bansa sa twenty-seventh ng April at magsisimula ng production at shooting sa May. Kung kelan may film project ako saka ko naman iiwanan si Kevin kina Mama at gomo/tita Sally. 

Pinaalam ko na din kay MJ na pumayag na'ko sa hiling ni Director Hong na gawin ang pelikulang "Dark Guardian" na gagawin sa South Korea at pinahintulutan kong sumama si Robert sa'kin papuntang South Korea. 

"Ay...mian haeyo (I am sorry) kasi kaming tatlo ni appa/papa at ni samchon/tito ang pumayag. Magaling at mahigpit si Director Hong kaya siya mismo ang lumigaw sa'min na kunin siya sa film niya..." Sabi ni MJ sabay inom ng isang shotglass na may soju.

So nagsanib puwersa ang tatlo para umoo ako?

"Iba ka talaga chingu (friend) ano?! Sa lahat ng film projects eh bakit sa South Korea ko pa gagawin?! Sayang at hindi ko na sasamahan si Kevin sa kanyang first day of school sa bansa."

*Sabi nina appa/papa, this film project serves as a diversion, since mainit pa ang mga balita sa'yo. Just focus on your work. May laptop naman kaya pwede mong gawin ang office work mo sa bahay ni samchon..." Tinigil ko ang pagsasalita ni MJ.

"So titira muna kami ni Robert sa bahay ni appa/papa?"

"Yes Ken. Doon ka muna titira para tipid sa accommodation sa hotel." Sabi ni MJ.

Pinuntahan sila nina Mama, gomo/tita Sally at Kevin para pag-usapan kung saan i eenroll ang bunso kong anak. Sabi ni ajumma/tita Sally eh sabay-sabay na din sila nina Emma at Ethan na mag enroll sa Maharlika University since susunduin naman sila ni Mang Sonny, bagong driver ni MJ.

"Eomma, g-gusto kong kunin ay Computer Science so I can work for your company as an IT Worker. I apologize but kelan ng bagong IT system para sa mga employees ng company. Sir I mean samchon/tito MJ...what do you think?" Sabi ni Kevin.

"Let's see first. Sumama ka bukas sa office and we will visit the IT Department..how it works and what are your suggestions...but for now eh mag practice ka muna ng Tagalog. Bukas akala ng mga empleyado eh may artistang bibisita sa building..." Sabi ni MJ sabay tawa kay Kevin.

Biglang nagsalita si gomo/tita Sally.

"Since dun sa titira sa South Korea eh baka maloka ka kung saan ka pupunta..."

What do you mean by that?!

"Uhh...tita, anong ibig nyong sabihin?"

"Basta humanda ka na lang. Ikamusta mo'ko kay Ha Joon at sa tatay mo huh...pag sila magkasama ay parang mga bata eh hahaha!!!" Sabi ni Tita Sally.

Malamang best friends sila so lagi silang magkasama noh!!!

Kinabukasan, nagpunta kami ni Robert sa YG Security upang mag file ng indefinite leave of absence dahil kasama ko siya papuntang South Korea, with the permission coming from samchon/tito Ha Joon at kay Dad.

"Uh finile na po yun sa amin nina Mr.Kim at Mr.Lee ang indefinite leave si Robert. Sa katunayan ay pina process namin ang Korean visa kaya pwede na po siyang sumama sa'yo." Sabi ng isang staff ng YG.

Pagkatapos nun ay umalis kami. Si Robert ang nag drive sa'min.

"Sir Ken...salamat po talaga sa inyo at sasamahan ko po kayo sa South Korea. Kakahiya naman kasi titira ako sa bahay ng pamilya mo..." Sabi ni Robert. Isang Sir Ken ka pa dyan.

"That's okay. Para tipid ka na din sa accommodation at mas mapoproteka mo'ko. Imbyerna lang kasi dun dahil kasama sa pelikula ko yung bwisit na yun. Haist."

Bago umuwi ng bahay ay bumili kami ng dalawang plane tickets papuntang Seoul. Gusto ni Robert ay Economy Class pero dahil ayokong mawalay sa bodyguard ko ay naka Business Class kami.

Sabi nga nila ay kay bilis ng panahon. Sa araw ng Graduation Day nina Emma at Ethan ay nandun kaming lahat. Naka convoy naman kami ng Sison twins papuntang PICC dahil dun gagawin ang Commencement Exercises. As usual, uuwi ang kambal na napalilibutan ng ginto dahil sa mga awards at medals...teka, mas marami silang medals kaysa sa'min ni MJ noon?!

Kumain kaming lahat sa Randy's at dahil marami kaming kasama - kasali sina Robert at Arthur ay tiyak bibigyan kami ng discount. Binigyan naman kami ng 20% discount pero para kina Emma at Ethan.

April twenty-seventh ay umalis na kami ni Robert ng bahay papuntang NAIA Terminal 3 with Flight Number KE622 from Manila to Seoul. Sinamahan kami ni Mama at ni Kevin.

"Kuya, ingat po kayo. Take a video once you arrived sa Seoul." Sabi ni Kevin.

"Salamat Kevin. Please take care of our eomeoni/mother at mag aral nang mabuti..." Sabi ko sabay yakap sa kanya saka tumingin ako kay Mama na umiiyak na.

"Basta mag-iingat kayo huh. Alagaan mo sarili mo..."

"Yes Ma"

Dahil punctual-mode si Robert ay nag check-in na kami at ilang oras pa ay for departure na ang eroplano namin. Pagkadating namin ni Kevin ay inihatid kami sa aming assigned seats. First time na makasakay ng eroplano si Robert kaya kinakabahan. Gosh.

"Sir..." Sabi ni Robert.

"Ken. Ken na lang huh. Huwag mo na'kong tawaging 'Sir' dahil isang 'Sir' mo pa..."

"Ahhh...K-Ken pasensya na. First time kong sumakay ng airplane..."

"Ahh...3 hours and 45 minutes ang flight time natin at isang oras lang ang pagitan...basta relaks ka lang."


INCHEON INTERNATIONAL AIRPORT
4:37 p.m

Land of the Morning Calm
Welcome Home!!!

Nagbago na ang Incheon Airport kumpara sa dati nitong itsura. Nagtutulak si Robert ng aming mga bagahe samantalang lingon ako nang lingon kung sino ang sasalubong sa'min nang may lumalakad sa'min na dalawang lalakeng naka suit and tie at nag bow sa'min.

"Master Hyun Ki...Robert...kami po ang mga bodyguards ng mga Kim at Lee. Welcome back." Sabi ng isang bodyguard.

Kinuha nila ang mga bagahe namin at sumakay sa isang Korean luxury sedan na masyadong mahal sa Pinas. Kilala nila si Robert dahil siya ang magsisilbing personal bodyguard ko. Umandar na ang aming sasakyan at sa sobrang bilis ay baka ma ticketan ka ng pulis o traffic enforcer. 

"Ken, dito pala kayo nakatira. Bakit mukha siyang subdivision?" Tanong sa'kin ni Robert.

"Ako din eh."

Umunsad ang kotse paakyat patungo sa'ming bahay. Napapansin ko ay nasa bangin ata kami o nasa bundok.

SHIT!!!! MAY NAMATAY NA BA DITO?

Naging Baguio ata ang daan dahil sa puro zigzag na mga daan hanggang sa nakita ko ang isang mansyon sa tuktok ng bundok o burol or whatever. Parang kinopya nito ang disenyo ng isang kilalang lugar sa Maynila. Tumigil ang sasakyan. Binuksan niya kami ng pinto at naghihintay sa'min sina Papa at samchon/tito Ha Joon - parehong maputi ang mga buhok, medyo mataba ngunit malaman ang kanilang mga katawan.

Nag bow kami pero niyakap kaming dalawa.

"Welcome Home son...Robert..." Sabi ni appa/papa.

"Welcome back men. Payakap nga hehehe..." Sabi ni samchon/tito Ha Joon.

Kumpara sa dalawa, mas jolly si Ha Joon habang mas seryoso si Jung Hwa o si Papa. Para ata silang perfect combination. Aww...ang sweet.

Kinuha nila ang mga bagahe at inilagay sa mga kwarto nila. Nasa ground floor si Robert habang nasa second floor sa kanan ang akin.

Naku Papa. Anong nakain mo at nagpatayo kayo ng bahay sa tuktok ng bundok?

"Noon pa namin naisip ni Ha Joon na magpatayo kami ng mansion sa tuktok ng bundok. Noong panahon na yun ay mura ang bili namin sa property so we save a lot in order to build our home hanggang sa lumago ito at nagmahal..." Sabi ni Papa na sinegundahan ni samchon/tito Ha Joon. 

"...pero kung ikukumpara mo sa mga bahay sa South Korea ay mas magarbo ang sa kanila. We have a mansion build like a traditional one but it's modern and homey inside. Nakita ko na ang mga apo ko. Aba, mag college na siya." Sabi ni Ha Joon.  Malamang Tito. Ala namang babalik sila sa Grade One. Haist.

Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang kwarto ko na parang nasa Amazon forest dahil sa mga kagamitan - mula sa four poster bed hanggang sa closet hanggang sa common toilet and bath na paghahatian namin ni Kevin.

"So...do you like your room?" Tanong ni Papa kaya hinagkan ko ito at inakbayan sa balikat niya.

"Appa, sobra sobra ito. Salamat."

Bumaba kami para salubungin kami nina Ha Joon at Robert. Jusko naman Robert, parang nasa Disneyland ka ata. Pumunta kami sa dining area para kumain. Pinakain ko kay Robert ang ilang Korean dishes. Habang kumakain ay pinag-uusapan nila ang tungkol sa pelikula ko, sa ambush at kay Kevin.

"Jung Hwa, hayaan mo na yung bata. Eh sa magaling kumanta at gwapo pa eh." Sabi ni samchon/tito Ha Joon.

"Okay na sige na. Eh ano bang kukunin niya sa college?" Tanong ni Papa at nung sinabi niyang Computer Science...

"Seriously?! Eh bakit Computer Science?" Tanong ni Papa.

"Sumabay kasi si Kevin kay MJ sa office at pumunta sa IT Department. JH Insurance Philippines will be the most advanced data analysis and information sa bansa. Pinakilala ni MJ si Kevin sa Head ng IT Department and Staff. Pag nagkataon, tayo na ang pinakamalaki at pinaka advanced insurance company in Asia at sa buong mundo."

Hindi ata sila handa sa JH Insurance Philippines version 3.0 dahil kay Kevin. Alam kong kaya ni Kevin yun at I'm sure, kokopyahin nila ang data gathering, security and information systems ng kumpanya.

Naku po at ilang tulog na lang ay magsisimula na ang shooting ng pelikula ni Director Hong. Since ito na ang huling pelikula ko ay ifofocus ko muna sa film.

Ken Lee...AJA!!!


Comments

Popular posts from this blog

TINTA - Part 9

Welcome

TINTA - Part 8