TINTA - Part 9
Nakaupo na lang si JD sa likod ng sasakyan habang nasa harapan si Dustin. Binigyan niya ng isang bote ng mineral water galing sa kanyang bag at iniabot nito kay JD. Nakikipag usap si Uncle Nick sa mga taga NBI para imbestigahan kung paano nakuha sa simbahan ang bangkay nina Alex at Fr.Rico. Nakatingin na lang si JD sa bintana ng sasakyan. Pagod na pagod ang mukha at katawan. Hinawakan ni Dustin ang tuhod ni JD at hinihimas nito. "JD, pagkatapos ng mga taga NBI kay Uncle, uwi na tayo. Siguro naman bibigyan nila ang unibersidad ng mas mahigpit na pagbabantay. Baka may nakapasok ditong magnanakaw o masamang tao..." Sabi ni Dustin nang tumingin si JD sa mga mata nito. "Insan, unti unting namamatay ang mga kaklase natin. Wala naman akong ginawa sa kanila na masama di ba?!..." Tanong ni JD. Bumaba si Dustin at pumasok sa loob ng sasakyan upang tabihan ang pinsang naging puno't dulo ng lahat. "Eh wala ka namang kasalanan eh. Hindi ka naman nagpa tattoo sa Janus na...