TINTA - Part 9

Nakaupo na lang si JD sa likod ng sasakyan habang nasa harapan si Dustin. Binigyan niya ng isang bote ng mineral water galing sa kanyang bag at iniabot nito kay JD. Nakikipag usap si Uncle Nick sa mga taga NBI para imbestigahan kung paano nakuha sa simbahan ang bangkay nina Alex at Fr.Rico.

Nakatingin na lang si JD sa bintana ng sasakyan. Pagod na pagod ang mukha at katawan. Hinawakan ni Dustin ang tuhod ni JD at hinihimas nito.

"JD, pagkatapos ng mga taga NBI kay Uncle, uwi na tayo. Siguro naman bibigyan nila ang unibersidad ng mas mahigpit na pagbabantay. Baka may nakapasok ditong magnanakaw o masamang tao..." Sabi ni Dustin nang tumingin si JD sa mga mata nito.

"Insan, unti unting namamatay ang mga kaklase natin. Wala naman akong ginawa sa kanila na masama di ba?!..." Tanong ni JD.

Bumaba si Dustin at pumasok sa loob ng sasakyan upang tabihan ang pinsang naging puno't dulo ng lahat.

"Eh wala ka namang kasalanan eh. Hindi ka naman nagpa tattoo sa Janus na yun. Namatay sila dahil may ginawa silang pagkakamali. Ang mga buhay nila ang kapalit, because of their decisions. Hayaan mo na..." Naputol sa pagsasalita si Dustin nang isiniwalat ni JD ang totoong nangyari sa simbahan at sa totoong pangyayari sa pagpatay ng magkasintahang sina Alex at Fr.Rico.

Habang nagmamaneho si Uncle Nick ay hindi niya makapaniwala sa nangyari kay Alex at Fr.Rico. 

"Okay, let's say that you know the whole truth. Paano mo sasabihin yan sa mga awtoridad? Na nakita mo ang lahat through your dreams? Baka kinulong ka nila sa mental institution..." Sabi ni Uncle Nick at kinontra naman ni Dustin.

"Uncle, may point ka pero may babala na mag ingat tayo kay Nathan. I mean nasa second sem na pero ni isang anino ni Nathan eh hindi nagpakita sa school..." Wika ni Dustin sabay tingin kay JD.

" .. sa kwarto natin yan pag-usapan JD." Sabi ni Dustin nang binanggit ni JD ang isang titik

"MO...MO...MO...isang titik na lang...isang titik na lang..."

Nasa kwarto sina JD at Dustin. Kinausap nila sina Ty, Liz at Winnie sa video call at kinuwento ang nangyari sa simbahan.

"Okay so based sa panaginip mo, may tattoo si Alex...anong letra naman yan?" Tanong ni Ty.

"MO..." Sagot ni JD habang nagsusulat si Winnie sa papel. May homework siyang tinatapos. Pagkatapos nito'y pinakita niya sa kanila ang pagkaka bigkas ng mga letrang ilang linggo niya itong sinasanay.

"MA-TA-YA-N-MO...matayan mo...but there's one more letter..." Sabi ni Winnie.

Biglang nagsalita si Liz.

"Guys, dapat talaga tayong matakot kay Nathan. Hindi natin alam kung anong gagawin niya. Baka balikan ka nya...b-baka...b-b-baka..." Kaya pinutol ni Dustin ang pagsasalita ni Liz.

"That's why we prepare. I'm sure mas hihigpitan ang security ng school. Baka isang araw, pumasok dito si Nathan." Sabi ni Dustin.

Dahil sa kapaguran ay naisip ng mag-pinsan na matulog na lang sila. May PE-2 class pa ang dalawa at magandang pagkakataon iyon para mag swimming sa university pool.

November 29, 2019
Friday
3:00 a.m
Verona Residence

Nakahiga si Nathan sa kanyang kama habang nakatingin sa kisame. Pagod na pagod ang kanyang katawan dahil sa mga pangyayari. Hindi niya kayang patayin ang mga kaibigan niya o ilagay sila sa alang-alangin.

Pero nagawa niya ito.

Nagpapatay-sindi ang mga ilaw ng kanyang kwarto sabay dating ng malamig na simoy ng hangin. Naririnig nito ang yabag ng paang naglalakad sa sahig.

Saka narinig niya ang boses ng tila galing sa kabilang buhay.

"Bata, pwede ko bang hiramin ang katawang lupa mo? Kailangan ko lang bumalik sa unibersidad na pinapasukan mo...sige na...magugustuhan mo ito..." Tinig ng boses na galing sa kabilang buhay.

Nawawalan na ng bait si Nathan sa kanyang sarili.

"Tigilan mo na'ko!!! Get away from my body!!! Because of you, nagawa kong patayin si Alex. Patahimikin mo na ako!!!" Galit na sabi ni Nathan habang nakikinig sa kanya si Janus o Sitan.

"Pero gusto mong bumalik di ba??!! Pero marami kang nakatikim ng putahe - lalake, babae, bakla, tomboy. Ayaw ng kaluluwa mo pero gusto ng katawan mo HAHAHA..." Muling narinig ni Nathan ang malamig na boses ngunit ito'y galing kay Sitan.

Galit na galit si Nathan kaya sinubukan nitong bumangon pero sa isang kumpas ng kamay ni Sitan ay napatigil niya ang katawan ni Nathan at nakagapos ang mga kamay at paa nito. Tumayo si Sitan kay Nathan at nagsalita ito:

"Gusto mong kontrolin ang iba, dahil para sa'yo...sikat ka...matalino ka. Nakahanap ka mismo ng katapat. Ngayon, hawak ko ang kaluluwa mo...HAHAHAHA!!!"

Ibinuka ni Sitan ang bunganga ni Nathan. May inilabas na test tube na naglalaman ng itim na likido at isinalin iyon sa bunganga ni Nathan. Nagpupumiglas ito at parang nasusunog ang katawang lupa nito. Biglang nalagutan ng hininga si Nathan at nawalan ng buhay.

Pinagmasdan lang ni Sitan ang katawan ng mortal saka naglaho nang parang bula. Nakapikit ang mga mata ni Nathan at hindi na gumagalaw ang mga kamay at paa nito.

7:45 a.m

Gumising si Nathan na kakaiba ang hitsura nito. Ngayon ay kulay pula na ang mga mata nito - kasing pula ng dugo. Ni isang boses ay walang lumabas mula sa kanyang bibig. Animo'y naaagnas na ang katawan nito. Kaagad itong pumunta sa closet niya't nagbihis. Itim na jacket, itim na skinny tight jeans at itim na rubber shoes. Kumuha ng razor at nag-shave ng buhok. Semi kalbo na ang look nito.

Pagkakita sa salamin ay mukha ni Nathan ang kanyang nasisinayan.

"Mamatay kayong lahat. 
Mamatay kayong lahat. 
Juan Diego Alfonso, dadalhin kita sa impyerno kung saan ka nabibilang." Sabi ni Nathan ngunit boses niya ito ay boses ng ibang kaluluwa.

Kaluluwa ng taong gustong maghiganti...
Mula sa kabilang buhay.

10:30 a.m
PE-2

Maagang nagpalit ng damit sina JD at Dustin sa Men's Room. Napapansin nilang dalawa na wala nang gumagamit sa dating shower at locker ni Joshua.

"Malas na lang ang mga classmates natin kapag na late sila ng klase - mukhang mawawala pa ata sila ng pwesto sa locker at shower." Sabi ni Dustin habang naghuhubad ng kanyang suot.

"At least maaga tayo. Pero kapag..." Sabi ni JD nang may biglang narinig na nagsisigawan sa labas ng Men's Room kaya agad na nagbihis si Dustin.

Paglabas nila sa Men's Room ay nagulantang sila sa kanilang nakita. Ang malinaw na tubig sa swimming pool ay naging pula. Nagsisigawan ang mga tao sa ospital, nagbubukas nang kusa ang mga pinto. Nakatingin lang si Dustin sa paligid. Ito ang unang beses na naranasan ng binata ng mga eksenang hindi nya maipaliwanag. Lumingon si JD at nabigla siya sa kanyang nakita

"JD, tara na...pumunta tayo sa office ni Uncle...JD? JD!!! JD huy..." Sabi ni Dustin kay JD na parang may nakikita.

Nakikita ni JD si Nathan na naglalakad nang dahan-dahan papunta sa kanya. Ang katawan ni Nathan ay nababahiran ng dugo sa kanyang mukha't katawan. Puno ng sugat sa braso, kamay, binti, siko at balikat. Habang papalapit si Nathan sa kinaroroonan ni JD ay naamoy na parang nasusunog na laman. Lumuluha ito pero imbis na tubig ay dugo na nagmumula sa mga mata nito.

"Nandito na siya...nandito na siya..."

"Sino?" Tanong ni Dustin.

"Si...si...si Nathan..." Sagot ni JD.

Kaya nagsimulang tumakbo ang dalawa papunta sa main building habang nakikita ang mga estudyante na lumalabas at sumisigaw. Ang mga salamin ng mga bintana ay binabasag at tumama sa mga katawan ng mga guro't estudyante. Pagdating nila sa main hall, nakita nila sina Winnie at ang mga sugatang sila Ty at Liz. May sugat si Ty sa kaliwang braso at kanang binti samantalang sa mukha naman nagkasugat si Liz.

"Guys, what's goin' on here? I'm so late sa first class ko..." Si Winnie.

"Naku guys, biglang may binasag ang mga salamin ng classroom namin. Eh tao lang ang pwedeng gumawa nun..." Sabi ni Ty saka inilabas ni Liz ang kanyang cellphone upang ipakita kina JD at Dustin ang mga nangyari.

Makikita sa cellphone video na may nagbasag ng mga salamin at sumara ang mga pinto ng classroom. Ang mga estudyante naman ay nagtakbuhan ngunit ang mas nagtataka ay ilang mga estudyante ay lumulutang at inihagis.

"Naku naman...akala ko ba tapos na ang Halloween? Eh bakit may ganito? Naku natatakot na ako..." Sabi ni Liz.

Tumingin uli si JD sa main hall. Parang may kutob ang binata kung sino ang gumagawa nito.

"Dustin, pumunta tayo sa Director's Office...kay Dr.Granados..." Sabi ni JD pero pinigilan nito ni Dustin.

"Huh?! Eh bakit tayo pupunta dun?" Kaya kinuha ni JD ang braso ni Dustin at pumunta sa loob ng main hall.

Tumakbo ang dalawa papunta sa kinaroroonan ni Dr.Granados ngunit sa pagdating nila ay pumasok sila sa opisina. Nakita nila ang duguang katawan ni Dr.Granados habang kinakain ni Nathan ang puso ng University Director. Tumayo si Nathan sa harapan nina JD at Dustin. Ngayon nakita ni Dustin na buhay si Nathan.

Sinigawan ni Dustin si Nathan pero lumutang si Dustin at inihampas sa dingding nito pero kitang-kita pa din kung anong ginawa ni Nathan kay JD. Sinakal nya ito at lumutang sa ere, saka humampas sa dingding. Nagkaroon ng sugat si Dustin at malabo na ang kanyang paningin, pero kitang-kita niya kung anong nangyari kay JD.

"Insan..." Sigaw ni JD kaya pinuntahan niya si Dustin pero pinigil ni Nathan ang mga kamay at paa nya.

Gamit ang kaliwang kamay ni Nathan ay sinakal nya si JD habang lumulutang sa ere, saka nawalan ng malay si Dustin.

"Dustin...Dustin..."

"Patay na ba si Dustin? OMG!!!"

"Shunga, buhay pa yun...uy Dustin..."

Bumubukas ni Dustin ang kanyang mga mata. Naririnig nya ang boses ng mga tao sa Director's Office. Sinubukang tumayo at tinulungan nina Uncle Nick at Winnie saka umupo. Pilit inaalala ang mga huling beses pagkatapos mangyari sa opisina. Binigyan ni Liz ng isang basong tubig si Dustin at ininom nito.

"Dustin...ok ka na ba?" Tanong ni Uncle Nick.

"Uhh...uhh...s...si...si JD...asan si JD..." Sabi ni Dustin kaya sumagot si Winnie.

"Kinuha siya ng isang ghost...or demon...or whatever...andun siya sa sixth floor ng main building...yung may malaking tree?" Sagot ni Winnie kaya sinubukang tumayo ni Dustin.

"Sige, sasama kami pati si Prof...baka patayin yung demonyong yun. TARA NA." Sabi ni Ty.

Tinulungan nina Uncle Nick at Winnie si Dustin papunta sa sixth floor ng main building. Sumama din sina Ty at Liz kay Dustin. Mas kagimbal-gimbal ang kanilang dinatnan pagkalabas ng opisina dahil daan-daang katawan ang nakahandusay sa sahig habang ang mga dingding ay napinturaan ng dugo ng tao.

Binalot ng katahimikan ang buong gusali. Ilang mga empleyado ang ginagamot ng mga nurses kaya nag atubiling umakyat sila sa hagdan. Takot na takot si Liz sa mga nangyayari.

"Gosh!!! So creepy!!!" Sabi ni Liz kaya sinaway siya ni Ty.

"Ang daldal mo talaga...tulungan mo na lang si Dustin..." Sabi ni Ty nang may kumalabit sa kanyang likod. Lumingon nito at nakita nya ang duguang kaluluwa ni Gabriel na may itinuturo nito. Nakataas ang kanyang kanang kamay at itinurok palusong.

"Aahhh...aahh...prof tara na...ba...baka may makita pa tayo dito...ayoko na..." Takot na takot na sabi ni Ty at nagpatuloy sila sa pag akyat.

Pagdating nila sa sixth floor ay nagmistulang horror house na ito dahil sa daan-daang mga multo naglalakad sa iba't ibang bahagi ng palapag. Nakikita ni Dustin ang higanteng puno at nakahandusay ang katawan ni JD habang nakatingin sa kanya si Nathan - ngayon ay gutom na gutom nang kumain ng puso ng tao.

Nang makita ni Dustin ang ginagawa ni Nathan kay JD ay sumigaw nito.

"NATHAN DEMONYO KA!!! BITIWAN MO SI JD!!!" Galit na galit na sabi ni Dustin kaya tumakbo ito papunta kay Nathan at susuntukin niya ito pero hinigpitan ni Nathan ang kamay ni Dustin saka sinakal nya ito sabay lumutang sa ere. Kahit wala siyang lakas ay nagsalita si Dustin.

"ANO BANG GUSTO MO HUH?! ANO BANG KAILANGAN MO KAY JD HAYOP KA!!!" Tanong ni Dustin at binigyan siya ni Nathan ng isang malutong halakhak.

"HAHAHAHAHAHAHA...DAHIL KAY JD, HINDI NA AKO BOSS SA SCHOOL. DAHIL SA PESTENG PARING YAN AT KAY DR.GRANADOS, TANGGAL NA'KO SA SCHOOL..." Sabi ni Nathan kaya inilapit niya si Dustin na nakalutang sa ere at mas hinigpitan ang sakal sa leeg nito.

"...KAYA ANG BUHAY NG PINSAN MO ANG KAILANGAN KO PARA MABUHAY AKO AT MAKABALIK AKO SA SCHOOL...AT ISASAMA DIN KITA..." Sabi ni Nathan.

Kinuha niya ang katawan ni JD, sinakal saka pinalutang niya ito sa ere. Pantay na sina JD at Dustin dahil hawak nila si Nathan sa kanilang mga kamay. Naklta niya ang higanteng puno. Nakaisip siya ng magandang paraan.

"Nathan, wag mong saktan ang mga pamangkin ko!!!" Sigaw ni Uncle Nick pero nagpapigil si Nathan.

"HULI NA ANG LAHAT!!! SABAY SILANG MAMAMATAY!!! MAGPAALAM KA NA SA MGA PAMANGKIN MOOOOOO..." Sabi ni Nathan hanggang sa nakaramdam nito ng panghihina. Pinakawalan niya sina JD at Dustin saka napahiga sa sahig. Diniligan ni Fr.Russell si Nathan ng Holy Water na tumilamsik sa katawan nito.

"Prof.Acevedo...guys, hindi na yan si Nathan. He's possessed by the devil..." Sabi ni Fr.Russell na kanina pa nakabantay sa sixth floor bago dumating sina Dustin.

Kinuha ni Fr.Russell ang dalawang Bible saka itinali nina Uncle Nick at Ty si Nathan sa mga kamay nito sa railings. Binigay ng pari ang isang Bible kay Winnie at Liz saka nagsimula ang exorcism para mapaalis na ang demonyong nasa katawan ni Nathan habang hinang-hina pa din sina JD at Dustin.

Nang gumising si JD ay nakita nya si Nathan pero iba ang hitsura - malinis, maayos at nakasuot ito ng puting damit.

"N...Na...Nathan??!!!" Sabi ni JD habang si Dustin ay biglang bumangon at tumayo. Nakatingin sila sa bagong anyo ni Nathan - ibang-iba sa hitsura bago ito sinaniban ng demonyo at kinontrol ang mga kaibigan nito.

Dumating din si Sitan.

"Sino ka?" Tanong ni Dustin kaya nagpakilala si Sitan sa kanya.

"Si JD...ako...nasaan kami? Patay na ba kami?" Tanong ni Dustin kaya sinagot nito ni Sitan sa makabagong wika.

"For the record, hindi pa kayo patay. Nasa harapan nyo ang totoong kaluluwa ng binatang nasa harapan nyo. Isa pa, hindi pa sinusundo ni Sidapa, yung Bathlala ng Kamatayan papuntang langin o impyerno - better known as Kasamaan." Sabi ni Sitan saka pinakita niya ang marka ng tattoo sa dibdib nito na ang ibig sabihin ay "KA" 


"KA-MA-TA-YA-N MO...kamatayan mo? Anong ibig mong sabihin?!" Sabi ni JD.

"While there's an exorcism sa itaas, nawalan kayo ng malay, huminto ang tibok ng puso. Patay na kayong dalawa. But dahil hindi ka nagpa tattoo sa Alpha Omega, nakaligtas kayo sa sumpa ko...because of this, babalik kayo sa inyong mga katawan pero bibigyan ko kayo ng tattoo sa inyong mga likod...na hindi kayo sasaktan ng ibang demonyo o engkanto o whatever kaya tumalikod kayong dalawa..." Sabi ni Sitan sa kanila.

Tumalikod ang dalawa at tinatakan ni Sitan ang mga likod nila, gamit ang wikang Baybayin. Pag talikod nila ay sinabi ni Sitan ang isang biyaya kaya nagtanong agad si Dustin.

"Eh sir, ano bang nilagay mo sa mga balikat namin?" Tanong ni Dustin at isang sagot mula sa Bathala ng Kasamaan ang nagpayanig sa kanilang dalawa na magbabago sa kanilang pagsasama.

"Ikaw Dustin ang bagong Sidapa, ang Bathala ng Kamatayan..." Utos ni Sitan kay Dustin.




"at si JD ang bagong Libulan, ang Bathala ng Buwan...ipinasa ko sa inyo kaluluwa ng dalawang bathlala...HAHAHAHAHA..." Halakhak ni Sitan at nagtinginan sina JD at Dustin. 


Gumising nang sabay sina JD at Dustin na pagod na pagod ang katawan at kaluluwa. Nakita nila ang mga pulis at wala na ang katawan ni Nathan na nakagapos sa railings. Nakita nilang isinilid ang katawan ni Nathan sa cadaver bag. Tinulungan sila ng mga nurse at pumunta sa bakanteng classroom, kung saan naroon sina Ty, Liz at Winnie habang kinakausap nina Uncle Nick at Fr.Russell ang mga pulis.

"Akala ko patay na kayo. Thank God…" Sabi ni Liz sabay yakap kina JD at Dustin. 

"P-patay na kami? Ahh...si Uncle?" Tanong ni JD. 

"Kausap niya ang mga pulis. Nathan's dead. Tama si Fr.Russell. Ang alam natin, kasama natin si Nathan but in fact, he's possessed or isinangla ang kanyang soul to the devil." Sagot ni Winnie. 

Tumingin si JD at nakita niya si Nathan na masayang masaya dahil makakasama na ang tunay niyang mga magulang sa langit. Samantala, dumating si Fr.Russell sa classroom para kamustahin ang mag pinsan. 

"Base sa records, inampon lang pala si Nathan ni Hilario Verona. His biological parents were killed by Verona sa ambush. He sold his soul to the devil, which is why he's violent. Pagkatapos ng imbestigasyon, magkakaroon tayo ng misa at basbasan natin ang buong school." Sabi ni Fr.Russell sa mga estudyante nang biglang sumakit at humapdi ang likod nina JD at Dustin. 

"Ahhh...aaaahh...ang sakit...aahhh...ang hapdi...uncle…" Sigaw ni JD. 

Nagpupumiglas ang dalawa kaya tumalikod sina JD at Dustin saka hinubad ang kanilang mga t-shirt. Nabigla sina Uncle Nick, Fr.Russell, Ty, Liz at Winnie sa nakitang mga tattoo sa kanilang mga likod. 

Alam na alam ng mga estudyante ang mga titik ng mga nakamarka sa mga likod nila…

Silang lima lang ang nakakaalam.
Sina JD at Dustin lang ang tunay na nakakaalam.

Comments

Popular posts from this blog

Bedroom with my Stepbrothers - CHAPTER 4

TINTA - Part 8

Bedroom with my Stepbrothers - CHAPTER 1