Bedroom with my Stepbrothers - CHAPTER 5

Sabado nang umaga nang dumating ang social workers sa bahay ng mga Gonzalez. Isang middle aged woman na naka powder blue shirt, denim pants at ballet flat shoes habang isang matangkad na lalakeng moreno, medyo mataba ang katawan.
Unang kinausap nila si Macoy. Tuwang tuwa ang mga social workers sa binatilyo dahil kahit gay ang bata, magaling magsalita at magaling sa school, parang mayroon syang "speech" para sa kanyang mga panauhin.
Tinanong nila ang lalakeng social worker. "Kamusta ang mga kapatid mo."
Sinagot naman ni Macoy, "Better than OK. To be fair, my brothers wants me to be a part of their lives. They love to play games, cooking dishes and even playing basketball."
"Tanggap ba nila ang sexual preference mo?" Tanong ng babaeng social worker.
"Yes they accept and love me for what I am." Sagot ni Macoy.
Tinanong nila sina Fidel, Grace, Gio at Carl tungkol kay Macoy. Halos positive feedback ang nakuha nila, na mas mabilis ang pag process ng adoption papers.
After a few hours, magpaalam na ang mga social workers.
Magsimula ding maglaba ang mga boys. Hindi na nag tshirt at nag shorts na lang sila habang naglalaba sila - si Gio ang nagkukuskos ng mga pants at naong, si Carl ang nagkukuskos ng mga colored clothes habang si Macoy ang in-charge sa white clothes na may palo-palo.
"Boys OK ba kayo dyan?" Tanong ni Grace.
Sumagot naman si Gio, "Ma, okay lang po kami. Sanay kami sa labahan para tipid sa kuryente."
"O sige, magluluto kami ng Mama nyo ng pagkain for lunch." Sabi ni Fidel na nagbigay ng two thumbs up sina Macoy at Carl.
Malapit nang maglunch at natapos nila ang mga labahin. Nagpahinga muna sila bago mananghalian. Chicken Afritada at Brown Rice ang kanilang lunch.
Napag usapan nila ang tungkol sa adoption.
"Ma, pagkatapos ng interview sa mga social workers, anong mangyayari?" Tanong ni Carl.
Sumagot si Fidel, "Ipa process nila yung mga testimonials natin sa kanya, as a proof na nasa pangangalaga natin si Macoy. After a few months, eh ibibigay sa'min ni Mama mo ang revised birth certificate at adoption papers."
"Matagal pa po pala yun..." Sabi ni Macoy.
"Ganun bunso eh. Yung kasamahan namin, inabot lang ng isang taon, just to finish their papers. Sabi nga nila 'Good thing comes to those who wait' kaya maghintay lang." Sabi ni Gio habang ang kanyang kamay ay nakapatong sa hita ni Macoy.
"Ay siya na pala..Pa..Ma..punta po kami nina Gio at Macoy kay Kuya Kyle para mag train for gym or muay thai. Dito din po ako nag exercise nina Kuya Gio eh." Sabi ni Carl habang sumusubo ng kain.
"Okay sige..pero mag ingat kayo ah.." Sabi ni Fidel.
Hapon na nang matuyo na ang mga damit, kaya tinupi nina Gio, Carl at Macoy ang mga damit, ini-roll at inilagay sa mga sari-sariling cabinets. Pagkatapos ay pumunta sila sa paborito nilang gym - ang Kyle Muscle Fitness Studio, kung saan andun si Kyle Ortega.
Pagpasok sa loob ay maraming guys at gays ang nandito para mag exercise. Maraming gym equipments at machines ang nandun, mayroon pa silang changing rooms.
"Kuya G, sino po ba dito nung 'Kyle'? Sabi ni Macoy.
"Nandito lang yun. May inaasikaso sigurong mga papeles." Sabi ni Gio.
Dumating ang isang maskuladong lalake, nasa 5'10" ang taas, moreno, broad ang shoulders, sculptured ang mga biceps at sanay na sanay sa pag gym.
"Gio..Carl..huy!!!" Bati nung lalake.
"Kyle, kamusta ka na? Big time ka na sa negosyo mo ah." Sabi ni Gio habang yumayakap sa lalake.
Sinagot naman ng lalake na si Kyle, "Hindi naman. Kamusta na kayo?"
"Maayos po kuya. May ipakikilala ako sa inyo.." Sabi ni Carl nang kinuha nya ang braso ni Macoy, "..si Macoy, kapatid namin..Macoy siya si Kuya Kyle mo. Fitness trainor at may-ari ng fitness studio."
Nag shakehands sina Macoy at Kyle.
"Hello Macoy, ako si Kuya Kyle mo."
"Nice to meet you too."
"Kyle, ito kasing si bunso namin eh namumuro sa martial arts..eh patulong naman para magkaroon ng.." Sabi ni Gio pero dahil alam ni Kyle ang gusto ng mag kuya para sa bunso.
"Guys, ako nang bahala sa kanya. Naging nutritionist at fitness trainor ako para tulungan silang maging perfectly fit..Carl, magkasama kayo ni Macoy sa pag gym. Yung cardio ni Macoy eh sa muay thai..expert si Sean dun..punta tayo sa fitness studio.." Sabi ni Kyle.
Nilibot ni Kyle si Macoy sa fitness studio, kung saan nag train sila ng martial arts - from karate to muay thai. Pinakilala nya si Sean De Mesa, muay thai instructor at trainor.
Naririnig nyang sumisigaw si Sean habang sumusuntok ang trainee. Pinakilala nya si Sean kina Kyle.
"Kyle this is Macoy. Gusto niyang mag train sa'yo ng muai thai. Black belter na pala si Macoy sa taekwondo." Sabi ni Kyle.
Tumingin si Sean kay Macoy na parang gusto nyang patayin. Tinanong ni Sean si Macoy, "Ilang taon ka na bata?"
"Thirteen."
Deretsahan ni Sean si Kyle.
"Kyle, advice ko eh mag gym mo muna yun at sundin ang diet nya. Kapag fourteen na siya, pwede na siyang magturo. Medyo may konti pang laman but it's not that enough." Sabi ni Sean.
"Ahh sige. Thank you." Sabi ni Kyle pero tinanong nya si Macoy.
"Bakit mo gustong mag muay thai?"
"Just for self defense purposes. Ayokong mag compete sa MMA competition. Gusto ko po, kapag may goons na may guns o knife na may hino holdap o kini kidnap, eh ipagtatanggol ko sila." Sabi ni Macoy.
Napabilib si Sean sa sinabi ni Macoy, pero may babala siya, "Kid, muay thai can be deadly. Basta itetrain kita kapag handa ka na okay?"
"Yes sir. Thank you for your time." Sabi ni Macoy.
Nagpaalam sina Kyle at Sean sa magkakapatid. Kailangan nilang umuwi for dinner. Habang naglalakad lakad, kinausap nina Gio at Carl si Macoy na nasa pagitan nila.
"So..kamusta sina Kyle at Sean?" Tanong ni Gio.
"Okay naman si Kuya Kyle..mmmm si Kuya Sean..parang natatakot ako dun..para siyang werewolf eh." Sagot ni Macoy na natatawa naman si Carl.
"Sa una masungit yun..pero kapag sinusunod mo siya, eh itratrain ka nya nang husto." Sabi ni Carl.
Pero nagtanong pa si Macoy.
"So anong connection nina Kuya Kyle at Sean?" Tanong ni Macoy na sinagot ni Gio.
"Mag pinsan kami ni Kuya Kyle mo. Mahilig sa karate si Kyle kaya nagtayo ng gym. MMA fighter naman si Sean na palaging mag gym kina Kyle. Eh imbis na magpatayo ng studio, eh kinonnect ang gym niya sa martial arts at MMA studio si Sean..and the rest is history."
"Sabi ni Kuya Sean mo, mag gym ka daw po muna..cardio sport na lang ang muay thai mo." Sabi ni Carl.
"Okay po Kuya C..teka nagugutom na ako hehe" Sabi ni Macoy. 
Pagdating nila ay kumain muna sila ng dinner. Dahil marami pang tirang food, eh inubos nila ang Chicken Afritada at Brown Rice. Pagkatapos ay fruits naman for dessert.
Habang naghuhugas ng pinagkainan, nagkukwentuhan sina Gio at Carl.
"Mabait naman si bunso natin." Sabi ni Gio.
"Mahal talaga..gagawin natin para ma protektahan niya mula sa mga nambubully sa kanya." Sabi ni Carl pero tawang tawa si Gio.
"Pero parang yung mga nambubully ang takot kay Macoy. Para siyang si Jet Li eh." Tapos na si Macoy kaya nakisali siya sa usapan ng mag kuya niya.
"A..anong pinag uusapan nyo?" Tanong ni Macoy.
"Ikaw bunso. Pinoprotektahan ka namin. Kapag may problema ka, sabihin mo sa mga kuya mo ah. Makikinig at gagabayan ka namin." Sagot ni Gio na sinegundahan ni Carl.
"Tama ang Kuya G mo. Gamitin mo yang martial arts mo for self defense, if needed." Ani ni Carl.
Kaya inakbayan ni Macoy ang mag kuya sa kanilang balikat.
"Opo..susunod na po."
"Ay siya nga pala bunso. Bukas magsisimba tayo ah." Sabi ni Gio.
Parang natetense si Macoy sa sinabi ng kanyang kuya. Pawis na pawis na lumalabas sa kanyang katawan.
"Ahhh...sige po mga kuya."
"Kinakabahan ka ba bunso? Magsisimba lang tayo. Guarded ka namin kaya there's nothing to worry about." Sabi ni Carl.

Comments

Popular posts from this blog

TINTA - Part 9

Welcome

TINTA - Part 8