TOGETHER NA, FOREVER PA - Chapter 9
Hyun Ki/Ken's POV
Umagang umaga pa lang, gumising na'ko agad mula sa'king pagkakatulog. Nag stretch muna ako for fifteen minutes saka nagpunta sa aking closet para tumingin kung anong isusuot ko. Napili kong isuot ang grey t-shirt, grey coat, denim pants at shoes. Inilagay ko na ang mga gamit ko papuntang office. Paglabas ko ng kwarto at habang pababa ay dumating na si Robert na ginagamit ang bagong ibinili kong damit para sa kanya.
"Good Morning Sir" Bati ni Robert.
What?! Sir? Anong tingin mo sa'kin - matanda?
Lumapit ako sa kanya at tumingin sa itsura ni Robert. He's totally hot...
Pero mas hot pa rin si MJ.
"Bagay sa'yo Robert. Pero wag mo na akong tawaging 'sir', nagiging matanda ako nyan...tara, breakfast tayo."
Bumaba na sa dining area at nandun si Mama kasama ang kasambahay na si Marilou o Malou for short. Nasa dining table na ang kakainin namin - sunny sideup, fried rice at tapa. Kumuha lang si Robert ng madaming ulam at kaunting kain. Naglagay ng orange juice ang baso. Bawat subo at nguya ay pansin kong iba si Robert sa'min.
Bodyguard ka ba talaga o robot? Wala ka sa PMA noh!
Excited na akong bumalik sa trabaho. Pagkatapos ng shooting ng pelikula, magpapahinga muna ako at magfofocus ako sa work. Hindi pa ata bumabangon si Kevin, dahil sa jetlag.
Jetlag?! Eh ilang oras lang ang pagitan ng South Korea at Pilipinas.
Umaga kaming umalis ng bahay at ginamit namin ang minivan papuntang office. Okay lang naman sa'kin ang music - except sa AM Radio. Kitang-kita na may heavy traffic pa din at hindi ko ma gets kung paano kami nakakatagal sa dalot ng traffic.
"Uh Ken...okay lang po ba kayo dyan?" Tanong ni Robert.
"Yes Robert...may problema po ba?" Sagot ko sa kanya. Medyo matalim na ang mga mata niya na parang may nangyari sa kalye. Nakatingin si Robert sa dashcam ng sasakyan at sa salamin.
"Ken, dalawang taong sakay ng isang motorcycle. Kanina pa lang sinusundan na tayo...may kalaban po ba kayo sa negosyo?" Sabi ni Robert saka umandar ang sasakyan.
Tumingin ako sa likod ng kotse. Shit!!! May dalawang taong sakay ng motorcycle. Tumingin ako at may suot na black helmet. Umandar na ang sasakyan at si Robert ang driver ko. Habang umaandar ang sasakyan, ay talagang sinusundan ng mga nakasakay sa motorcycle. Gusto kong mag send sa'kin ng text message si MJ pero hindi pa siya gumigising. Hanggang sa umikot ang sasakyan. Lumingon sa'kin si Robert at sinigawan niya ako ng...
"KEN, DAPA!!!!" Sabi ni Robert.
Dumapa naman ako at ilang sandal ay pinaulunan ng bala ang sasakyan.
BANG!!! BANG!!! BANG!!! BANG!!! BANG!!! BANG!!! BANG!!! BANG!!! BANG!!! BANG!!! BANG!!! BANG!!!
Siguro tapos na ang pagbabaril ng riding-in-tandem. Binuksan uli ni Robert at kinamusta ako.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Robert at tumango lang ako.
Kinuha ko ang bag ko saka pinalabas ako ng sasakyan at isang itim na police car ang sumundo sa'kin, kung saan pulis pala ang nag escort sa'kin nang biglang kinausap ako ni Robert.
"Sir Ken, sumama ka muna sa mga pulis. Hahabulin ko yung mga riding-in-tandem..." Sabi ni Robert.
WHAT???!!! IIWAN MO'KO? ABA BASTOS KA AH!!!
"What? Iiwan mo'ko? Paano naman ako?" Tanong ko habang kinukuha ni Robert ang isang motorcycle ngi isang pulis. Sinakyan niya ito at nagsuot ng helmet.
"Sumama ka sa kanila. Mga kaklase ko yan sa Criminology. Mababait yan. Kita tayo mamaya sa bahay..." Sabi ni Robert sabay baba ng face shield at humarurot ang sasakyan. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang trabaho ni Robert - bodyguard o secret agent na katulad ni James Bond.
Dumarami na ang mga taong kumukuha ng pictures and videos tungkol sa shooting incident ko. I'm sure laman siguro yan ng mga dyaryo at pati ang headlines ng mga TV News programs sa gabi. Sumakay na ako sa police car at dumiretso na ako sa Quezon City Police Station 6, kung saan naghihintay ang mga reporters, photographers, bloggers at mga usisero't usisera. Umupo muna ako sa isang plastic mono block chair habang kinakausap ng isang pulis na ikinukwento ang nangyari sa'kin nang marinig ang boses ng babaeng sa sobrang lakas ay daig pa ang sirena ng ambulansya.
"KEN!!!! ANONG NANGYARI SA'YO? MAY MASAKIT BA SA'YO?" Tinig ni Lady M at nakipagplastikan ako sa kanya sa pakikipag beso ako sa kanya.
Oh Lady M ... you're fantastic, you're so plastic
"Pupunta sana ako sa office nang may sumunod sa'king sasakyan at pinaulunan ng bala. Thank God bulletproof ang buong van. Now, hinahabol ni Robert ang pasimuno ng shooting incident na'to. Anong sasabihin sa'kin ng Papa ko?"
"Okay...maglalabas na lang ako ng written statement sa mga reporters, news writers at bloggers. For now, don't accept interviews. Just stay at home..." Sabi ni Lady M sabay yakap sa'kin. Plastic mo talaga.
Nagsend na lang ako ng message kina Papa, Tito, Tita Sally, Kevin at kay Mama pero nagsend ako ng separate message kay MJ na nasa police station ako. Hindi na ako kinuhanan ng finger prints kasi obviously, biktima ako. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya binuksan ko kung anong laman ng message.
Galing yun kay Sandra Orellana.
"Mr.Lee, natagpuang patay si Mr.Andrew Clark ng Yamada Medical Corporation. You're one of his signatories so please check if there are lapses sa pagbabayad kanyang life insurance. I'm so sorry for what happened sa'yong shooting incident. If you're okay, magpunta ka dito sa office. We will talk about what happened." Message ni Sandra.
Alam ko yang Sandrang yan. From the start, wala na akong tiwala sa kanya tapos naging CEO pa ng kumpanya. OK lang kung si Nathan pero maraming naiinggit sa kanyang pwesto...
...at si Sandra Orellana ang isa sa mga inggiterang yan.
Lumabas na din ako ng police station. Inihatid ako ng dalawang pulis papunta sa JH Tower. Habang nasa byahe ay binabasa ko ang news article sa cellphone. Ayon sa news article, nakita ang katawan ni Mr.Clark sa isang sementong drum na itinapon sa Manila Bay. Well obviously, patay na yung tao.
Tinawagan ko si Celine.
"Hello? Celine...mag research ka about kay Mr.Andrew Clark ng Yamada Medical Corp...papunta na ako dyan sa office...WHAT?! SERIOUSLY? Papunta na ako dyan." Sabi ko kay Celine.
It was a day full of negativity. Ewan ko ba kung anong meron sa Martes. Mula Quezon City ay inihatid nila ako sa JH Tower using a black police car. Pagdating ko sa opisina, sinalubong ako ni Celine sa receiving area habang naglalakad ako papasok ng opisina.
"Mahabang kwento...anyway magtatrabaho na ako kaysa magkulong at pagpipiyestahan ng media..." Sabi ko sabay bukas ng pinto at dumiretso agad sa'king iMac.
"Celine, I need to freshen up...pupunta muna ako sa comfort room...and stay with your research..." Sabi ko nang biglang nagkwento si Celine.
"Uh sir...kaka start ko pa lang eh. Magaling yung bodyguard-slash-researcher ni Sir Min Joon...nag research agad to the max..." Sabi ni Celine.
"Oh okay so?"
Para namang naghihintay ng blessing mula sa langit itong si Celine.
"Ifo-forward ko na lang po sa'yo thru email yung na-research ni Arthur..." Sabi ni Celine na nagpapacute.
Sarap batukan itong si Celine. Hmph!!!
Umalis muna ako ng opisina at pumunta sa comfort room para maghilamos ng mukha at saka bumalik sa opisina. Tinanggal ko muna ang aking coat at nagsimulang mag research tungkol kay Mr.Andrew Clark.
Isang American businessman si Mr.Andrew Clark, 56 years old, may asawang Filipina at may dalawang anak. Board member si Mr.Clark ng Yamada Medical Corporation na pinamumunuan ni Dr.Ferdinand Yamada. Sabi sa research ni Arthur, isang legitimage JH Insurance planholder si Mr.Clark, ngunit isang taon ang nakakalipas nang walang payment ang dumarating mula sa amin. Dahil wala na si Mr.Clark, magiging primary planholder ang kanyang misis na si Adelaide Ramos-Clark, ngunit dapat niyang bayaran ang kakulangan sa policy plan noong 2019.
Hmmmm I smell something fishy!!! Magaling si Arthur pagdating sa research and computer stuff pero dapat extensive research ang kinakailangan. Parang may nagaganap na nawawalang funds mula sa mga policy holders.
Speaking of Arthur,
Asan si Robert????
Kinuha ko ang smartphone ko at tinawagan si Robert. Matapos ang limang rings...
"Hello Robert? Asan ka na ba?"
"Sir, I'm sorry nabantayan ko kayo...kamusta kayo dyan?"
"I'm perfectly fine. Nasa office na ako. Teka, nasaan ka na ba? Mmm...don't tell me..."
"Opo. Nahuli ko na po sila dito sa kanilang hideout..."
WHAT THE...NAHULI NI ROBERT ANG MGA GUNGGONG NA YUN?
"Anong sabi nila?"
"Mamaya na lang po sa bahay. Strictly confidential eh."
Mistulang "dynamic duo" ang kambal nina Arthur at Robert. Maswerte ako dahil may Robert ako as my bodyguard. He's courageous, serious yet sexy. Sa ganda ng katawan ni Robert, baka kumuha ng kanin si Celine.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Nung inopen ko, isang message mula kay MJ.
"Hyun Ki. Okay ka lang ba?! Tawag nang tawag si samchon at si tita. Pumunta ka sa office ni Sandra. Nasa opisina ako ni Atty. Constantino. Dun tayo mag-uusap."
Umalis na ako ng opisina para puntahan ang inggiterang si Sandra. Pagpasok ko sa opisina ni Sandra ay nakaupo ito sa couch.
"Ohh Hyun Ki...kamusta ka na? Mmm..." Sabi ni Sandra sabay yakap sa'kin. Pesteng Martes 'to.
"Still alive and kicking. Siguro masaya ka ngayon noh?! Masaya ka siguro kapag patay na'ko noh?" Diniretsuhan ko na si Sandra sa sinabi ko.
"Ikaw naman...ayokong may mangyari sa'yo...that's why I decided na binigyan kita ng indefinite leave..." Tuwang tuwang sabi ni Sandra.
Hindi na ako nakapagtimpi pa. Tumayo ako sa harapan niya na nanlilisik ang mga mata.
"...at sino namang talipandas at makating katulad mo na binigyan ako ng leave...are you trying to fire me?! In my own company?" Sabi ko sa kanya na pawis na pawis ang mukha niya. Parang may ginagawang kalabastugan nitong babaeng ito.
"Ahhh...H-hyun Ki...hindi naman sa ganun...for your security reasons din..." Sabi ni Sandra kaya lumakad ako papunta sa upuan ng CEO.
"Bakit takot na takot ka?! Dahil ba yan kay Mr.Clark?" Sabi ko habang nakaupo ako sa trono ni Sandra.
"W-what?! Anong ibig mong sabihin?"
"Pwede ba Sandra, wag na tayong magplastikan dito. Active ang status ni Mr.Clark pero for the last year, hindi naifo-forward ang payment ni Mr.Clark...which means may mali sa transaction..." Sabi ko.
Tumayo ako at umikot-ikot sa paligid ni Sandra na parang itineterrogate ng mga pulis.
"Mr.Lee...w-wa-wala namang t-transaction na mali dito...mmm...b-bakit mo sinabi nun?" Sabi ni Sandra sa'kin. Siguro eh tinatakot niya ako.
"Oras na malaman kong may discrepancy kay Mr.Clark o sa iba lang planholders, sasampahan ko yan ng patong-patong na kaso at ipapatapon ko yan sa North Korea - for good..." Sabi ko sa kinakabahang si Sandra.
After a few minutes, kumalma na si Sandra.
"Uuuuhhh okay sige, you can go to work but for your safely, sa bahay ka na lang muna magtrabaho...okay naman sa'yo di ba?" Sabi ni Sandra.
"Mmm sounds good pero..."
"Pero ano?" Tanong ni Sandra sa'kin.
"Pwede akong magtrabaho sa bahay but naka sync ang iMac ko sa opisina at sa bahay...bawal pumasok ang sinuman sa'king office...it"s better to be safe and secured..."
Natulala si Sandra sa sinabi ko kaya umalis na agad ako sa kanyang opisina. Pagsara ko ay nagwala agad si Sandra at nambasag ng mga gamit sa loob ng opisina. Hindi ko alam kung bakit tinanggap ng kumpanya ni papa at ni samchon/tito ng isang baliw.
She's insane!!!
Sa 20th floor naroon ang opisina nina Papa, samchon, President, CEO, VP for Legal Affairs at may dalawang malaking opisina. Dumiretso na ako sa isang opisina na may sariling area para sa receiving area. Nagtanong ako sa babaeng secretary.
"Uh excuse me, nandyan ba si Atty.Constantino?"
"And you are?" Sabi ng secretary. Taray huh!!!
Inilabas ko ang company ID ko at ipinakita ko sa kanya. Nakilala niya agad ang kausap niya.
"Nasa opisina po kasama si Sir Min Joon." Sabi ng secretary.
Pumasok ako sa opisina ni Atty.Ulysses Constantino o Uly, Vice President for Legal Affairs. Gawa sa narra ang pinto ng opisina ni Uly kaya pagkapasok ko ay masasabi kong masyadong lalake ang opisina ni Uly, gawa ni Mama.
Nakita ko si Min Joon na nakaupo sa kanan at nasa kabisera si Uly na isang law graduate at nagtapos ng Bachelor of Law mula sa U.P at nag Masters Degree in Corporate Law sa Harvard School of Law.
Moreno, chinito, malago ang buhok, matangos ang ilong, manipis ang kanyang labi. Lagi siyang naka eyelasses at laging seryoso pagdating sa trabaho. Wala bang asawa nitong si Uly kaya uhaw sa sex? Baka naman laging work, work, work at no play, play, play?
Nabalitaan nila ang tungkol sa shooting incident ko. For the first time in forever, biglang natakot si MJ...
...para sa mga anak niya.
...para sa'kin.
Kinuwento ko sa kanila kung anong totoong nangyari. Kalma lang si Uly habang si MJ...
"For God sake. Kapag nakita ko ang mga suspects na yan, ipapa gulpi ko sila sa mga pulis..." Sabi ni MJ.
Ang over mo naman masyado. Ako ang biktima at hindi ikaw. Hay MJ. Masyadong OA ka na.
"Hey man. Come down. Hyun Ki is safe. What's important is that he's fine and there's nothing to worry about..." Sabi ni Uly na mababa ang boses na parang si God na bumaba galing sa langit.
Naiinis si MJ kapag may nangyayari tungkol sa pamilya niya o tungkol sa'kin. Wala pa niyan sa border ng pagiging hysterical niya. Sinabi ko na din sa kanila ang pagkontra ko sa pagfile ni Sandra ng indefinite leave. Ayun, papunta na si MJ sa pagiging hysterial niya.
"Ano ba yang si Sandra huh? She's a moron." Sabi ni MJ.
Uh MJ, di ba dapat ako ang nagsasalita nang ganyan?
"Min Joon, wag kang padalos dalos okay?! Wag kang bumaba sa lebel ni Sandra huh. Boss din natin yun. Focus on your job and be professional..." Sabi ni Uly kay MJ sabay tanong sa'kin. "...siya nga pala, yung tungkol kay Mr.Clark, may balita ka na ba?"
Dapat siguro si Uly, maging host ng isang talk show. Masyadong madaldal eh.
"Nag reresearch kami ng department namin. Nagbabayad si Mr.Clark pero hindi nafoforward sa kumpanya. Parang may mali talaga eh." Sabi ko kay Uly habang kino-compile niya ang mga folders niya.
"Okay Hyun Ki. Ipagpatuloy mo lang yan. I guess dapat nasa bahay ka na lang nagtatrabaho from now on. Pwede ka namang bumisita dito eh kung gusto mo. Any information na malaman mo, itago mo na lang muna. I could use it as evidence against that moron." Sabi ni Uly sa'kin.
May tiwala ako kay Uly dahil balanse ang tao. Kapag may mali, itinatama niya. Kapag may ginawang mali, lalaban siya sa patas at tamang pamamaran.
Bumalik na lang kami sa kani-kanilang mga trabaho. Ipinaalam ko sa buong Audit Department na sa bahay muna ako magtatrabaho, just for security purposes. Laging magrereport si Celine sa'kin thru emails and video calls.
Umalis na kami nina MJ at Arthur ng opisina. Nakisabay muna ako sa kanila habang nagmamaneho si Arthur. Habang nasa kotse, kinuwento ko na kay MJ ang tungkol sa panaginip ko.
"You know what...lagi na akong nananaginip."
"Whoa?! Sa edad mong yan may panaginip ka pa din? Okay so what's this your dream about?" Tanong ni MJ.
Sasabihin ko na lang kay MJ para tapos na ang drama.
"Sa panaginip ko, nagising ako sa isang bedroom...ay hindi...master bedroom...then suddenly, nasa panaginip kita..." Tawang-tawa si MJ sa sinabi ko pero pinapagpatuloy ko ang kwento. Kinuwento ko sa kanya na...nag sex tayo sa bedroom at may lasang tamod sa boxer shorts ko.
"Yung totoo, anong nakain mo o ininom mo at nanaginip kang nag sex tayo sa bedroom?! Alam mo itulog mo na lang yan hehe." Patawang sabi ni MJ.
Nabwisit ako kay MJ sa sinabi niya.
"At saan mo naman napulot yang punchline mo?! Trenta ka na tapos pumunchline ka pa sa'kin."
"Kay Barry...palagi niya akong pinapatawa kaya puro good vibes ang office...pag-uusapan natin yan sa bahay huh. Isama mo na din si Arthur para masaya." Sabi ni MJ.
Hindi ko alam kung may pagka bipolar si MJ...minsan funny, minsan serious. Lalake naman ito kaya hindi nagkakaroon ng buwanang dalaw. Gusto ko nang ihawin at kainin nang buhay.
Umuwi na kami sa bahay. Siyempre, unang sumalubong sa'kin si Mama at si Kevin na parang si Mama - sobrang OA. Gosh. Todo na'to.
Pinakain muna nila kami ni Robert, saka kami pumunta sa sari-sariling mga kwarto saka ako nagpalit ng pambahay na suot. Lumabas na ako ng bahay at nagpunta sa patio para magpahingga. Sumunod pa din si Robert at umupo.
"Ken, dinala na ang mga suspects sa precinto at sinampahan ng patung-patong na kaso..." Sabi ng laging seryosong si Robert.
Robert, wag ka nang mag seryoso. Kamamatay mo yan.
"Okay, so anong sabi ng mga pulis?"
"Kumanta na sila. Ayon sa testimonya, binayaran sila ng tig-₱500,000 para barilin ang sasakyan mo..." Sabi ni Robert.
"Tignan mo nga naman. Para sa pera, ipapapatay nila ako? Sino kaya ang boss nila? Hmmm..."
Biglang nagsalita si Robert. He's bringing the good or bad news.
"Ang boss daw nila - isang nagngangalang 'Roxanne Isidro'. Ka anu-ano po ba nyo siya?" Tanong ni Robert.
Clueless ako sa mga sinabi nya. To be honest, hindi ko kilala ni Roxanne. Ni hindi ko siya nakilala nang personal. Dumating din sina MJ at Arthur saka umupo sa silya. Sinabi na din nila kay Robert ang info galing sa mga suspect. As usual, hindi nila alam.
Nagkausap ang kambal na sina Robert at Arthur. Lumapit sa'kin si MJ at nagtanong tungkol sa panaginip ko.
"Alam mo Ken, stress lang yan okay. Magpahinga ka muna sa bahay. Si Arthur na ang bahala sa iMac mo para may synchonize ang mga PC mo. Ikaw muna ang tatayong 'second dad' nina Emma at Ethan habang nasa work pa ako..." Sabi ni MJ.
Yes hon. Ako na muna ang bahala sa kanila...pweeee
Inakbayan ako ni MJ sa balikat ko ng kanyang sculptured muscles. Nega ako sa mga taong may mababahong amoy - mapa lalake o babae.
Amoy lang niya ang nagiging kahinaan ko.
"Ken, sabihin mo naman sa'kin...talaga bang nag sex tayo sa panaginip mo? O baka naman horny ka kaya tumayo yan..." Tanong ni Robert sa'kin sabay tingin sa'king pundya.
"MJ, tumatayo yang ari ko...ewan ko ba...pagkagising ko, basang basa ang boxer shorts ko...inamoy ko at amoy tamod...eeewww...hehehe..." Sagot ko.
Tawang-tawa lang kaming dalawa at dahil alas diyes na ng gabi, kailangan naming umuwi sa bahay para matulog. Umakyat na kami sa second floor, kung saan naroon ang pinto ng kuwarto ni Robert. Sabi ni Robert sa'kin na since work-from-home ang system ko, dapat daw ako mag exercise kahit sa labas ng bahay o sa playground, with the request coming from my loving father.
Bago ako ipikit ang aking mga mata, iniisip ko tungkol sa shooting incident at ang mastermind ay si...
ROXANNE ISIDRO!!!
Sino ba itong Roxanne Isidro at gusto akong patayin?
Kapag nalaman ko kung saan nakatira eh bibigyan kita ng plane ticket.
FLIGHT NUMBER: JH-666
DESTINATION: HELL
Comments
Post a Comment