Bedroom with my Stepbrothers - CHAPTER 15
Every year, meron talagang Intramurals but this year, it will be more exciting kasi may singing contest, quiz bee at beauty contest para sa mga gwapo at magagandang students -- from Tuesday to Friday. Para sa unang basketball game, it's Juniors versus Seniors - agad agad.
Sa huli, natalo ng mga Seniors ang mga Juniors sa score na 82-78. Next naman ang Freshmen versus Sophomores, kung saan naglalaro sina Lance at Cesar. Dikit ang laban sa score na 45 points, kung saan ay top scorers ulit sina Lance at Cesar. But this time, mas maingay na dahil andyan si Angela na may banner na "LANCE, ANAKAN MO'KO" na naging tampulan ng tuksuhan sa loob ng gymnasium. Kitang kita sa mga nanonood na parents, teachers at students ang ginagawa ni Angela.
Dedma lang si Macoy pero isang Senior student lumapit kay Macoy na puno ng inis.
"You are Macoy right" Sabi ng girl student.
"Yes. May problema po ba?" Si Macoy.
"Sa'yo wala but for this slut YES. She's a pain in the ass. Alam mo ba, kahit kaming mga senior students eh nilalandi ng babaeng yan, kahit si Mr. Pangilinan eh nilalandi nya, para lang pumasa..but Mr. Pangilinan is different.."
Tumigil sa pagsasalita ang girl student nang may tinanong si Macoy.
"Different? In what way?" Tanong ni Macoy nang pumasok ni Lance ang bola sa ring -- na may kasamang kindat si Lance kay Macoy.
Kinikilig na si Macoy sa ginagawa ni Lance. Sa bawat dribble o shoot eh inaalay nya ito para kay Macoy, na dahilan kung bakit inggit na inggit si Angela kay Macoy. Bumalik si Macoy sa kwento ng kanyang girl students.
"So in what way he's different?"
"Inaakit ni Angela si Mr. Pangilinan sa office. She's too desirable pero walang laman ang utak. Hinahalikan nya si Mr. Pangilinan sa kiss, sa leeg at sinusubukan niyang hubarin ang shirt ni Sir. Not knowing, may hidden camera para kunan ang video nila ni Angela. Nagpatulong sa akin kung paano i-convert yung video -- from tape to CD. After that, binigay namin sa Principal for evidence. Alam ng Principal na matinong tao si Mr. Pangilinan kaya kakampi yun sa kanya."
Ayaw ni Macoy na kalabanin ang isang taong walang utak sa pag-aaral at puro alindog lang.
Sa pagtatapos ng laban, nanalo ang Sophomores sa Freshmen sa score na 96-88. Lumapit sina Cesar at Lance kay Macoy.
"Omedetōgozaimasu." Si Macoy (Congratulations sa inyong laro.)
"Salamat Macoy. Lucky charm ka namin eh." Si Cesar.
"Salamat Macoy." Si Lance nang may ibinulong kay Macoy sa kanyang tenga at sinabing..
"Watashi wa anata o aishite" Si Lance (I Love You Macoy) saka hinalikan ni Lance si Macoy sa cheeks -- habang nakatingin lang si Angela kasama ang mga kaibigan niya. Inggit na inggit na si Angela dahil isang matalinong bakla ang karibal nya.
Alam ni Macoy ang gustong sabihin ni Lance sa kanya. Sinundo nina Fidel at Carl si Macoy pero sinabay na nila si Cesar. Sinundo naman si Lance ng kanyang ina. Habang nasa kotse, kinausap ni Cesar si Macoy.
"Macoy, ano yung binulong ni Lance sa'yo?" Si Cesar.
"Sabi daw eh 'I love you'." Si Macoy.Hindi makapaniwala si Cesar sa sinabi nya.
"Seryoso ka dun?! Mahal ka nya?! Eh may kontrabida eh..andyan pa si Angela." Si Cesar.
"Bahala siya. Pag sinabi nya yun kay Angela, titigilan na yun sa kakabuntot sa kanya." Si Macoy.
Inihatid nila si Cesar sa kanilang bahay tapos dumiretso sila sa bahay. Habang nagpapahinga, nagbihis muna sina Macoy, Gio at Carl para pumunta sa gym para mag workout. Pag uwi sa bahay, pagod na pagod silang tatlo kaya gumawa sila ng post workout drink.
Pinagkukwentuhan nila ang tungkol sa Intramurals, kasama ang iskandalo na pakana ni Angela.
"Ayun Kuya G..sabi ng isang girl student na senior, sineduce ni Angela si Mr. Pangilinan. Buti na lang, na record ang ginagawa nya kay sir sa video." Si Macoy.
"And then?" Si Carl.
"Sinend ni sir sa Principal for evidence. Dami kasi ng mga kaso nya pero dedma. According to that girl, alindog at ganda lang ang meron si Angela Aguirre." Si Macoy.
"What's her connection to your friend, Lance?" Si Gio.
"Let's put up this way..ang turing ni Angela kay Lance ay parang laruan. She's domineering, dim-witted, prevaricating paramour." Si Macoy.
"Hinay hinay lang. Mas matalas ang dila at salita kaysa sa espada. Hayaan mo na lang yun." Si Gio habang nakapatong ang kanyang kamay sa mga balikat ni Macoy.
"Tama si Kuya G mo. Alam nating lahat na matapang ka pero kung sa tingin mo eh below siya, wag mo nang intindihin. Kung may issue, dumiretso ka sa class advisor mo or sa principal." Si Carl.
For Macoy, Angela's nothing but a beautiful disaster sa lahat.
Nang sumunod na araw, simula naman ang volleyball games. Nanood naman si Macoy pero inaantok kaya umalis muna sa gymnasium at nag iikot sa mga lugar, kung saan may mga auditions for quiz bee, singing contest at ang beauty contest.
Habang siya'y naglalakad, napansin nyang may apat na kabataang naninigarilyo sa premises ng school, specifically sa school chapel pa sila naninigarilyo. Ang masaklap pa, si Angela at ang mga kasama nyang sina Terrence, Kevin at Calvin ang promotor.
Pumunta muna si Macoy sa loob ng church at nakita sa mga glass windows ang ginagawa nina Angela. Umalis muna ang apat paalis ng chapel, saka lumabas ng chapel si Macoy. Nakita nila ang ilang butts ng sigarilyo at saka inilagay sa isang plastic bag para i-report kay Mr. Gomez.
Nakita ng lahat sa billboard ang status ng basketball at volleyball games. Magtatapat para sa Championship ang Sophomores at Juniors, kung saan ang matatalo ay magiging 1st Runner Up habang ang mga natalong teams ng Freshmen at Seniors ang maglalaro para sa 2nd Runner Up.
It's YELLOW versus RED na naman para kay Macoy. Friends sina Lance, Cesar at Fred kaya para hindi sila magtalo, magsusuot siya ng red at yellow t-shirt, as a way of my support.
Akala ni Macoy, isang pangkaraniwang araw lang ang Day 2 ng Intramurals, pero naging special kay Macoy dahil dumating ang taong nagbigay ng ngiti sa kanya.
"Makoi-san!!!"
Narinig ni Macoy ang boses ng kanyang kaibigan. Dumating si Jin, kasama ang isa pang gwapong lalake na gwapo at matangkad.
"Oh Jin! Kamusta?!" Si Macoy.
"I'm okay. Siya nga pala, I'd like you to meet my Nīsan (kuya), si Haru Yamada..." Sabi ni Jin saka tumingin sa kapatid, "...Haru, kare wa Macoy, watashinotomodachidesu. (Haru, siya naman si Macoy, friend ko.)".
Nag bow si Macoy kay Haru pero tumanggi si Harry.
"Hindi mo na kailangang gawin nyan. It's nice to meet you. Dito sa Japan, Haru ang name ko but since nag migrate na kami sa Canada eh binigyan nila ako ng English name -- Harvey, so you can call me 'Harvey Yamada'." Sabi ni Harvey sabay shakehands kay Macoy.
"Ahhh..welcome to St. Francis Academy Harvey" Si Macoy.
Nilibot ni Macoy sina Jin at Harvey sa buong school. Sinabi pala ni Jin kay Macoy na nagmigrate pala sila sa Canada ang buong pamilya nila. Tumira ang mag-asawang Yamada sa Vancouver habang sina Jin at Harvey ay naninirahan sa Japan. Kung tutuusin, halos magkapareho sina Harvey at Gio -- maliban kay Harvey na mahilig kumanta.
Nanood sila ng basketball sa gymnasium sa pagitan ng Freshmen at Seniors. Humahanga sina Jin at Harvey sa hardcourt skills nila.
"Ang gagaling naman nila. I like watching basketball pero ayaw kong maglaro nun." Si Jin.
"Me too. Everytime I watch basketball games on TV, it's exciting at the beginning but I find it too boring so I switch to ice hockey or football. Naglalaro ka ba nun Macoy?" Si Harvey.
"Mmm nope. Mas gusto ko yung jiu jitsu. Pwede kong gamitin yun for self defense." Si Macoy.
Sa huli, ang mga bagitong players ng Freshmen ang nakasungkit ng Bronze medal o 2nd Runner up matapos talunin nila ang Seniors. Pumunta din si Gio at nasorpresa nito dahil si Harvey pala ang kasalukuyang Executive Managing Director ng Yamada International. Nagpaalam na sina Harvey at Jin kina Macoy at Gio saka sumakay sa kotse kasama ang mga bodyguards.
Habang nasa byahe, hiyang-hiya si Gio sa kanyang nakita.
"Siya pala ang boss namin. Nahihiya tuloy ako nyan. Kakainis." Si Gio pero pinakalma siya ni Macoy.
"Sabi ni Jin, matalino at strikto si Harvey este Sir Harvey, pero sa labas ng opisina eh pangkaraniwang tao daw yun eh parang magkamukha kayo nun. Mahilig pala yun kumanta kaya at least mayroon siyang 'soft side'." Si Macoy.
"Basta tratuhin mo yun parang ako na kuya mo." Si Gio.
"Okay Kuya G."
Nang dumating sa bahay ay nagluto sina Fidel, Grace at Carl ng dinner saka sila kumain nang sabay.
Nang sumunod na araw, maraming tao ngayon sa gymnasium para sa Basketball Championship Match sa pagitan ng Sophomores at Juniors. Nandun din si Macoy na manonood ng game, kasama ang ibang classmates. Nagsisigawan ang mga tao nang inintroduce sina Lance at Cesar, na parte ng first five.
Sa unang match, nagpasa pasa ang mga players ng Juniors pero nakuha ni Cesar at pinasa ito kay Lance, saka nai-shoot.
"Another 3 for Lance Ramos!!!" Sabi ng announcer saka nagsisigawan ang madla habang nagcheer naman ang team sa pangunguna ni Angela.
Tuwang tuwa naman si Macoy sa performance nina Cesar at Lance. Ang mga dating "nobody" ay naging "somebody" dahil sa teamwork at tulong ni Macoy.
Biglang kinausap ni Macoy ng classmate na si Miguel.
"Macoy, hindi ka ba napapansin sa tatlong yun" Si Miguel.
"Sino yun?" Si Macoy.
"Yung tatlo -- sina Terrence, Calvin at Kevin, yung nasa third section natin" Si Miguel sabay turo sa tatlo na parang hindi napapagod sa pagtakbo.
Biglang napaisip naman si Macoy sa kanyang nakita.
"Ohh okay..anong napapansin mo sa kanila?" Si Macoy.
"Di mo ba napapansin? Parang hindi sila napapagod tapos nagiging pisikalan na ang tatlo laban sa mga Juniors. You see, I'm not a basketball player pero may mali sa tatlong yun...the thing is..." Sabi ni Miguel sabay bulong sa tenga ni Macoy.
Natapon ang iniinom na mineral water sa tumbler ni Macoy nang ibinubulong kay Miguel.
"Itatanong natin yan. Hindi naman sila 'super human', otherwise they are...."
Natigil ang pagsasalita ni Macoy nang inannounce na tapos na ang first quarter -- 45 to 47, pabor sa Juniors. Nagusap muna ang mga players with their coach kung anong diskarte nila.
Bukod sa mga nanonood na Sophomores at Juniors, may ilang Seniors na nanonood sa game. Beterano na sila sa game kaya alam nila kung may problema ba sa kanilang mga players.
Nagtext si Macoy kina Carl at Gio thru group message, saka nagpatuloy ang kanilang laban.
Sa second quarter, humarurot ang Sophomores sa pag dribble ng bola sa pangunguna ni Kevin Dimasalang, saka ipinasa kay Cesar at kay Lance saka shinoot.
"3 points for 'Prince Lance'" Sabi ng announcer.
Nagsisigawan na silang lahat sa performance ni Lance na ang turing nila ay "Prince Lance". Balik bola sa Juniors pero nang maipasa sa player at naishoot sa ring pero nagmintis, kinuha agad ni Cesar saka tumakbo papunta sa ring, ipinasa kay Lance pero ibinalik kay Cesar saka shoot sa ring. Nagsisigawan ang lahat kay Cesar.
"Another three for 'La Infante' Cesar Cosme" Sabi ng announcer.
Sa pagtatapos ng second quarter, naging tabla ang laban -- 62 all. Nagpahinga muna ang mga players at nakipag usap sa kani-kanilang mga coaches para tapusin na ang laro.
Sa pagsisimula ng third quarter, naging mas alisto sina Lance at Cesar habang mas agresibo si Fred. Nagpapalitan ng pagpasa ng bola at pag shoot ng bola para tumaas ang score.
87-82 pabor sa Sophomores.
Sa pagsisimula ng last quarter, nag sanib-pwersa na sina Prince Lance at La Infante Cesar para tapusin ang laban kontra sa Juniors. Sa bawat puntos at pag shoot ay nakaabang si Macoy. Kung may talent siya sa basketball, baka matulungan pa sila.
"LAST TWO MINUTES!!! LAST TWO MINUTES!!!" Sabi ng announcer saka nagsisigawan ang mga tao sa gymnasium.
Nagpakita uli sina Lance at Cesar sa kanilang basketball moves para masungit nila ang kampeonato. Sa bawat shoot ng bola ay nagsisigawan ang audience dahil mananalo na sila.
Last ten seconds nang makuha ni Lance ang bola, sabay pasa kay Cesar saka shoot.
Nag ring ang bell, senyales na tapos ang laban. Kinamayan ng mga Juniors ang mga Sophomores sa kanilang pagkapanalo.
100-91
Panalo ang Sophomores Basketball Team sa kauna unahang pagkakataon.
Tuwang-tuwa si Macoy nang makita niyang nanalo sina Lance at Cesar kaya bumababa mula sa kinauupuan, tumakbo papunta sa kanila saka nila niyakap nang mahigpit. Umiiyak si Macoy sa sobrang saya. Halos lahat ng salitang katumbas ng "saya" ay naubos na para sa kanila.
"Congratulations ha!!!" Si Macoy.
"Thank You. Ikaw ang lucky charm namin. Umiiyak ka na eh..." Si Cesar nang marinig na ang salitang galing kay Lance.
"Mahal..na mahal..kita.."
Tumigil ang kaligayahan nang makita si Angela at pwersahang kinuha si Lance mula sa kanya saka hinalikan nang mahigpit -- habang nagtitingian ang ibang estudyante.
"IKAW NA BAKLA KA!!! HINDI MO MAAGAW SI LANCE SA'KIN!!! HAYOP KANG BAKLA KA!!!" Galit na galit na sabi ni Angela sabay sinabunutan nya si Macoy sabay sampal pero hindi siya gumanti sa babae.
Ang masayang pagdiriwang sa pagkakapanalo ng nga Sophomores ay nauwi sa eskandalo. Sampal. Sabunot. Yan ang ginagawa ng mga asawa sa mga kabit sa mga pelikula. Ganito din ang ginagawa ni Angela ngayon kay Macoy. Galit ang nararamdaman ng mga tao sa ginagawa ni Angela kay Macoy.
"ANGELA..TAMA NA YAN!!! TIGILAN MO NA SI MACOY!!!" Si Lance pero hindi naririnig ni Angela.
"ITATAPON KITA SA IMPYERNO BAKLA KA!!!!!" Si Angela nang hinila siya ni Lance saka itinigil ang kanyang ginagawa kay Macoy.
"Mas mabait si Macoy kumpara sa'yo. Stop comparing yourself to him, because unlike him, you're nothing but a beautiful disaster." Si Lance pero isang malutong sampal ang dumapo ni Angela sa pisngi ni Lance.
"Walang hiya ka!!! Don't tell me, kakampihan mo pa na ang baklang yan? Anong sabi mo sa'kin? Disaster? Oh sige mamili ka -- yung 'friendship' mo ni Macoy at Lance..o ang buhay mo at ang nanay mong makati pa sa higad?" Si Angela.
Nagulat ang lahat sa pagbabanta ni Angela. Dinamay na niya ang nanay ni Lance sa pangyayaring ito.
"Huwag mong idadamay ang nanay ko dito ah." Si Lance pero mas agresibo ngayon si Angela.
"WALA AKONG PAKIALAM. PARA SA'YO, IDADAMAY KO SILANG LAHAT, KAHIT ANG MALANDI MONG NANAY!!! MAMILI KA -- SI MACOY O ANG BUHAY NG NANAY MO?" Galit na sabi ni Angela.
Hanggang umabot si Lance sa isang matinding desisyon.
"A-Angela, tama na..umuwi na tayo..please." Si Lance saka tumingin si Angela kay Macoy na inaayos ka ang kanyang suot.
"See?! Mas mahal ako ni Lance kaysa sa'yo. MAHAL KO SYA..AT MAS MAHAL KO SYA KAYSA SA'YO!!!" Si Angela.
Parang naubos na ang saya sa katawan ni Macoy kaya tumayo siya't dahan dahan siyang naglakad pauwi habang akay-akay ni Cesar si Macoy sa braso. Maganda ang pagsasama ng tatlo nang dumating si Angela at nasira ang lahat. Kitang-kita sa mga mukha ni Macoy ang mga luha sa kanyang mga mata. Pero iba ang nangyari kay Macoy. Parang nawalan siya ng saya at sigla.
Pumunta si Lance kay Macoy saka lumuhod sa kanyang harapan. Nagmamakaawa. Nakikiusap.
"Macoy, I'm so sorry about this. I have no choice but I have to be with her. I'm so sorry." Si Lance pero hindi pinakinggan ni Macoy ang mga sinabi ng lalakeng nagsabing mahal niya nito.
"Cesar, let's go home." Si Macoy.
Kumpara sa masayahing boses, mas malalim na ang boses ngayon ni Macoy, parang boses ng isang matanda. Paglabas nila'y naghihintay ang buong pamilya ni Macoy upang siya'y sumakay sa kanyang sasakyan para umuwi.
"Macoy, wag mo na lang pansinin si..." Tumigil si Cesar sa pagsasalita nang may sinabi sa kanya si Macoy.
"That's enough. You did a wonderful performance" Sabi ni Macoy.
Sumakay na si Macoy sa sasakyan, kung saan naroon sina Fidel at Grace sa harap habang nasa gitna sina Gio, Macoy at Carl. Umandar ang sasakyan saka umalis papunta sa kanilang bahay. Because of these words, Macoy's soul tore him into pieces.
Nang dahil sa mga salita ni Lance.
Comments
Post a Comment