Bedroom with my Stepbrothers - CHAPTER 20
Dumating na ang psychologist para kamustahin si Lance. Ayon sa doktora, kailangan niyang magpahinga ni Lance.
Magkakaroon pa din sila ng counseling para sa tuluyang paggaling ni Lance.
Magkakaroon pa din sila ng counseling para sa tuluyang paggaling ni Lance.
Lumabas muna si Macoy sa hospital room habang kinakausap nina Carl at Cesar si Lance.
Habang naglalakad si Macoy sa hallway, iniisip pa din niya ang mga salita ni Lance. Magkatulad na silang dalawa ngayon. Pareho na silang ginahasa at sinaktan ng mga taong walang kaluluwa. Umiiyak lang si Lance na parang babae pero si Macoy - punong puno ng galit.
He's heartless.
Walang bukas na coffee shops o fast food stores kaya bumalik uli si Macoy sa hospital room. Pagbukas ng pintuan, nakita ni Lance na nakikipag usap si Lance kina Carl at Cesar.
"Kuya Carl, wala na atang nagbebenta ng pagkain dito. Gutom na'ko eh." Sabi ni Macoy.
Tumayo si Carl.
"O sige sasamahan kita para kumain. Bumili muna tayo tapos iinitin natin dito sa Nurse Ward. Mabuti na lang may extra spoon at fork ako." Si Carl at tumango si Macoy.
Bago umalis may sinabi si Lance kay Macoy.
"Ma-Macoy, mag iingat ka ah."
"Ahhh okay po."
Lumabas muna sina Carl at Macoy para pumunta sa isang convenience store. Masasarap na pagkain ang nakahain sa mga customers nila. Nag order for takeout si Carl ng fried chicken at siomai.
Habang nagbabayad si Carl ay nakatingin si Macoy sa mga lighters, condoms at lubes na parang gusto niyang bilhin -- pero hindi pa pwede since minor pa siya.
Lumabas na sila at naglakad pabalik sa ospital. Pagdating nila ay nag init muna si Carl ng food sa microwave oven, bago ito kainin. Dumating sila sa room at kitang tinatapos na ni Cesar ang kanyang homework.
"Cesar, kamusta ka dyan? Busy ka ata dyan." Sabi ni Macoy saka inilagay sa table ang food.
"Tinatapos ko lang yung homework ko. Sinabi ko na kay Lance yung mga pinag aralan natin...nung mga araw na wala siya." Si Cesar.
"At least may nagbabantay tayo dun. Tara let's eat." Sabi ni Carl.
Kumain muna sina Macoy at Cesar habang si Carl, kinausap muna ni Grace na nag rounds muna. Kinausap niya sina Fidel at Gio na parehong pagod sa kani-kanilang work.
"O Mama wala ka bang operation tonight o tomorrow? Mas maganda kung magpahinga muna kayo ni Papa..."Si Carl.
"Anak naman oh, ang sweet naman. Sabi ng secretary eh wala naman kaya pahinga muna tayo sa bahay. Ang papa mo at si Kuya Gio mo eh nasa bahay na. Don't worry anak. Kamusta na pala si bunso at si Lance?" Tanong ni Grace.
"Ayun, kwentuhan muna with Cesar." Sabi ni Carl.
"Tulog muna kayo para bukas ng umaga ay iuuwi muna tayo pabalik sa bahay. Darating ang mga relatives ni Lance. Dito na lang ako matutulog sa room ko." Sabi ni Grace sabay kiss sa noo ni Carl.
Natulog na sina Carl, Cesar at Macoy sa room ni Lance. Ito ata ang unang pagkakataon na matutulog sina Macoy at Cesar sa hospital room.
Umaga na nang umalis sina Macoy, Carl, Cesar at Grace kay Lance. Dumating ang mga kamag-anak ni Lance na manggagaling ng probinsya. Si Grace na ang nagmaneho ng sasakyan at kasama niya si Cesar sa harapan. Inihatid muna ni Grace si Cesar sa bahay nila. Pagdating sa kanilang bahay, sinalubong nila sina Gio at Fidel.
"Ma...Carl...bunso..." Si Gio sabay yakap sa kanila habang sinalubong ni Fidel si Grace na may kasamang halik sa lips, sabay pasok sa loob ng bahay.
"Kuya G...natulog muna kami sa hospital room ni Lance. Bawal daw istorbohin ng mga nurse si Lance eh." Sabi ni Macoy habang pumasok na sila sa loob. Pumunta muna si Carl sa kusina para uminom ng tubig muna sa ref.
"Ahhh...kamusta naman si Cesar?" Si Gio.
"Tinuruan niya si Lance sa kanilang mga topics para makahabol sa klase. Malapit na ang Second Periodical Exam eh. Haaay kapagod." Si Macoy.
Isinara ang pinto sa living room saka sila umakyat papunta sa kanilang room para magpahinga. Tinanggal ang kanilang mga damit at nagpahinga bago sila naligo.
"Kuya G..Kuya C..sana walang makakaalam ah...na rape pala si Lance." Sabi ni Macoy sa dalawang kuya.
"What?! Sinong demonyo ang gagawa nun kay Lance?" Si Gio sabay hawak sa hita ni Macoy.
"Yung mga friends ni Angela. It was a combination of rape and torture. Si Lance ang nagkwento sa'kin. To be honest, awang-awa ako sa kanya eh...huhuhu...kung may magagawa lang akoooo..." Biglang bumuhos ang luha sa mga mata ni Macoy sabay niyakap nina Gio at Carl.
"Meron naman. You let him talk and you had to do was to listen. That's okay." Sabi ni Carl.
Ikinuwento ni Macoy sa kanyang mga kuya ang nangyari kay Lance. Muntik nang masuka si Gio sa kwento, dahil sa malupit na pinagdaanan ni Lance.
"Wala naman tayong mga kuneksyon sa mga pulis. Sindikato sila ng marijuana eh so PDEA ang in-charge dun..." Si Gio.
"But thank God because somebody saved him from Angela. Without him...or her...baka nasa kangkungan ngayon si Lance. Pero babalik pa ba yun ng school?" Si Carl.
"Parang babalik pa yun. May periodical exam kami at kapag bumagsak eh mawawala ang scholarship nya." Si Macoy.
Natulog muna sina Carl at Macoy habang sina Gio at Fidel ang in-charge sa paglalaba pero dahil kakaunti ang mga labaha eh pahinga muna sila. Pagdating ng hapon ay pumunta muna sila sa gym at pagkauwi ay naghanda ng kanilang dinner.
Lunes ng umaga at naghahanda na sila sa kanilang nalalapit na Second Periodical Exam. Sa section ni Macoy ay tutok sila sa kanilang mga lessons. Mukhang si Cesar ata ang may highest score sa Filipino, dahil na master niya ang Baybayin lesson.
"Naku Cesar, one day magiging Filipino teacher ka dun. Ang galing mo nga kanila eh, kahit sa mga classmates natin, eh ikaw ang nagtuturo sa kanila." Tuwang sabi ni Macoy.
"Ahh...sa ospital kasi wala akong magawa kaya kinabisado ko ang Baybayin, kahit si Lance tinuruan ko siya." Sabi ni Cesar.
Dumating si Mr. Gomez para sabihin na stable na ang condition niya. Andun pa rin ang kasunduan nila -- kapag pasado ang grades nila sa Second Periodical Exam ay pupwede na silang bumisita kay Lance. Tuwang-tuwa silang makita ang kanilang kaklase kaya nagsikap silang lahat.
"Sir, makakapag exam pa ba si Lance? Sinong nagtuturo ngayon sa kanya?" Tanong ni Miguel na sinagot ni Cesar.
"Nagrereview ko lang si Lance sa room, specifically sa mga lessons na na-miss natin dahil sa pagkawala niya." Sagot ni Cesar.
"So magtake pa rin ng exam si Lance? Eh saan gagawin dun?" Tanong ni Chrissy na sinagot naman ni Mr. Gomez.
"Sa hospital room nya. Kapag nag check na ako ng mga test papers natin at sa mga teachers ninyo, bibigyan tayo ng tig isang test paper for Lance. Once done, ibibigay ko sa mga teachers para ma check ang paper ni Lance. As I've said, kapag maganda ang exams nyo, pupunta tayo sa ospital para bisitahin ni Lance." Sagot ni Mr. Gomez.
Homeroom na kaya ang ilang students ay sinasagutan sa kanilang homework. Pumasok naman si Alfred at kinamustahan sina Macoy at Cesar.
"He's fine but not totally fine. Ay siya nga pala, pwede ba akong sumama sa'yong military training sa Huwebes? Si Macoy.
"Anong gagawin mo dun Macoy? Baka inaantay ka na dun ng mga kuya o parents mo." Si Cesar.
"Wala lang naman. Jogging lang ang hanap ko dun. Baka magalit sa'kin ang mga officers kasi saling pusa lang ako dun." Sabi ni Macoy pero inilagay ni Fred ang kamay niya kay Macoy.
"Pwede naman siguro. ROTC day namin every Thursday at andun ang commandant namin. Open field naman kaya pwede ka dung mag jogging." Sabi ni Fred.
"Basta magsasabi ka sa mga kuya mo kung susunduin ka nila huh. Kung kaya pa ng katawan mo, bibisitahin natin si Lance..." Tumigil si Cesar nang magsalita si Fred.
"Naku eh sobrang higpit ang security dun. Laman ng mga tabloids, TV at sa radyo eh pinag-uusapan si Lance. Kung pulis o NBI lang ako, aarestuhin ko sila at papanagutin sila sa batas...mga hayop sila..." Sabi ni Fred at nag second demotion naman si Cesar.
Kung si Cesar ay gustong maging Filipino teacher o PE teacher, gusto ni Fred na maging pulis o sundalo o NBI agent.
Napagdesisyunan nina Macoy at Cesar na gawin yun sa Biyernes, since naka PE uniform sila tuwing Biyernes. Nang matapos na ang klase, sinundo sila nina Fidel.
Habang nasa biyahe, nagtanong si Macoy kay Fidel.
"Pa..asan po sina Kuya Gio at Kuya Carl?" Si Macoy.
"Ahhh. Sina Gio at Carl ay nasa opisina, sobrang pagod sa work. Si Mama mo, may operation kami mamayang 7 p.m kaya susunduin ka nina Gio at Carl sa ospital." Sagot ni Fidel.
"Sir, si Lance po kamusta?" Si Cesar.
"Si Lance, eh di ko po pwedeng sabihin eh. May confidentiality yun sa mga doktor kaya hindi namin dapat sabihin sa ibang tao." Sagot ni Fidel.
"Ay Papa, bukas mag jogging na lang po ako after class. Pwede niyo po ba akong sunduin sa gymnasium o sa tracking field?" Tanong ni Macoy.
"Ummm...tignan ko kung pwede kang sunduin ahh...baka ang mga kuya mo ang susundo dahil mag oovernight kayo sa ospital, kasama si Cesar." Sabi ni Fidel at tuwang tuwa pa si Cesar.
"Ay opo sir..magrereview pa si Lance para sa'ming Periodical Exam..." Pinigil ni Fidel ang pagsasalita ni Cesar.
"Review?! So may tutor session kayo ni Lance? Pwede ka ngang maging Professor o Teacher." Sabi ni Fidel.
Inihatid nila si Cesar sa kanilang bahay saka sila dumating sa kanilang bahay. Pumunta agad si Macoy sa kwarto at nagpalit ng damit, saka inilapag ang kanyang bag.
Gabi na nang dumating sina Gio, Carl at yung kanilang boss na si Harvey Yamada.
"Hi kuya..hi kuya Harvey.." Sabi ni Macoy, saka yakap kina Gio at Carl habang shakehands kay Harvey.
"Umupo muna kayo. Do you want anything to eat or drink?" Tanong ni Macoy.
"Ako...tubig lang." Sabi ni Harvey.
Nagtimpla si Macoy ng orange juice para kina Gio at Carl habang tubig lang kay Harvey. Hindi pwedeng makisali sina Gio at Carl sa usapan pero pwede niyang marinig ang kanilang usapan.
Kailangang operahan nina Fidel at Grace ang anak ng isang member ng Yamada Prime Holdings International na nasa Toronto, Canada. Coincidence naman dahil isasama si Gio sa Business Conference sa Toronto kaya lilipad sina Fidel, Grace at Gio sa Toronto.
"Bunso, okay lang ba kung lilipad kami nina Mama at Papa papuntang Toronto? Five days lang ako dun tapos sina Papa at Mama, siguro mga two weeks. Ok lang ba sa'yo?" Tanong ni Gio kay Macoy.
Nagdadalawang-isip si Macoy sa tanong ni Gio.
"Eh sinong magbabantay sa'kin o susundo sa akin?" Tanong ni Macoy.
"Babantayin kita o susunduin sa school..." Sagot ni Carl pero mukhang may sasabihin si Harvey.
"Bibigyan kita ng driver hanggang sa makauwi sila sa bansa. Magaling yun. Basta magtext ka sa'kin huh." Si Harvey.
Kaagad nitong pinag-usapan ng pamilya ang tungkol sa paglipad nina Fidel, Grace at Gio papuntang Toronto. Sabi ng mag-asawa, ooperahan ang pasyente sa Yamada Medical City - Toronto habang si Gio ay isa sa mga delegates ng company. Umiiyak si Macoy na parang bata.
"Bunso, wag ka nang malungkot. Aalis lang ng bansa tapos babalik. Bibigyan kita ng picture kasama ang pasyente." Sabi ni Grace.
"Work namin yun as doctors. Wag kang mag-alala. Si Kuya Carl muna ang magbabantay sa'yo. In case busy si Carl ay susunduin ka nila with a driver." Sabi ni Fidel.
Sa huli, naging okay na si Macoy at umoo na silang tatlo kay Macoy.
Pagsapit ng Biyernes ay nag jogging si Macoy sa tracking field habang nag aabang si Cesar sa kanilang sundo. Kapag gusto ni Macoy ang mag isip, ay idinadaan niya ito sa jogging, pampawala ng stress at concentration. Habang nagja jogging si Macoy ay nagrereview naman si Cesar ng mga topics na gagamitin para kay Lance, dahil next week na ang kanilang Second Periodical Exam. Nasa kanila nakalapag ang kanilang mga bag.
Dumating na sina Gio at Carl para sunduin sila. Nakita nina Gio at Carl si Cesar na nakaupo sa gilid ng punong acacia.
"Cesar, andito ka sa ilalim ng puno? Asan si Macoy?" Tanong ni Gio.
"Andun po..nag jogging sa tracking field..teka lang ah..." Sagot ni Cesar saka sinigawan nya si Macoy.
"MACOY!!! MACOY!!! ANDITO NA SILA!"
Tumigil si Macoy, saka huminga habang naglalakad papunta kina Gio at Carl, saka nagtanggal ng kanyang t-shirt na sobrang pawis at pinunasan nya ng tuwalya.
"Sorry...mga kuya...nag jogging lang po..." Sabi ni Macoy.
"Pahinga ka muna...pagod na pagod eh..." Sabi ni Carl.
Matapos magpahinga ay kinuha na ni Macoy ang kanilang bag ni Cesar at sumakay sa sasakyan. Sumakay na rin sila Gio at Carl sa harapan at pinaandar ang sasakyan.
"Bunso, mag t-shirt ka huh...masama yan sa'yo..." Sabi ni Carl kaya sinuot ni Macoy ang kanyang t-shirt.
"Siya nga pala Macoy, bukas ay Second Periodical Exam...gagawin yun sa Tuesday to Friday...ewan ko baka silang mga subject teachers ang magbibigay ng test paper kay Lance" Sabi ni Cesar kaya nagtanong si Carl.
"Mageexam si Lance sa ospital?" Sabi ni Carl.
Tumango lang sina Cesar at Macoy.
Sinundo lang nina Gio at Carl sina Cesar at Macoy sa Yamada Medical Center, tapos babalik sila sa office para tignan ang update sa pag acquire ng maliit na insurance companies na nalulugi at magiging parte ng Yamada Insurance Corporation.
Pagdating nina Macoy at Cesar ay nagpaalala sina Gio at Carl.
"Boys, wag nyong bibigyan ng problema si Lance ahh...pagkadating sa office ay uuwi na din kami...isasabay namin sina Mama at Papa..." Sabi ni Gio nang nagtanong si Macoy.
"Eh Kuya Gio, open pa ba ang cafeteria dun?" Tanong ni Macoy na sinagot naman ni Carl.
"Hanggang 7 p.m lang sila...sabi ni Papa sa nurse sa Nurse Ward, kunin nyo dun ang food nyo...be safe boys..." Sabi ni Carl sabay kiss sa cheek ni Macoy na ganun din ang ginawa ni Gio.
Nagpaalam na sina Gio at Carl para dumiretso sa opisina. Habang naglalakad papunta sa elevator, nagtanong si Cesar kay Macoy.
"Ang sweet ng mga kapatid mo noh. Talagang bunso ka nila." Si Cesar.
"Thankful ako sa kanila dahil tinanggap nila ako nun at ni Mama" Si Macoy.
Dumating sila at pinuntahan sa Room 412. Nakita nila si Lance at ang kanyang mama na busy sa kanilang pag-uwi. Binayaran na din ang kanilang hospital fee at professional fee. Mura lang dahil hindi naman siya inoperahan.
Sinabi ni Lance na sa Sabado ng umaga sila uuwi para magpahinga. Nirereview nina Macoy at Cesar ang mga notes para sa Second Periodical Exam. Nabalitaan pala na suspended pala ang Provincial Basketball Tournament dahil sa nangyaring sexual harrassment sa mga players at coaches.
Sa una, nahihirapan si Lance kaya magkasabay nina Macoy at Cesar sa pag rereview, ngunit dahil sa sikap ay nakukuha na din ni Lance ang technique nina Macoy at Cesar. Nag review din ni Cesar si Lance ng Baybayin habang nagpapainit ng ulam si Macoy sa microwave oven.
Habang kumakain ay nagtatawanan ang tatlo. Sa ganung paraan, unti-unting gumagaling na si Lance. Para mapasma ang mga kamay ni Cesar ay si Nurse Stella ang naghugas ng cutleries nila, saka itinuloy ang kanilang review.
Pasado alas nuebe ng gabi nang tumulog na si Lance at si Nurse Stella ang magbabantay. Bored na bored sina Cesar at Macoy.
"Wala tayong pwedeng magawa dito. Pasyal tayo dun Macoy." Si Cesar.
"Saan tayo pupunta?" Si Macoy.
Nang may nakita si Macoy na dalawang maskuladong lalake na may mga masks na kulay itim na parang mga taong lobo.
"Huy, Macoy...ki-kilala mo na sila?" Si Cesar.
"Tignan natin. Dedma naman sila eh. Puntahan natin sila..." Sabi ni Macoy.
Lumakad sila papunta sa kinaroroonan ng mga lalake. Mga muskuladong lalake na nakasuot ng jet black Barong Tagalog , black slacks at naka mask nila. Sa una, mukhang papatayin nila sila Cesar at Macoy pero nag bow down sila, saka umalis.
"Ay...saan ang lakad natin ngayon? Umalis na sila eh..." Si Cesar.
"Ang mabuti pa, mag send ka ng text sa tatay mo. Sabihin mong kasama kita sa ospital at kasama natin si Lance." Si Macoy.
Nagtext si Cesar sa kanyang Tatay habang si Macoy, nag send ng group text sa pamilya nya.
Kinabukasan sinundo nina Gio at Fidel sina Cesar at Macoy habang si Lance ay aalis na ng ospital kasama si Nurse Stella na sinundo ng tito ni Lance. Dun makikitira ang kanyang Tito Oliver o Oli.
Pagkatapos ay nagpahinga muna si Macoy sa kwarto habang si Gio ay naghahanda na sa kanilang pag alis papuntang Toronto, Canada from October 13 to 26. Ipinaalam kay Mr. Gomez na nakalabas na ng ospital si Lance. Pagkatapos magpahingga ay nag jog at walk papunta sa gym.
Kinahapunan, habang naghahapunan ay nagkukwentuhan sila tungkol sa paglipad nila papuntang Toronto.
"Just for medical and business purposes pero binigyan kami ng business class?! Sana makasama kami dun, kahit economy class lang." Si Carl.
"For tourist eh pwede naman tayong lahat. Pipila lang si Macoy sa DFA para magkaroon ng passport." Si Fidel.
"Ahh..ay oo nga." Sabi ni Macoy.
"Kapag summer eh pupunta tayo sa DFA para magkaroon ka ng passport. Tatawagan ka namin dun via cellphone. Gusto mo ba ng mga pasalubong?" Sabi ni Grace saka sumubo ng kaunting kanin.
"Mmm..notebooks at ballpens na lang para sa next semester." Si Macoy.
October 6, 2003
Monday
Monday
Nagbalik school na si Lance and as always tuwang tuwa ang lahat sa kanyang pagbabalik habang si Macoy, nakatingin pa rin ang dalawang muskulado sa kanya. Nag bow, saka sumakay ng sasakyan at umalis. Kilala ni Macoy ang mga lalakeng yun. Sa loob ng classroom, puro review na lang ang mga subjects para hindi sila ma stress sa exam at hindi ma stress si Lance. Kitang kita kay Macoy na unti unting ngumingiti si Lance.
"Macoy, okay lang ba siya dun? Bawal daw ma stress...eh andun ang upuan ni Angela eh" Sabi ni Cesar pero pinakalma lang ni Macoy.
"Parang sinasabi mong isang sumpa si Angela...eh hanggang ngayon eh nawawala pa din eh, pati sina Calvin, Terrence at Kevin nawawala..." Sabi ni Macoy.
Nag lunch na at sinali nina Cesar at Macoy si Lance sa pagkain. Bumabalik ang sigla ni Lance at unti unting lumalambot ang mala diyamanteng puso ni Macoy. Mas magiging masaya dahil sa mga kaklaseng sina Princess, Chrissy at Miguel.
Bawas asaran at suntukan, puro tawanan.
Nang uwian na, sinundo si Lance ng kanyang Tito Oli habang sina Macoy at Cesar, sinundo nina Fidel at Grace. Nakwento ni Grace ang pag-alis nila papuntang Toronto.
"Galing naman. May tita po akong OFW pero nasa Dubai. Dati, bad boy po ako dun pero ngayon...good boy na..." Sabi ni Cesar at tuwang tuwa naman ang mag-asawa.
"That's good. Be a good boy palagi."
October 7, 2003
Tuesday
Tuesday
Habang nag rereview si Macoy para sa unang araw ng exam sa hallway, mayroon siyang nakitang isang lalakeng naka itim ang suot, naka maskarang itim at nagbabantay sa'kin. Pamilyar ang lalakeng yun dahil ito din ang nakita nina Macoy at Cesar sa ospital.
"Ano bang gusto nitong lalake sa'kin?" Sabi ni Macoy sa kanyang sarili nang marinig niya ang sigaw ni Cesar at Lance.
"Hoy Macoy!!!"
Tumayo si Macoy nang lumapit sila.
"Ohhh...nandito na pala kayo..." Si Macoy na parang may sumusunod sa kanya.
"Wala kaming mapuntahan kaya nagpunta kami sa...library...okay ka lang ba?" Si Cesar.
"H-ha? Ahh okay lang...parang may nakatingin sa'kin..." Sabi ni Macoy. Paglingon niya ay biglang nawala ang lalake na parang multo.
"N-nasaan na yun?" Si Macoy.
"Sino yun? Wala naman kaming nakikita ehh" Si Lance.
Alam ni Macoy ang nakita niya. Mahigpit ang mga guwardya kaya imposibleng may nakapasok sa premises ng school.
Nagsimula na ang exam at seven o' clock ng umaga. Mga Freshmen at Sophomores lang ang mag take ng exam sa umaga habang ang mga Juniors at Seniors sa hapon. Unang araw ay English at Algebra kaya una pa lang ay nahihirapan na ang mga students. Bawat exam ay may duration na isang oras para sagutin ang kanilang mga tanong.
Pagkatapos ng unang exam, nagpahinga muna sila nang dumating ang isang kotseng kulay itim na naka park sa labas ng school building.
"Macoy, tignan mo nga yung cellphone mo. Baka tumawag o nagtext sa'yo ang parents mo." Sabi ni Cesar. Binuksan ni Macoy ang cellphone at may SMS galing kay Gio:
"Bunso, busy kami ng kuya mo pati sina Mama at Papa. Sabi ni Boss Harvey, may susundo sa'yo. Pwede mong isama si Cesar at Lance. Good Luck Bunso."
"Si Kuya Gio. May susundo sa'tin after exams...for security purposes eh kasama kayong dalawa ni..Lance." Si Macoy Bumalik sila sa loob at kinausap ni Lance.
"Lance, nagsabi si Kuya, may susundo sa'tin after exam. Mag review ka na." Sabi ni Macoy at tumungo na lang si Lance saka bumalik sa kanyang upuan.
Para makapagpahinga ang mga students, napagkasunduan ng mga teachers na pwede na silang umuwi, para makapaghanda sa exam sa susunod na araw. Habang naglalakad si Macoy palabas ng school building, naghihintay ang isang lalakeng naka itim na short sleeved barong, black slacks at black leather shoes.
Nag bow ang lalake kay Macoy sabay abot ng card kay Macoy. Binuksan niya ang card at binasa habang dumadating sina Lance at Cesar. Sabi sa sulat:
"Hi Macoy si Kuya Harvey Yamada ito. Since busy ang mga kapatid mo, ipapadala ko na lang ang isang bodyguard ko para maghatid sa'yo..."
Pinuntahan nina Cesar at Lance si Macoy.
"Macoy, ahhh sino yan?" Si Cesar.
"Siya ang magiging bodyguard pag uuwi na tayo." Si Macoy.
Binuksan ng bodyguard ang pintuan para kina Macoy, Cesar at Lance. Si Cesar sa harap habang sina Lance at Macoy sa likod, saka nag start ng engine. Habang nagda drive ang bodyguard, nagtanong si Cesar sa kanya.
"Ahhh...sir...do you know the location of my house?" Si Cesar at tumango lang ang bodyguard.
Inihatid na ng bodyguard sina Cesar at Lance sa kanilang bahay habang si Macoy ay mayroon pang ibang pupuntahan.
Kagabi habang nag rereview si Macoy sa bahay, dumating na silang lahat at sabay-sabay na kumain ng dinner. Kinausap nila si Macoy.
"How's your exams bunso?" Tanong ni Fidel.
"Okay lang po Pa. Dalawang subject per day pala kaya pinauwi po kami. Sinundo po kami nung bodyguard." Sagot ni Macoy nang nagpaliwanag naman si Carl.
"Ahh..bodyguard yun ni Sir Harvey. Sinabi namin ni Kuya Gio kaya may extra bodyguard..just in case na hindi ka namin sunduin dahil sa work." Si Carl na nagpa kalma kay Macoy.
"At least panatag ka. Kung sumabay sina Cesar at Lance, mas okay. By the way, kamusta naman si Lance?" Si Grace.
Pagdating kay Lance, nagiging "cold" naman si Macoy.
"He's okay. Medyo tahimik lang. Takot pa siya sa strangers...lalo na sa bodyguard." Si Macoy.
Nagpatuloy ang examination hanggang Biyernes kaya nag impake na sila para sa kanyang business trip nina Fidel, Grace at Gio.
Linggo ng umaga nang dumating sila sa NAIA Terminal 3 for Departure. Mabuti na lang at nakapag check-in sina Fidel, Grace at Gio sa napili nilang airline. Niyakap nina Fidel, Grace at Gio sina Carl at Macoy nang mahigpit.
"Be good boys ah. Don't forget to pray." Bilin ni Grace.
"Tatawag ako o si Mama nyo ah. Magtetext din kami sa inyo." Dagdag ni Fidel.
"Opo naman po. Wag kayong mag alala." Sabi ni Carl.
"Carl, since ikaw muna ang mag drive kay Macoy papuntang school. In case na mag overtime ka, may substitute driver naman tayo from Boss Harvey...Macoy kung mag overtime si Kuya Carl mo, dun ka muna sa opisina..." Habilin ni Gio at tumango si Macoy.
Nagpaalam din sila kina Carl at Macoy. Bago tumuloy sa simbahan, kumain muna sila sa isang Chinese restaurant saka tumulak papuntang simbahan para sa 4:00 pm mass. Nagsimula na ang misa at ang priest ay si Fr. Michael. Ayaw tignan ni Macoy ang mukha ng paring yun.
October 24, 2003
Friday
Friday
Dumating ang sasakyan ni Carl para ihatid ni Macoy sa school.
"Oh bunso, baka mag overnight ako sa office. Pupuntahan kita sa receiving area. Mababait yun. Susunduin ka nung driver." Sabi ni Carl kay Macoy tinatanggal ang kanyang seatbelt.
"Okay po Kuya C...teka, ano ba yun? Ang daming tao?" Sabi ni Macoy.
Lumabas muna ng sasakyan si Carl para tignan kung bakit maraming tao ang nasa harap ng school building, saka pumasok ng sasakyan.
"Bunso, maraming tao eh. Pumunta ka na lang sa school at mag ingat ka. Text mo ko." Turo ni Carl kay Macoy sabay kiss sa noo.
"Sige po. Ingat po kuya."
Lumabas na ng sasakyan si Macoy at dala-dala ang kanyang schoolbag. Pinipilit pumasok habang nagkukumpulan ang mga tao na parang nakatingin sa school building.
Dumating sina Miguel, Cesar at Chrissy
"Anong nangyayari dito? Bakit maraming tao dito sa labas ng school....building?" Tumigil si Macoy sa pagsasalita nang makita ang isang karumal dumal na pangyayari.
"Nandito na sina Calvin, Terrence at Kevin...kaso nakabigti...tignan mo oh..." Sabi ni Cesar.
Tumingin si Macoy sa ibaba. Nakita niya ang tatlong katawan nina Calvin, Terrence at Kevin - walang saplot, walang titi at nakabigti habang naka vandal ang mga salitang
RAPIST
MJ USERS
ANAK NG KRIMINAL
MJ USERS
ANAK NG KRIMINAL
Comments
Post a Comment