Posts

TINTA - Part 7

Image
Nagsidatingan ang mga magulang ng dalawang estudyanteng nawawala. Mabilis silang naglakad papunta sa opisina ng University Director. Pagpasok nila sa loob ay sinabihan nila ang kanilang University Director na si  Dr.Ernesto Granados, PhD . "Misis, ginagawa po namin ang lahat para mahanap ang mga anak po ninyo. Ipinaalam po ba nito sa mga pulis?" Sabi ni Dr.Granados. "Ni-report na namin yan sa mga pulis at mga taga NBI pero until this day, wala pa ding balita. Magsasalita kami sa media at idudulog namin yan sa CHED para ipasara ang school." Galit na sabi ni  Alicia Perez , ina ni Francis pero pinakalma siya ni  Joanne Obrea , ina ni Alex.  "I do apologize Sir. Kahit po ako magagalit. Dalawang linggo nang wala ang mga anak namin. Ang mga bangkay nina James, Joshua at Gabriel...ayun, nasa TV..." Hindi na mapigilan si Joanne at umiyak na lang kaya pinakalma ni Dr.Granados ang pagod na pagod na ina.  "Don't worry po Ma'am. Nakikipag tulungan na po ...

TINTA - Part 6

Image
  November 16, 2019   Saturday  8:45 am Magkasamang kumain ng agahan sina JD, Dustin, Uncle Nick, Manay Lolita at Mang Jun. Hanggang sa ngayon naaalala pa din ni JD ang kanyang panaginip, kung saan naroon ang totoong nangyari sa pagkamatay ni Joshua. Habang kumakain si JD ay nagtanong na si Uncle Nick kay Dustin tungkol sa kuneksyon nina JD at Joshua. "Uncle, hindi ko naman po naging classmate si Joshua. Kaklase po yun ni JD sa PE-1. Ako nga palagi ang sumusundo kay insan after school." Sagot ni Dustin kay Uncle Nick saka nagtanong kay JD. "Mabait namang tao, medyo liberated nga lang kasi sa Men's Room, lagi kaming nagkukwentuhan habang naliligo sa magkaibang shower. Sa unang pagkikita namin sa PE-1, may nagparamdam kaya kami tumakbo agad palabas..." Kwento ni JD kaya sumabat si Manay Lolita na laking probinsya. "Sir Nick, yung tiyahin ko ay isang psychic. Lagi daw magdadasal para na din sa kaluluwa ng mga pinatay. May mga kaluluwang nakapag move-on na pero...