TOGETHER NA, FOREVER PA - Chapter 8
Min Joon/MJ's POV My marriage with Eunice was both a bed of roses and a bed of thorns. Minahal ko naman si Eunice at dahil sa pagmamahal ay nagkaroon kami ng isang pares ng kambal na parehong mapagmahal at mabait. Habang nagtutuos ang mga lawyers namin tungkol sa pagpapabilis ng proseso ng annulment, napag-isip ako kung anong magiging reaction nina Emma at Ethan na maghihiwalay na ang mga magulang nila. Habang umaalis si Eunice, naiwan ako sa red room na nag-iisa. Lalake ako kaya dapat hindi ako umiiyak. Pero sa pagkakataon kong ito, parang gusto kong umiyak - hindi para sa mga kambal o para sa kanilang ina. Biglang tumutulo ang luha ko sa mga mata ko nang hindi ko namamalayan. Gusto kong umiyak para sa sarili ko. Noong nasa Seoul pa ako at nag-aaral bilang Junior High School, may isang malapit kong kaibigan na nagtapat sa akin ng pag-ibig niya but sadly, na-friendzone ko siya. Ngayon, nagsisisi na ako dahil hindi ko tinanggap ang pag-ibig niya sa'kin. Siguro kung nagin...